Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Adh-Dhāriyāt   Ayah:
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ
Sumpa man sa langit na may mga daanan,
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur’ān na ito].
Arabic explanations of the Qur’an:
يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ
Nalilinlang palayo rito [sa Qur’ān] ang sinumang nalinlang.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُتِلَ ٱلۡخَرَّٰصُونَ
Napahamak ang mga palasapantaha,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ
na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Nagtatanong sila: “Kailan ang Araw ng Pagtutumbas?”
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ
[Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.
Arabic explanations of the Qur’an:
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,
Arabic explanations of the Qur’an:
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ
Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.[2]
[2] dahil palagi sa mga kusang-loob na pagdarasal sa gabi
Arabic explanations of the Qur’an:
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay Allāh].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.[3] [na hindi nanghihingi].
[3] na hindi nanghihingi dahil sa pagkahiya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ
Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ
Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon].
Arabic explanations of the Qur’an:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: “Kapayapaan, mga taong di-kilala.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: “Hindi ba kayo kakain?”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi sila: “Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Adh-Dhāriyāt
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close