Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Furqān   Ayah:
وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا
Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at isang higit na maganda sa pagpapaliwanag.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Ang mga kakalapin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang katuwang.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا
Kaya nagsabi Kami: “Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin.” Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا
[Nagpahamak Kami] sa [liping] `Ād, Thamūd, mga kasamahan ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا
Sa bawat isa ay naglahad Kami ng mga paghahalintulad at sa bawat isa ay dumurog Kami nang isang [matinding] pagdurog.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا
Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng isang pagkabuhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا
Kapag nakakita sila sa iyo ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: “Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
Tunay na halos talaga sanang nagligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito.” Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا
Nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang pinananaligan?
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Furqān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close