Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Ash-Shu‘arā’   Ayah:
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Kami ay hindi mga pagdurusahin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang [liping]Thamūd sa mga isinugo [ni Allāh]
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَتُتۡرَكُونَ فِي مَا هَٰهُنَآ ءَامِنِينَ
Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay
Arabic explanations of the Qur’an:
فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
sa mga hardin at mga bukal,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَزُرُوعٖ وَنَخۡلٖ طَلۡعُهَا هَضِيمٞ
at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا فَٰرِهِينَ
Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تُطِيعُوٓاْ أَمۡرَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ
Nagsabi sila: “Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ هَٰذِهِۦ نَاقَةٞ لَّهَا شِرۡبٞ وَلَكُمۡ شِرۡبُ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Nagsabi [si Ṣāliḥ]: “Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo pag-inom sa isang araw na nalalaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَٰدِمِينَ
Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Ash-Shu‘arā’
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close