Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Qamar   Ayah:

Al-Qamar

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ
Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak[1] ang buwan [sa dalawa].
[1] o nabaak.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ
Kung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ
Nagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ
Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita [ng mga kalipunan] ang may pantaboy [sa kawalang-pananampalataya].
Arabic explanations of the Qur’an:
حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ
[Ang Qur’ān ay] isang masidhing karunungan, ngunit hindi nagpapakinabang [sa kanila] ang mga babala.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ
Kaya tumalikod ka sa kanila [hanggang] sa araw na mananawagan ang [anghel na] tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Qamar
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close