Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Furqān   Ayah:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Sabihin mo: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا
Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا
[Siya] ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono.[6] [Siya] ang Napakamaawain, kaya magtanong ka sa Kanya bilang Mapagbatid.
[6] sa paraang naaangkop sa kadakilaan Niya
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩
Kapag sinabi sa kanila: “Magpatirapa kayo sa Napakamaawain,” nagsasabi sila: “Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?” Nakadagdag ito sa kanila ng isang pagkaayaw [sa pananampalataya].
Arabic explanations of the Qur’an:
تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا
Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagapagbigay-liwanag.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا
Siya ay ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na magsaalaala o nagnais ng pasasalamat.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا
Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.[7]
[7] Ibig sabihin: nagsasabi sila ng nakabubuti at hindi nag-aassal-hanggal
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا
[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا
[Sila] ang mga nagsasabi: “Panginoon namin, maglihis Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا
Tunay na iyon ay kay sagwa bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا
[Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nagpapakalabis at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Furqān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close