Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Mā’idah   Ayah:
وَمِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّا نَصَٰرَىٰٓ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَهُمۡ فَنَسُواْ حَظّٗا مِّمَّا ذُكِّرُواْ بِهِۦ فَأَغۡرَيۡنَا بَيۡنَهُمُ ٱلۡعَدَاوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَسَوۡفَ يُنَبِّئُهُمُ ٱللَّهُ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Mula sa mga nagsabi: “Tunay na kami ay mga Kristiyano,” tumanggap Kami ng tipan sa kanila, ngunit lumimot sila sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila kaya nag-udyok Kami sa pagitan nila ng pagkamuhi at pagkapoot hanggang sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita sa kanila si Allāh hi‌nggil sa anumang dating pinaggagawa nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ كَثِيرٗا مِّمَّا كُنتُمۡ تُخۡفُونَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖۚ قَدۡ جَآءَكُم مِّنَ ٱللَّهِ نُورٞ وَكِتَٰبٞ مُّبِينٞ
O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa Kasulatan at nagsasaisang-tabi sa marami. May dumating nga sa inyo mula kay Allāh na isang liwanag at isang Aklat na naglilinaw,[9]
[9] Ibig sabihin: ang Qur’an.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَهۡدِي بِهِ ٱللَّهُ مَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَهُۥ سُبُلَ ٱلسَّلَٰمِ وَيُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِهِۦ وَيَهۡدِيهِمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
na nagpapatnubay sa pamamagitan nito si Allāh sa sinumang sumunod sa kaluguran Niya, na mga landas ng kapayapaan, nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman[10] tungo sa liwanag[11] ayon sa pahintulot Niya, at nagpapatnubay Siya sa kanila tungo sa landasing tuwid.
[10] ng kawalang-pananampalataya at pagsuway
[11] ng pananampalataya at pagtalima
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ أَن يُهۡلِكَ ٱلۡمَسِيحَ ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗاۗ وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria.” Sabihin mo: “Kaya sino ang nakapangyayari laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya na magpahamak sa Kristo na anak ni Maria, sa ina niya, at sa sinumang nasa lupa nang lahatan?” Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Mā’idah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close