Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-An‘ām   Ayah:
فَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل رَّبُّكُمۡ ذُو رَحۡمَةٖ وَٰسِعَةٖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُهُۥ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: “Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak ngunit hindi naitutulak ang parusa Niya palayo sa mga taong salarin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
سَيَقُولُ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَآ أَشۡرَكۡنَا وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ حَتَّىٰ ذَاقُواْ بَأۡسَنَاۗ قُلۡ هَلۡ عِندَكُم مِّنۡ عِلۡمٖ فَتُخۡرِجُوهُ لَنَآۖ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَخۡرُصُونَ
Magsasabi ang mga nagtambal: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin at hindi sana kami nagbawal ng anuman.” Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin. Sabihin mo: “Mayroon kaya sa ganang inyo na anumang kaalaman para magpalabas kayo niyon sa Amin? Sumusunod kayo sa pagpapalagay lamang. Walang iba kayo kundi nagsasapantaha.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ فَلِلَّهِ ٱلۡحُجَّةُ ٱلۡبَٰلِغَةُۖ فَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Sabihin mo: “Ngunit kay Allāh ang katwirang masidhi kaya kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ هَلُمَّ شُهَدَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ يَشۡهَدُونَ أَنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَاۖ فَإِن شَهِدُواْ فَلَا تَشۡهَدۡ مَعَهُمۡۚ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَهُم بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ
Sabihin mo: “Maglahad kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal nito, saka kung sumaksi sila ay huwag kang sumaksi kasama sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay habang sila sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba].”
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ قُلۡ تَعَالَوۡاْ أَتۡلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمۡ عَلَيۡكُمۡۖ أَلَّا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗاۖ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُم مِّنۡ إِمۡلَٰقٖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكُمۡ وَإِيَّاهُمۡۖ وَلَا تَقۡرَبُواْ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَۖ وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Sabihin mo: “Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa [legal na] karapatan.” Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-An‘ām
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close