Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Mā’idah   Ayah:
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ وَٱلنَّصَٰرَىٰ نَحۡنُ أَبۡنَٰٓؤُاْ ٱللَّهِ وَأَحِبَّٰٓؤُهُۥۚ قُلۡ فَلِمَ يُعَذِّبُكُم بِذُنُوبِكُمۖ بَلۡ أَنتُم بَشَرٞ مِّمَّنۡ خَلَقَۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
Nagsabi ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano: “Kami ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya.” Sabihin mo: “Ngunit bakit pagdurusahin Niya kayo sa mga pagkakasala ninyo? Bagkus kayo ay mga tao kabilang sa nilikha Niya. Magpapatawad Siya sa sinumang loloobin Niya at magpaparusa Siya sa sinumang loloobin Niya. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, at tungo sa Kanya ang kahahantungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ عَلَىٰ فَتۡرَةٖ مِّنَ ٱلرُّسُلِ أَن تَقُولُواْ مَا جَآءَنَا مِنۢ بَشِيرٖ وَلَا نَذِيرٖۖ فَقَدۡ جَآءَكُم بَشِيرٞ وَنَذِيرٞۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo sa isang yugto ng kawalan ng mga sugo upang [hindi] kayo magsabi: “Walang dumating sa amin na anumang mapagbalita ng nakagagalak ni mapagbabala,” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang mapagbalita ng nakagagalak at isang mapagbabala. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ جَعَلَ فِيكُمۡ أَنۢبِيَآءَ وَجَعَلَكُم مُّلُوكٗا وَءَاتَىٰكُم مَّا لَمۡ يُؤۡتِ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong gumawa Siya sa inyo ng mga propeta, gumawa sa inyo na mga hari, at nagbigay sa inyo ng hindi Niya ibinigay sa isa man mula sa mga nilalang.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰقَوۡمِ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡأَرۡضَ ٱلۡمُقَدَّسَةَ ٱلَّتِي كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡ وَلَا تَرۡتَدُّواْ عَلَىٰٓ أَدۡبَارِكُمۡ فَتَنقَلِبُواْ خَٰسِرِينَ
O mga kalipi ko, magsipasok kayo sa lupaing pinabanal na itinakda ni Allāh para sa inyo at huwag kayong umurong sa mga likod ninyo [sa pakikipaglaban] para umuwi kayo na mga lugi.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ فِيهَا قَوۡمٗا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَن نَّدۡخُلَهَا حَتَّىٰ يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا فَإِن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا فَإِنَّا دَٰخِلُونَ
Nagsabi sila: “O Moises, tunay na sa loob niyon ay may mga taong palasupil at tunay na kami ay hindi papasok doon hanggang sa lumalabas sila mula roon. Kaya kung lalabas sila mula roon, tunay na kami ay mga papasok.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ رَجُلَانِ مِنَ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمَا ٱدۡخُلُواْ عَلَيۡهِمُ ٱلۡبَابَ فَإِذَا دَخَلۡتُمُوهُ فَإِنَّكُمۡ غَٰلِبُونَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
May nagsabing dalawang lalaki[12] kabilang sa mga nangangamba, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa: “Magsipasok kayo sa kanila sa pinto sapagkat kapag pumasok kayo roon ay tunay na kayo ay mga mananaig. Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya.”
[12] Ibig sabihin: sina Josue at Caleb.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Mā’idah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close