Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: At-Tāriq   Ayah:

At-Tāriq

Purposes of the Surah:
بيان قدرة الله وإحاطته في خلق الإنسان وإعادته.
Ang paglilinaw sa kakayahan ni Allāh at pagkasaklaw Niya sa paglikha sa tao at pagpapanumbalik dito.

وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ
Sumumpa si Allāh sa langit at sumumpa Siya sa bituin na lumilitaw sa gabi.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, sa pumapatungkol sa dakilang bituing ito?
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ
Ito, ang bituin, ay tumatagos sa langit sa pamamagitan ng tanglaw nitong nagliliyab.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِن كُلُّ نَفۡسٖ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٞ
Walang anumang kaluluwa malibang nagtalaga si Allāh rito ng isang anghel na nag-iingat dito ng mga gawa nito para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ
Kaya magnilay-nilay ang tao mula sa ano lumikha sa kanya si Allāh upang lumiwanag para sa kanya ang kakayahan ni Allāh at ang kawalang-kakayahan ng tao.
Arabic explanations of the Qur’an:
خُلِقَ مِن مَّآءٖ دَافِقٖ
Lumikha sa kanya si Allāh mula sa isang likidong may pagpulandit na bumubuhos sa sinapupunan,
Arabic explanations of the Qur’an:
يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ
na lumalabas ang likidong ito mula sa pagitan ng butong gulugod ng lalaki at mga buto ng dibdib.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٞ
Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – yayamang lumikha Siya nito mula sa likidong hamak ay Nakakakaya sa pagbuhay rito matapos ng kamatayan nito para maging buhay para sa pagtutuos at pagganti.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ
Sa Araw na susulitin ang mga lihim para mabunyag ang dating inililingid ng mga puso na mga layunin, mga paniniwala, at iba pa sa mga ito para mabukod ang maayos mula sa mga ito at ang tiwali.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٖ وَلَا نَاصِرٖ
walang ukol sa tao sa Araw na iyon na anumang lakas na makapipigil siya sa pamamagitan nito sa pagdurusang dulot ni Allāh, ni tagatulong na tutulong sa kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ
Sumumpa si Allāh sa langit na may ulan dahil ito ay bumababa mula sa dako nito nang paulit-ulit.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ
Sumumpa Siya sa lupa na nagkabiyak-biyak dahil sa narito na mga halaman, mga bunga, at mga punong-kahoy.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلٞ فَصۡلٞ
tunay na ang Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay talagang isang sinabing nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, at katapatan at kasinungalingan;
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ
at hindi ito ang laro at ang kawalang-kabuluhan; bagkus ito ang seryoso at ang totoo.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدٗا
Tunay na ang mga tagapagpasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo nila ay nagpapakana ng maraming pakana upang magtakwil sa paanyaya niya at magpabula nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَكِيدُ كَيۡدٗا
at nagpapakana naman Ako mismo ng isang pakana para sa paghahayag ng relihiyon at pagpapasinungaling sa kabulaanan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا
Kaya mag-antabay ka, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito, mag-antabay ka sa kanila nang kaunti at huwag kang magmadali sa pagdurusa nila at pagpapahamak sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• تحفظ الملائكة الإنسان وأعماله خيرها وشرها ليحاسب عليها.
Nag-iingat ang mga anghel sa tao at mga gawa nito: ang mabuti sa mga ito at ang masama sa mga ito, upang tuusin siya sa mga ito.

• ضعف كيد الكفار إذا قوبل بكيد الله سبحانه.
Ang kahinaan ng pakana ng mga tagatangging sumampalataya kapag inihambing sa pakana ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.

• خشية الله تبعث على الاتعاظ.
Ang takot kay Allāh ay pumupukaw sa pagtanggap ng pangaral.

 
Translation of the meanings Surah: At-Tāriq
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close