Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Hijr   Ayah:
قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Nagsabi ito: “Hindi ako naging ukol na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula riyan [sa Paraiso] sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi ito: “Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko].”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi ito: “Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila[6] sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
[6] Ibig sabihin: sa mga anak ni Adan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ
Nagsabi Siya: “Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila [sa paglilisya sa kanila], maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.s
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ
Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa ‌kanila ay may isang bahaging itinalaga [sa mga tagasunod ni Satanas].”
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ
[Sasabihin:] “Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ
Walang sumasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ
at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ
Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga [anghel na] panauhin ni Abraham.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close