Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
قَالَ ٱدۡخُلُواْ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ فِي ٱلنَّارِۖ كُلَّمَا دَخَلَتۡ أُمَّةٞ لَّعَنَتۡ أُخۡتَهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا ٱدَّارَكُواْ فِيهَا جَمِيعٗا قَالَتۡ أُخۡرَىٰهُمۡ لِأُولَىٰهُمۡ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ أَضَلُّونَا فَـَٔاتِهِمۡ عَذَابٗا ضِعۡفٗا مِّنَ ٱلنَّارِۖ قَالَ لِكُلّٖ ضِعۡفٞ وَلَٰكِن لَّا تَعۡلَمُونَ
Nagsabi Siya: “Pumasok kayo sa Apoy kasama sa mga kalipunang nakalipas bago pa ninyo kabilang sa jinn at tao. Sa tuwing may papasok na isang kalipunan ay susumpain nito ang [kalipunang] kapatid nito; hanggang sa nang nagsunuran sila roon nang lahatan ay magsasabi ang huli sa kanila sa una sa kanila: “Panginoon Namin, ang mga ito ay nagligaw sa amin kaya magbigay Ka sa kanila ng isang ibayong pagdurusa mula sa Apoy.” Magsasabi naman Siya: “Ukol sa bawat isa ay ibayo, subalit hindi kayo nakaaalam.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَتۡ أُولَىٰهُمۡ لِأُخۡرَىٰهُمۡ فَمَا كَانَ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلٖ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ
Magsasabi ang una sa kanila sa huli sa kanila: “Sapagkat hindi kayo nagkaroon higit sa amin ng anumang kalamangan, kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa dati ninyong nakakamit [na kawalang-pananampalataya].”
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمۡ أَبۡوَٰبُ ٱلسَّمَآءِ وَلَا يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ ٱلۡجَمَلُ فِي سَمِّ ٱلۡخِيَاطِۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] at nagmalaki sa mga ito ay hindi bubuksan para sa kanila ang mga pinto ng langit at hindi sila papasok sa Paraiso hanggang sa lumagos ang kamelyo sa mata ng karayom. Gayon Kami gaganti sa mga salarin.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَهُم مِّن جَهَنَّمَ مِهَادٞ وَمِن فَوۡقِهِمۡ غَوَاشٖۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ
Para sa kanila mula sa Impiyerno ay himlayan at mula sa ibabaw nila ay mga pambalot. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito – ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلّٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي هَدَىٰنَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهۡتَدِيَ لَوۡلَآ أَنۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُۖ لَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّۖ وَنُودُوٓاْ أَن تِلۡكُمُ ٱلۡجَنَّةُ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog. Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpatnubay sa amin para rito. Hindi sana kami naging ukol mapatnubayan kung sakaling hindi dahil nagpatnubay sa amin si Allāh. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanan.” Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa [na kabutihan].”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close