Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
۞ قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ لَنُخۡرِجَنَّكَ يَٰشُعَيۡبُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَكَ مِن قَرۡيَتِنَآ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَاۚ قَالَ أَوَلَوۡ كُنَّا كَٰرِهِينَ
Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, at sa mga sumampalataya kasama sa iyo mula sa pamayanan natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan namin.” Nagsabi siya: “Kahit ba kami ay naging mga nasusuklam?
Arabic explanations of the Qur’an:
قَدِ ٱفۡتَرَيۡنَا عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا إِنۡ عُدۡنَا فِي مِلَّتِكُم بَعۡدَ إِذۡ نَجَّىٰنَا ٱللَّهُ مِنۡهَاۚ وَمَا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّعُودَ فِيهَآ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّنَاۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمًاۚ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡنَاۚ رَبَّنَا ٱفۡتَحۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَ قَوۡمِنَا بِٱلۡحَقِّ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡفَٰتِحِينَ
Gumawa-gawa nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung nanumbalik kami sa kapaniwalaan ninyo matapos noong nagligtas sa amin si Allāh mula roon. Hindi nagiging ukol sa amin na manumbalik kami roon maliban na loobin ni Allāh, ang Panginoon namin. Sumakop ang Panginoon namin sa bawat bagay sa kaalaman. Kay Allāh kami nananalig. Panginoon naming, humusga Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi namin ayon sa katotohanan, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagahusga.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ لَئِنِ ٱتَّبَعۡتُمۡ شُعَيۡبًا إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ
Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang kung sumunod kayo kay Shu`ayb, tunay na kayo samakatuwid ay talagang mga lugi.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ شُعَيۡبٗا كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَاۚ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ شُعَيۡبٗا كَانُواْ هُمُ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay para bang hindi nanirahan doon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb, sila noon ay ang mga lugi.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰقَوۡمِ لَقَدۡ أَبۡلَغۡتُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَنَصَحۡتُ لَكُمۡۖ فَكَيۡفَ ءَاسَىٰ عَلَىٰ قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya?”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّبِيٍّ إِلَّآ أَخَذۡنَآ أَهۡلَهَا بِٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمۡ يَضَّرَّعُونَ
Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang propeta [sa pinasinungalingan] malibang nagpataw Kami sa mga mamamayan nito ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ بَدَّلۡنَا مَكَانَ ٱلسَّيِّئَةِ ٱلۡحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَواْ وَّقَالُواْ قَدۡ مَسَّ ءَابَآءَنَا ٱلضَّرَّآءُ وَٱلسَّرَّآءُ فَأَخَذۡنَٰهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Pagkatapos nagpalit Kami sa lugar ng masagwang lagay ng magandang lagay hanggang sa lumago sila at nagsabi: “Sumaling nga sa mga magulang namin ang kariwaraan at ang kariwasaan.” Kaya dumaklot Kami sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close