Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (12) Surah: At-Tahrīm
وَمَرۡيَمَ ٱبۡنَتَ عِمۡرَٰنَ ٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتۡ بِكَلِمَٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتۡ مِنَ ٱلۡقَٰنِتِينَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa, para sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, sa kalagayan ni Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya laban sa pangangalunya. Kaya nag-utos si Allāh kay Anghel Gabriel na umihip doon [sa bulsa ng baro ni Maria] kaya ipinagbuntis nito, dahil sa kakayahan ni Allāh, si Jesus na anak ni Maria, nang walang ama. Nagpatotoo si Maria sa mga batas ni Allāh at sa mga kasulatan Nito na ibinaba sa mga sugo Nito. Siya noon ay kabilang sa mga tumatalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• التوبة النصوح سبب لكل خير.
Ang pagbabalik-loob na tunay ay isang kadahilanan sa bawat kabutihan.

• في اقتران جهاد العلم والحجة وجهاد السيف دلالة على أهميتهما وأنه لا غنى عن أحدهما.
Sa pagkakaugnay ng pakikibaka ng kaalaman at katwiran at ng pakikibaka ng tabak ay may katunayan sa kahalagahan ng dalawang ito, na walang kasapatan sa isa lamang sa dalawa.

• القرابة بسبب أو نسب لا تنفع صاحبها يوم القيامة إذا فرّق بينهما الدين.
Ang pagkakalapit dahil sa isang kadahilanan o isang kaangkanan ay hindi nagpapakinabang sa nagtataglay nito sa Araw ng Pagbangon kapag nahati-hati sa pagitan ng dalawang ito ang Relihiyon.

• العفاف والبعد عن الريبة من صفات المؤمنات الصالحات.
Ang kalinisan ng puri at ang pagkalayo sa alinlangan ay kabilang sa mga katangian ng mga babaing mananampalatayang maaayos.

 
Translation of the meanings Ayah: (12) Surah: At-Tahrīm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close