Translation of the meaning of the noble Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - Translations


Translation of the meaning of Sura: Saba
Aya:
 

Saba

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong, ang Nakababatid.
Arabic short Tafasir:
يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۚ وَهُوَ ٱلرَّحِيمُ ٱلۡغَفُورُ
Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. Siya ay ang Maawain, ang Mapagpatawad.
Arabic short Tafasir:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَأۡتِينَا ٱلسَّاعَةُۖ قُلۡ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأۡتِيَنَّكُمۡ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِۖ لَا يَعۡزُبُ عَنۡهُ مِثۡقَالُ ذَرَّةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَآ أَصۡغَرُ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡبَرُ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali." Sabihin mo: "Oo, sumpa man sa Panginoon ko – talagang pupunta nga ito sa inyo – na Nakaaalam sa Lingid." Hindi nawawaglit buhat sa Kanya ang kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, ni ang higit na maliit kaysa roon, ni ang higit na malaki malibang nasa isang talaang malinaw,
Arabic short Tafasir:
لِّيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
upang gumanti Siya sa mga gumawa ng mga maayos. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay kapatawaran at panustos na marangal.
Arabic short Tafasir:
وَٱلَّذِينَ سَعَوۡ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٞ
Ang mga nagpunyagi laban sa mga tanda Namin bilang mga nagtatangkang bumigo, ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusa mula sa isang pasakit na masakit.
Arabic short Tafasir:
وَيَرَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ هُوَ ٱلۡحَقَّ وَيَهۡدِيٓ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Nakakikita ang mga binigyan ng kaalaman na ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan at nagpapatnubay ito tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri.
Arabic short Tafasir:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هَلۡ نَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ يُنَبِّئُكُمۡ إِذَا مُزِّقۡتُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍ إِنَّكُمۡ لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدٍ
Nagsabi naman ang mga tumangging sumampalataya: "Magtuturo ba kami sa inyo sa isang lalaking magbabalita sa inyo kapag ginutay-gutay kayo nang buong pagkagutay-gutay? Tunay na kayo ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago."
Arabic short Tafasir:

أَفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَم بِهِۦ جِنَّةُۢۗ بَلِ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ فِي ٱلۡعَذَابِ وَٱلضَّلَٰلِ ٱلۡبَعِيدِ
Gumawa-gawa ba siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o sa kanya ay may kabaliwan? Bagkus ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay sa pagdurusa at pagkaligaw na malayo.
Arabic short Tafasir:
أَفَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِن نَّشَأۡ نَخۡسِفۡ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ نُسۡقِطۡ عَلَيۡهِمۡ كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ
Kaya hindi ba sila nakakikita sa anumang sa pagitan ng mga kamay nila at anumang sa likuran nila na langit at lupa? Kung loloobin Namin ay magpapalamon Kami sa kanila sa lupa o maglalaglag Kami sa kanila ng mga tipak mula sa langit. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa bawat lingkod na nagsisisi.
Arabic short Tafasir:
۞وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ مِنَّا فَضۡلٗاۖ يَٰجِبَالُ أَوِّبِي مَعَهُۥ وَٱلطَّيۡرَۖ وَأَلَنَّا لَهُ ٱلۡحَدِيدَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay David mula sa Amin ng isang kabutihang-loob. [Nagsabi Kami]: "O mga bundok, mag-ulit-ulit kayo ng pagluluwalhati kasama sa kanya at mga ibon. Nagpalambot Kami para sa kanya ng bakal,
Arabic short Tafasir:
أَنِ ٱعۡمَلۡ سَٰبِغَٰتٖ وَقَدِّرۡ فِي ٱلسَّرۡدِۖ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
[na nagsasabi]: "Gumawa ka ng mga buong baluti at tumaya ka sa mga kawing. Gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita."
Arabic short Tafasir:
وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهۡرٞ وَرَوَاحُهَا شَهۡرٞۖ وَأَسَلۡنَا لَهُۥ عَيۡنَ ٱلۡقِطۡرِۖ وَمِنَ ٱلۡجِنِّ مَن يَعۡمَلُ بَيۡنَ يَدَيۡهِ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَمَن يَزِغۡ مِنۡهُمۡ عَنۡ أَمۡرِنَا نُذِقۡهُ مِنۡ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ
[Pinaglingkod] para kay Solomon ang hangin. Ang paglalakbay nito sa umaga ay [singlayo ng] isang buwan at ang paglalakbay nito sa tanghali ay [singlayo ng] isang buwan. Tumunaw Kami para sa kanya ng bukal ng tanso. Mayroong mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa pahintulot ng Panginoon niya. Ang sinumang lumihis kabilang sa kanila palayo sa utos Namin ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Liyab.
Arabic short Tafasir:
يَعۡمَلُونَ لَهُۥ مَا يَشَآءُ مِن مَّحَٰرِيبَ وَتَمَٰثِيلَ وَجِفَانٖ كَٱلۡجَوَابِ وَقُدُورٖ رَّاسِيَٰتٍۚ ٱعۡمَلُوٓاْ ءَالَ دَاوُۥدَ شُكۡرٗاۚ وَقَلِيلٞ مِّنۡ عِبَادِيَ ٱلشَّكُورُ
Gumagawa sila para sa kanya ng anumang niloob niya gaya ng mga sambahan, mga rebulto, mga mangkok gaya ng mga lawa, at mga kalderong nakahimpil. Gumawa kayo, mag-anak ni David, bilang pasasalamat. Kaunti mula sa mga lingkod Ko ang mapagpasalamat.
Arabic short Tafasir:
فَلَمَّا قَضَيۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَوۡتَ مَا دَلَّهُمۡ عَلَىٰ مَوۡتِهِۦٓ إِلَّا دَآبَّةُ ٱلۡأَرۡضِ تَأۡكُلُ مِنسَأَتَهُۥۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ ٱلۡجِنُّ أَن لَّوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ ٱلۡغَيۡبَ مَا لَبِثُواْ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ
Kaya noong nagtadhana Kami sa kanya ng kamatayan ay walang nagturo sa kanila sa pagkamatay niya maliban sa isang hayop ng lupa na kumakain sa panungkod niya. Kaya noong humandusay siya ay napaglinawan ng mga jinn na kung sakaling sila noon ay nakaaalam sa Lingid, hindi sana sila nanatili sa pagdurusang nanghahamak.
Arabic short Tafasir:

