Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah   Ayah:
حَٰفِظُواْ عَلَى ٱلصَّلَوَٰتِ وَٱلصَّلَوٰةِ ٱلۡوُسۡطَىٰ وَقُومُواْ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ
Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَإِنۡ خِفۡتُمۡ فَرِجَالًا أَوۡ رُكۡبَانٗاۖ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُم مَّا لَمۡ تَكُونُواْ تَعۡلَمُونَ
Saka kung nangamba kayo [sa pagsalakay ng kaaway] ay [magdasal na] mga naglalakad o mga nakasakay. Kapag natiwasay kayo ay umalaala kayo kay Allāh gaya ng itinuro Niya sa inyo ng hindi ninyo noon nalalaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا وَصِيَّةٗ لِّأَزۡوَٰجِهِم مَّتَٰعًا إِلَى ٱلۡحَوۡلِ غَيۡرَ إِخۡرَاجٖۚ فَإِنۡ خَرَجۡنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِي مَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ مِن مَّعۡرُوفٖۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay ay [mag-iiwan ng] isang tagubilin para sa mga maybahay nila na isang sustento hanggang sa buong taon nang walang pagpapalisan [sa kanila mula sa namatay na asawa], ngunit kung lumisan sila ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na nakabubuti. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.[65]
[65] Ang karamihan sa mga tagapagpaliwanag ng Qur’an ay nagsasabing ang utos na ito ay pinawalang-bisa ng mga talata 2:234 at 4:34.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلِلۡمُطَلَّقَٰتِ مَتَٰعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagapangilag magkasala.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَهُمۡ أُلُوفٌ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِ فَقَالَ لَهُمُ ٱللَّهُ مُوتُواْ ثُمَّ أَحۡيَٰهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Hindi ka ba nakaalam sa mga lumisan mula sa mga tahanan nila habang sila ay libu-libo dala ng pangingilag sa kamatayan kaya nagsabi sa kanila si Allāh: “Mamatay kayo,” pagkatapos nagbigay-buhay Siya sa kanila? Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay Madinigin, Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥٓ أَضۡعَافٗا كَثِيرَةٗۚ وَٱللَّهُ يَقۡبِضُ وَيَبۡصُۜطُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang pautang na maganda[66] para pag-ibayuhin Niya nang maraming ibayo. Si Allāh ay nagpapagipit at nagpapaluwag, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan].
[66] Ibig sabihin: kusang-loob na paggugol sa kawanggawa o pagpapautang sa isang nangangailangang tao, nang walang patubo.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close