Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah   Ayah:
قُلۡ إِن كَانَتۡ لَكُمُ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ ٱللَّهِ خَالِصَةٗ مِّن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُاْ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo: “Kung ukol sa inyo [O mga Hudyo] ang tahanan sa Kabilang-buhay sa piling ni Allāh nang natatangi bukod pa sa mga tao ay magmithi kay ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَن يَتَمَنَّوۡهُ أَبَدَۢا بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ
Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَتَجِدَنَّهُمۡ أَحۡرَصَ ٱلنَّاسِ عَلَىٰ حَيَوٰةٖ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمۡ لَوۡ يُعَمَّرُ أَلۡفَ سَنَةٖ وَمَا هُوَ بِمُزَحۡزِحِهِۦ مِنَ ٱلۡعَذَابِ أَن يُعَمَّرَۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
Talagang makatatagpo ka nga sa kanila na pinakamasigasig sa mga tao sa buhay kaysa sa mga nagtambal [kay Allāh]. Nag-aasam ang isa sa kanila na kung sana palawigin siya ng isang libong taon samantalang ito ay hindi maghahango sa kanya mula sa pagdurusa na palawigin siya. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ مَن كَانَ عَدُوّٗا لِّـجِبۡرِيلَ فَإِنَّهُۥ نَزَّلَهُۥ عَلَىٰ قَلۡبِكَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Sabihin mo: “Ang sinumang naging isang kaaway para kay [Anghel] Gabriel, tunay na siya ay nagbaba nitong [Qur’ān] sa puso mo [O Propeta Muḥammad] ayon sa pahintulot ni Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, bilang patnubay, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
مَن كَانَ عَدُوّٗا لِّلَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَجِبۡرِيلَ وَمِيكَىٰلَ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَدُوّٞ لِّلۡكَٰفِرِينَ
Ang sinumang naging isang kaaway para kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga sugo Niya, kay Gabriel, at kay Miguel; tunay na si Allāh ay isang kaaway para sa mga tagatangging sumampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ وَمَا يَكۡفُرُ بِهَآ إِلَّا ٱلۡفَٰسِقُونَ
Talaga ngang nagpababa Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng mga talatang malilinaw at walang tumatangging sumampalataya sa mga ito kundi ang mga suwail.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوَكُلَّمَا عَٰهَدُواْ عَهۡدٗا نَّبَذَهُۥ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Sa tuwing nakikipagkasunduan ba sila ng isang kasunduan ay itinatapon ito ng isang pangkat kabilang sa kanila? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَمَّا جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٞ لِّمَا مَعَهُمۡ نَبَذَ فَرِيقٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَرَآءَ ظُهُورِهِمۡ كَأَنَّهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Noong may dumating sa kanila na isang Sugo[16] mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila, ay itinatapon ng isang pangkat [ng mga Hudyo na] kabilang sa mga binigyan ng Kasulatan[17] ang Aklat ni Allāh sa likuran ng mga likod nila na para bang sila ay hindi nakaaalam.
[16] Ang Sugo na may malaking titik na S ay tumutukoy kay Propeta Muḥammad at gayon din ang Propeta na may malaking P.
[17] Ang “mga binigyan ng Kasulatan” ay ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano, na tinatawg ding “mga May Kasulatan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close