لَقَدۡ كَانَ لِسَبَإٖ فِي مَسۡكَنِهِمۡ ءَايَةٞۖ جَنَّتَانِ عَن يَمِينٖ وَشِمَالٖۖ كُلُواْ مِن رِّزۡقِ رَبِّكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥۚ بَلۡدَةٞ طَيِّبَةٞ وَرَبٌّ غَفُورٞ
Talaga ngang nagkaroon ang [lipi ng] Sheba sa tirahan nila ng isang tanda: dalawang hardin sa gawing kanan at kaliwa. [Sinabi]: "Kumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya. [Mayroon kayong] isang bayang kaaya-aya at isang Panginoong mapagpatawad.
Arabic short Tafasir:
فَأَعۡرَضُواْ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ سَيۡلَ ٱلۡعَرِمِ وَبَدَّلۡنَٰهُم بِجَنَّتَيۡهِمۡ جَنَّتَيۡنِ ذَوَاتَيۡ أُكُلٍ خَمۡطٖ وَأَثۡلٖ وَشَيۡءٖ مِّن سِدۡرٖ قَلِيلٖ
Ngunit umayaw sila kaya nagpadala Kami laban sa kanila ng baha ng saplad at nagpalit Kami sa dalawang hardin nila ng dalawang hardin na mga may bungang mapait, mga tamarisko, at mangilan-ngilang mansanitas na kakaunti.
Arabic short Tafasir:
ذَٰلِكَ جَزَيۡنَٰهُم بِمَا كَفَرُواْۖ وَهَلۡ نُجَٰزِيٓ إِلَّا ٱلۡكَفُورَ
Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil tumanggi silang sumampalataya. Hindi Kami gumaganti maliban sa mga palatangging magpasalamat.
Arabic short Tafasir:
وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ ٱلۡقُرَى ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا قُرٗى ظَٰهِرَةٗ وَقَدَّرۡنَا فِيهَا ٱلسَّيۡرَۖ سِيرُواْ فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا ءَامِنِينَ
Naglagay Kami sa pagitan nila at ng mga pamayanan na nagpala Kami sa mga iyon sa mga pamayanang nakalantad. Nagtakda Kami roon ng [layo ng] paghayo, [na sinasabi]: "Humayo kayo roon sa mga gabi at mga araw nang mga matiwasay."
Arabic short Tafasir:
فَقَالُواْ رَبَّنَا بَٰعِدۡ بَيۡنَ أَسۡفَارِنَا وَظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَ وَمَزَّقۡنَٰهُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Ngunit nagsabi sila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin." Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila kaya gumawa Kami sa kanila bilang mga pinag-uusapan at gumutay-gutay Kami sa kanila nang buong paggutay-gutay. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.
Arabic short Tafasir:
وَلَقَدۡ صَدَّقَ عَلَيۡهِمۡ إِبۡلِيسُ ظَنَّهُۥ فَٱتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagpatotoo sa kanila si Satanas sa palagay niya, kaya sumunod sila sa kanya maliban sa isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya.
Arabic short Tafasir:
وَمَا كَانَ لَهُۥ عَلَيۡهِم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يُؤۡمِنُ بِٱلۡأٓخِرَةِ مِمَّنۡ هُوَ مِنۡهَا فِي شَكّٖۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ
Hindi nagkaroon sa kanya laban sa kanila ng anumang kapamahalaan malibang upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay mula sa sinumang hinggil doon ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
Arabic short Tafasir:
قُلِ ٱدۡعُواْ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا لَهُمۡ فِيهِمَا مِن شِرۡكٖ وَمَا لَهُۥ مِنۡهُم مِّن ظَهِيرٖ
Sabihin mo: "Dumalangin kayo sa mga inangkin ninyo bukod pa kay Allāh. Hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa. Walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang tagapagtaguyod.
Arabic short Tafasir:

