Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-An‘ām   Ayah:
وَهُوَ ٱلَّذِي يَتَوَفَّىٰكُم بِٱلَّيۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا جَرَحۡتُم بِٱلنَّهَارِ ثُمَّ يَبۡعَثُكُمۡ فِيهِ لِيُقۡضَىٰٓ أَجَلٞ مُّسَمّٗىۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ مَرۡجِعُكُمۡ ثُمَّ يُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Siya ay ang nagpapapanaw sa inyo sa gabi [sa pagtulog] at nakaaalam sa nagawa ninyo sa maghapon. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo roon upang makatapos ng isang taning na tinukoy. Pagkatapos tungo sa Kanya ang babalikan ninyo. Pagkatapos magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۖ وَيُرۡسِلُ عَلَيۡكُمۡ حَفَظَةً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ تَوَفَّتۡهُ رُسُلُنَا وَهُمۡ لَا يُفَرِّطُونَ
Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga [anghel na] tagapag-ingat; hanggang sa nang dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay nagpapanaw rito ang mga [anghel ng kamatayan na] sugo Namin habang sila ay hindi nagpapabaya.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ رُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۚ أَلَا لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَهُوَ أَسۡرَعُ ٱلۡحَٰسِبِينَ
Pagkatapos isasauli sila[2] kay Allāh, ang Pinagpapatangkilikan nilang totoo. Pansinin, ukol sa Kanya ang paghahatol, at Siya ay ang pinakamabilis sa mga tagatuos.
[2] Ibig sabihin: ang mga tao.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ مَن يُنَجِّيكُم مِّن ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ تَدۡعُونَهُۥ تَضَرُّعٗا وَخُفۡيَةٗ لَّئِنۡ أَنجَىٰنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Sabihin mo: “Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo [nang hayagan] sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim [na nagsasabi]: “Talagang kung paliligtasin Niya kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلِ ٱللَّهُ يُنَجِّيكُم مِّنۡهَا وَمِن كُلِّ كَرۡبٖ ثُمَّ أَنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Sabihin mo: “Si Allāh ay magliligtas sa inyo mula roon at mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo ay nagtatambal.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ هُوَ ٱلۡقَادِرُ عَلَىٰٓ أَن يَبۡعَثَ عَلَيۡكُمۡ عَذَابٗا مِّن فَوۡقِكُمۡ أَوۡ مِن تَحۡتِ أَرۡجُلِكُمۡ أَوۡ يَلۡبِسَكُمۡ شِيَعٗا وَيُذِيقَ بَعۡضَكُم بَأۡسَ بَعۡضٍۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَفۡقَهُونَ
Sabihin mo: “Siya ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusa mula sa ibabaw ninyo o mula sa ilalim ng mga paa ninyo, o na magpalito sa inyo [para maging] mga pangkatin at magpalasap sa ilan sa inyo ng karahasan ng iba pa.” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, nang sa gayon sila ay makauunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَذَّبَ بِهِۦ قَوۡمُكَ وَهُوَ ٱلۡحَقُّۚ قُل لَّسۡتُ عَلَيۡكُم بِوَكِيلٖ
Nagpasinungaling dito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanan [mula kay Allāh]. Sabihin mo: “Hindi ako sa inyo isang pinananaligan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
لِّكُلِّ نَبَإٖ مُّسۡتَقَرّٞۚ وَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Para sa bawat balita ay isang pinagtitigilan, at malalaman ninyo [ang kahihinatnan].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ يَخُوضُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦۚ وَإِمَّا يُنسِيَنَّكَ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَلَا تَقۡعُدۡ بَعۡدَ ٱلذِّكۡرَىٰ مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kapag nakakita ka sa mga tumatalakay [sa pagpapabula] sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay umayaw ka sa kanila hanggang sa tumalakay sila sa isang pag-uusap na iba roon. Kung magpapalimot nga naman sa iyo ang demonyo ay huwag kang manatili, matapos ng pagkaalaala, kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-An‘ām
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close