Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Hijr   Ayah:

Al-Hijr

الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Alif. Lām. Rā’.[1] Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw.[2]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
[2] sa Tawḥīd at mga batas
Arabic explanations of the Qur’an:
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Marahil mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya [sa Araw ng Pagbangon] na kung sana sila ay naging mga Muslim.
Arabic explanations of the Qur’an:
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Hayaan mo sila na kumain, magpakatamasa, at maglibang sa kanila ang [tagal ng] pag-asa sapagkat makaaalam sila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong isang pagtatakdang nalalaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Walang nakauuna na anumang kalipunan sa taning nito at hindi sila nakapag-aantala.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi sila: “O siyang ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّوۡمَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Bakit kasi hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat?”
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Tunay na Kami ay nagbaba ng [Qur’ān na] Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat [laban sa pagbabago].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi sila sumasampalataya rito [sa Qur’ān] samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Kahit pa nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,
Arabic explanations of the Qur’an:
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
talaga sanang nagsabi sila: “Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close