وَلَا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ عِندَهُۥٓ إِلَّا لِمَنۡ أَذِنَ لَهُۥۚ حَتَّىٰٓ إِذَا فُزِّعَ عَن قُلُوبِهِمۡ قَالُواْ مَاذَا قَالَ رَبُّكُمۡۖ قَالُواْ ٱلۡحَقَّۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ
Hindi nagpapakinabang ang pamamagitan sa harap Niya maliban sa para sa sinumang nagpahintulot Siya para rito. Hanggang sa nang naalisan ng hilakbot sa mga puso nila ay nagsabi sila: "Ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Ang katotohanan." Siya ay ang Mataas, ang Malaki.
Arabic short Tafasir:
۞قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُلِ ٱللَّهُۖ وَإِنَّآ أَوۡ إِيَّاكُمۡ لَعَلَىٰ هُدًى أَوۡ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Sabihin mo: "Sino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit at lupa?" Sabihin mo: "Si Allāh. Tunay na kami at kayo ay talagang nasa isang patnubay o nasa isang pagkaligaw na malinaw."
Arabic short Tafasir:
قُل لَّا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّآ أَجۡرَمۡنَا وَلَا نُسۡـَٔلُ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: "Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang isinalansang namin at hindi kami tatanungin tungkol sa anumang ginagawa ninyo."
Arabic short Tafasir:
قُلۡ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَا رَبُّنَا ثُمَّ يَفۡتَحُ بَيۡنَنَا بِٱلۡحَقِّ وَهُوَ ٱلۡفَتَّاحُ ٱلۡعَلِيمُ
Sabihin mo: "Magtitipon sa atin ang Panginoon natin, pagkatapos ay maghahatol Siya sa pagitan natin ayon sa katotohanan. Siya ay ang Mapaghatol, ang Maalam."
Arabic short Tafasir:
قُلۡ أَرُونِيَ ٱلَّذِينَ أَلۡحَقۡتُم بِهِۦ شُرَكَآءَۖ كَلَّاۚ بَلۡ هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Sabihin mo: "Magpakita kayo sa akin ng ikinapit ninyo sa Kanya bilang mga katambal. Aba’y hindi! Bagkus Siya ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong."
Arabic short Tafasir:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا كَآفَّةٗ لِّلنَّاسِ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Hindi Kami nagsugo sa iyo malibang lahatan para sa mga tao bilang isang tagapagbalita ng nakagagalak at isang tagapagbabala subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam
Arabic short Tafasir:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nasasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung nangyaring kayo ay mga tapat."
Arabic short Tafasir:
قُل لَّكُم مِّيعَادُ يَوۡمٖ لَّا تَسۡتَـٔۡخِرُونَ عَنۡهُ سَاعَةٗ وَلَا تَسۡتَقۡدِمُونَ
Sabihin mo: "Ukol sa inyo ang tipanan ng isang Araw na hindi kayo makapagpapahuli roon ng isang sandali at hindi kayo makapagpapauna."
Arabic short Tafasir:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن نُّؤۡمِنَ بِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَلَا بِٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِۗ وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّـٰلِمُونَ مَوۡقُوفُونَ عِندَ رَبِّهِمۡ يَرۡجِعُ بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٍ ٱلۡقَوۡلَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لَوۡلَآ أَنتُمۡ لَكُنَّا مُؤۡمِنِينَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Hindi kami sasampalataya sa Qur’an na ito ni sa nauna rito." Kung sakaling makikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay mga pinatitigil sa harap ng Panginoon nila habang nagpapalitan ang isa't isa sa kanila ng salita. Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: "Kung hindi dahil sa inyo ay talaga sanang kami ay naging mga mananampalataya."
Arabic short Tafasir:

قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُوٓاْ أَنَحۡنُ صَدَدۡنَٰكُمۡ عَنِ ٱلۡهُدَىٰ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَكُمۖ بَلۡ كُنتُم مُّجۡرِمِينَ
Magsasabi ang mga nagmalaki sa mga siniil: "Kami ba ay bumalakid sa inyo sa patnubay matapos noong dumating ito sa inyo. Bagkus kayo noon ay mga tagasalansang."
Arabic short Tafasir:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ بَلۡ مَكۡرُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ إِذۡ تَأۡمُرُونَنَآ أَن نَّكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَنَجۡعَلَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَغۡلَٰلَ فِيٓ أَعۡنَاقِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ هَلۡ يُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: "Bagkus, pakana ng gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay Allāh at na gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw." Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng mga tumangging sumampalataya. Hindi sila gagantihan kundi [dahil sa] dati nilang ginagawa.
Arabic short Tafasir:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang tagapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa rito: "Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya."
Arabic short Tafasir:
وَقَالُواْ نَحۡنُ أَكۡثَرُ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Nagsabi sila: "Kami ay higit na marami sa mga yaman at mga anak at kami ay hindi mga pagdurusahin."
Arabic short Tafasir:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya at naghihigpit subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."
Arabic short Tafasir:
وَمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُم بِٱلَّتِي تُقَرِّبُكُمۡ عِندَنَا زُلۡفَىٰٓ إِلَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ جَزَآءُ ٱلضِّعۡفِ بِمَا عَمِلُواْ وَهُمۡ فِي ٱلۡغُرُفَٰتِ ءَامِنُونَ
Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo ang nagpapalapit sa inyo sa piling Namin nang pagkalapit-lapit ngunit ang sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon, ukol sa kanila ay ang ganti ng pag-iibayo dahil sa ginawa nila, at sila ay [magiging] nasa mga silid bilang mga natitiwasay.
Arabic short Tafasir:
وَٱلَّذِينَ يَسۡعَوۡنَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَـٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ
Ang mga nagpunyagi laban sa mga tanda Namin bilang mga nagtatangkang bumigo, ang mga iyon ay sa pagdurusa mga padadaluhin.
Arabic short Tafasir:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥۚ وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَهُوَ يُخۡلِفُهُۥۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّـٰزِقِينَ
Sabihin mo: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya at naghihigpit dito. Ang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito. Siya ay ang pinakamainam sa mga nagtutustos."
Arabic short Tafasir:

وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ يَقُولُ لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ أَهَـٰٓؤُلَآءِ إِيَّاكُمۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ
[Banggitin] ang Araw na magtitipon Siya sa kanila sa kalahatan, pagkatapos ay magsasabi Siya sa mga anghel: "Ang mga ito ba ay sa inyo dati silang sumasamba?"
Arabic short Tafasir:
قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ أَنتَ وَلِيُّنَا مِن دُونِهِمۖ بَلۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٱلۡجِنَّۖ أَكۡثَرُهُم بِهِم مُّؤۡمِنُونَ
Magsasabi sila: "Kaluwalhatian sa iyo! Ikaw ay ang tagapagtangkilik namin sa halip na sila. Bagkus dati silang sumasamba sa mga jinn; ang higit na marami sa kanila sa mga ito ay mga mananampalataya."
Arabic short Tafasir:
فَٱلۡيَوۡمَ لَا يَمۡلِكُ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٖ نَّفۡعٗا وَلَا ضَرّٗا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ
Kaya sa araw na ito, hindi makapagdudulot ang iba sa kanila para sa iba pa ng pakinabang ni pinsala, at magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon dito ay nagpapasinungaling."
Arabic short Tafasir:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا رَجُلٞ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمۡ عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُكُمۡ وَقَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٞ مُّفۡتَرٗىۚ وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na katunayan ay nagsasabi sila: "Walang iba ito kundi isang lalaking nagnanais na sumagabal sa inyo sa sinasamba noon ng mga ninuno ninyo." Nagsabi pa sila: "Walang iba ito kundi isang kasinungalingang ginawa-gawa." Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw."
Arabic short Tafasir:
وَمَآ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّن كُتُبٖ يَدۡرُسُونَهَاۖ وَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ قَبۡلَكَ مِن نَّذِيرٖ
Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na pinag-aaralan nila. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago mo ng anumang tagapagbabala.
Arabic short Tafasir:
وَكَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَمَا بَلَغُواْ مِعۡشَارَ مَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ فَكَذَّبُواْ رُسُلِيۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Nagpasinungaling ang mga mula sa nauna sa kanila, at hindi sila umabot sa ikapu ng ibinigay Namin sa kanila. Ngunit nagpasinungaling sila sa mga sugo Ko kaya magiging papaano na ang pagtutol Ko?
Arabic short Tafasir:
۞قُلۡ إِنَّمَآ أَعِظُكُم بِوَٰحِدَةٍۖ أَن تَقُومُواْ لِلَّهِ مَثۡنَىٰ وَفُرَٰدَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُواْۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ لَّكُم بَيۡنَ يَدَيۡ عَذَابٖ شَدِيدٖ
Sabihin mo: "Nangangaral lamang ako sa inyo ng iisa: na tumayo kayo para kay Allāh nang dalawahan at mga nakabukod, pagkatapos ay mag-isip-isip kayo." Walang taglay ang kasamahan ninyo na anumang kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi.
Arabic short Tafasir:
قُلۡ مَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٖ فَهُوَ لَكُمۡۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٞ
Sabihin mo: "Hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya sapagkat ito ay para sa inyo. Walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Siya sa bawat bagay ay Saksi."
Arabic short Tafasir:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَّـٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
Sabihin mo: "Tunay na ang Panginoon ko ay humahagis ng katotohanan, ang Palaalam sa mga lingid."
Arabic short Tafasir:

قُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَمَا يُبۡدِئُ ٱلۡبَٰطِلُ وَمَا يُعِيدُ
Sabihin mo: "Dumating ang katotohanan, at hindi nagpapasimula ang kabulaanan at hindi nag-uulit."
Arabic short Tafasir:
قُلۡ إِن ضَلَلۡتُ فَإِنَّمَآ أَضِلُّ عَلَىٰ نَفۡسِيۖ وَإِنِ ٱهۡتَدَيۡتُ فَبِمَا يُوحِيٓ إِلَيَّ رَبِّيٓۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٞ قَرِيبٞ
Sabihin mo: "Kung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit."
Arabic short Tafasir:
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ فَزِعُواْ فَلَا فَوۡتَ وَأُخِذُواْ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ
Kung sakaling nakikita mo noong nanghilakbot sila ngunit walang lusot at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit.
Arabic short Tafasir:
وَقَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦ وَأَنَّىٰ لَهُمُ ٱلتَّنَاوُشُ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Magsasabi sila: "Sumampalataya kami rito," at paanong ukol sa kanila ang pag-abot sa pananampalataya mula sa isang pook na malayo?
Arabic short Tafasir:
وَقَدۡ كَفَرُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۖ وَيَقۡذِفُونَ بِٱلۡغَيۡبِ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Tumanggi na silang sumampalataya rito noong una pa at humahagis sila sa lingid mula sa isang pook na malayo.
Arabic short Tafasir:
وَحِيلَ بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ مَا يَشۡتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشۡيَاعِهِم مِّن قَبۡلُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ فِي شَكّٖ مُّرِيبِۭ
Haharang sa pagitan nila at sa pagitan ng ninanasa nila gaya ng ginawa sa mga kakampi nila noong una pa. Tunay na sila noon ay nasa isang pagdududang nag-aalinlangan.
Arabic short Tafasir:

 
Translation of the meaning of Sura: Saba
Sura list Page number
 
Translation of the meaning of the noble Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - Translations

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

Close