Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah   Ayah:
سَلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ كَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّنۡ ءَايَةِۭ بَيِّنَةٖۗ وَمَن يُبَدِّلۡ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Magtanong ka sa mga anak ni Israel kung ilan ang ibinigay Namin sa kanila na malinaw na tanda. Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh[55] matapos na dumating ito sa kanya, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
[55] Ang tnutukoy ng biyaya ni Allāh dito ay ang Islam.
Arabic explanations of the Qur’an:
زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَيَسۡخَرُونَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۘ وَٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ وَٱللَّهُ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang buhay na pangmundo at nanunuya sila sa mga sumampalataya. Ang mga nangilag magkasala ay sa ibabaw nila sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay tumutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang isang pagtutuos.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَانَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَبَعَثَ ٱللَّهُ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ فِيمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَمَا ٱخۡتَلَفَ فِيهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ أُوتُوهُ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۖ فَهَدَى ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ مِنَ ٱلۡحَقِّ بِإِذۡنِهِۦۗ وَٱللَّهُ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٍ
Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, saka nagpadala si Allāh ng mga propeta bilang mga tagapagbalita[56] ng nakagagalak at mga tagapagbabala.[57] Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon. Walang nagkaiba-iba hinggil doon kundi ang mga binigyan nito matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay dala ng paglabag sa pagitan nila, ngunit nagpatnubay si Allāh sa mga sumampalataya para sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon na katotohanan ayon sa pahintulot Niya. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid.
[56] ng inihanda ni Allāh sa mga alagad ng pananampalataya
[57] ng ibinanta ni Allāh sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تَدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ وَلَمَّا يَأۡتِكُم مَّثَلُ ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلِكُمۖ مَّسَّتۡهُمُ ٱلۡبَأۡسَآءُ وَٱلضَّرَّآءُ وَزُلۡزِلُواْ حَتَّىٰ يَقُولَ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ مَتَىٰ نَصۡرُ ٱللَّهِۗ أَلَآ إِنَّ نَصۡرَ ٱللَّهِ قَرِيبٞ
O nag-aakala ba kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa dumating sa inyo ang tulad ng sa mga lumipas bago pa ninyo? Sumaling sa kanila ang kadahupan at ang kariwaraan. Niyanig sila hanggang sa magsabi ang sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya: “Kailan ang pag-aadya ni Allāh?” Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit na!
Arabic explanations of the Qur’an:
يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَا يُنفِقُونَۖ قُلۡ مَآ أَنفَقۡتُم مِّنۡ خَيۡرٖ فَلِلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۗ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ
Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang gugugulin nila. Sabihin mo: “Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan ay ukol sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at kinapos sa daan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh dito ay Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close