Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Ash-Shu‘arā’   Ayah:
قَالَ وَمَا عِلۡمِي بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Nagsabi siya: “At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّيۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ
Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”[8]
[8] ng pagdurusang dulot ni Allāh
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِينَ
Nagsabi sila: “Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِي كَذَّبُونِ
Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱفۡتَحۡ بَيۡنِي وَبَيۡنَهُمۡ فَتۡحٗا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِينَ
Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَّبَتۡ عَادٌ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād sa mga isinugo
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةٗ تَعۡبَثُونَ
Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ
at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِينَ
Kapag dumadaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga palasupil.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِيٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ
Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَدَّكُم بِأَنۡعَٰمٖ وَبَنِينَ
Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
at ng mga hardin at mga bukal.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَٰعِظِينَ
Nagsabi sila: “Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Ash-Shu‘arā’
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close