Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
۞ وَإِذۡ نَتَقۡنَا ٱلۡجَبَلَ فَوۡقَهُمۡ كَأَنَّهُۥ ظُلَّةٞ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُۥ وَاقِعُۢ بِهِمۡ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
[Banggitin] noong nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw nila[18] na para bang ito ay isang kulandong at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila, [nagsabi si Allāh]: “Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at tandaan ninyo ang nariyan, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.”
[18] Ibig sabihin: mga anak ni Israel.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذۡ أَخَذَ رَبُّكَ مِنۢ بَنِيٓ ءَادَمَ مِن ظُهُورِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَأَشۡهَدَهُمۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَلَسۡتُ بِرَبِّكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ شَهِدۡنَآۚ أَن تَقُولُواْ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّا كُنَّا عَنۡ هَٰذَا غَٰفِلِينَ
[Banggitin] noong nagpaluwal ang Panginoon mo mula sa mga anak ni Adan mula sa mga likod nila ng mga supling nila at pinasaksi Niya sila sa mga sarili nila: “Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?” ay nagsabi sila: “Opo; sumaksi kami,” upang hindi kayo magsabi sa Araw ng Pagbangon: “Tunay na Kami dati tungkol dito ay mga nalilingat,”
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوۡ تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أَشۡرَكَ ءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةٗ مِّنۢ بَعۡدِهِمۡۖ أَفَتُهۡلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
o [upang hindi] kayo magsabi: “Nagtambal lamang [kay Allāh] ang mga ninuno namin bago pa niyan at kami dati ay mga supling matapos na nila; kaya magpapasawi Ka ba sa amin dahil sa ginawa ng mga tagapagpabula?”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda, at nang sa gayon sila ay babalik [sa kaisahan ni Allāh].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ ٱلَّذِيٓ ءَاتَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا فَٱنسَلَخَ مِنۡهَا فَأَتۡبَعَهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَكَانَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Bumigkas ka sa kanila ng balita ng binigyan Namin ng mga talata Namin ngunit kumalas siya sa mga ito kaya sumunod sa kanya ang demonyo, at siya ay naging kabilang sa mga nalilisya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَوۡ شِئۡنَا لَرَفَعۡنَٰهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُۥٓ أَخۡلَدَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُۚ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ ٱلۡكَلۡبِ إِن تَحۡمِلۡ عَلَيۡهِ يَلۡهَثۡ أَوۡ تَتۡرُكۡهُ يَلۡهَثۚ ذَّٰلِكَ مَثَلُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۚ فَٱقۡصُصِ ٱلۡقَصَصَ لَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nag-angat Kami sa kanya sa pamamagitan ng mga [tandang] ito subalit siya ay nahilig sa lupa at sumunod sa pithaya niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng paghahalintulad sa aso: kung dadaluhong ka rito ay maglalawit-lawit ng dila ito o [kung] mag-iiwan ka rito ay maglalawit-lawit ng dila ito. Iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya magsalaysay ka ng mga kasaysayan, nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
Arabic explanations of the Qur’an:
سَآءَ مَثَلًا ٱلۡقَوۡمُ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَأَنفُسَهُمۡ كَانُواْ يَظۡلِمُونَ
Kay sagwa bilang paghahalintulad ang mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin, at sa mga sarili nila sila noon ay lumalabag sa katarungan!
Arabic explanations of the Qur’an:
مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِيۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh, siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya, ang mga iyon ay ang mga lugi.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close