Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Anfāl   Ayah:
إِذۡ تَسۡتَغِيثُونَ رَبَّكُمۡ فَٱسۡتَجَابَ لَكُمۡ أَنِّي مُمِدُّكُم بِأَلۡفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُرۡدِفِينَ
[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo, [na nagsasabi]: “Tunay na Ako ay mag-aayuda sa inyo ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunud-sunod.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ وَلِتَطۡمَئِنَّ بِهِۦ قُلُوبُكُمۡۚ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Hindi gumawa niyon si Allāh kundi bilang balitang nakagagalak at upang mapanatag doon ang mga puso ninyo. Walang pagwawagi kundi mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ يُغَشِّيكُمُ ٱلنُّعَاسَ أَمَنَةٗ مِّنۡهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ لِّيُطَهِّرَكُم بِهِۦ وَيُذۡهِبَ عَنكُمۡ رِجۡزَ ٱلشَّيۡطَٰنِ وَلِيَرۡبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمۡ وَيُثَبِّتَ بِهِ ٱلۡأَقۡدَامَ
[Banggitin] noong bumabalot Siya sa inyo ng pagkaantok bilang katiwasayan mula sa Kanya at nagbababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay Siya sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis Siya sa inyo ng udyok ng demonyo at upang magpatibay Siya sa mga puso at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ يُوحِي رَبُّكَ إِلَى ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَنِّي مَعَكُمۡ فَثَبِّتُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ سَأُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ فَٱضۡرِبُواْ فَوۡقَ ٱلۡأَعۡنَاقِ وَٱضۡرِبُواْ مِنۡهُمۡ كُلَّ بَنَانٖ
[Banggitin] noong nagkakasi ang Panginoon mo sa mga anghel, [na nagsasabi]: “Tunay na Ako ay kasama sa inyo kaya patatagin ninyo ang mga sumampalataya. Pupukol Ako sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot, kaya humagupit kayo sa ibabaw ng mga leeg at humagupit kayo mula sa kanila sa bawat daliri.”
Arabic explanations of the Qur’an:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ وَمَن يُشَاقِقِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Iyon ay dahil sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
Arabic explanations of the Qur’an:
ذَٰلِكُمۡ فَذُوقُوهُ وَأَنَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابَ ٱلنَّارِ
‌Iyon [ay ukol sa inyo], kaya lasapin ninyo iyon; at na ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay ang pagdurusa sa Apoy.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ زَحۡفٗا فَلَا تُوَلُّوهُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ
O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa mga tumangging sumampalataya sa isang pagsulong [sa labanan] ay huwag kayong magbaling sa kanila ng mga likod.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَن يُوَلِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ دُبُرَهُۥٓ إِلَّا مُتَحَرِّفٗا لِّقِتَالٍ أَوۡ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٖ فَقَدۡ بَآءَ بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Ang sinumang magbabaling sa kanila sa araw na iyon ng likod niya – malibang gumigilid para sa pakikipaglaban o sumasama sa isang hukbo – ay bumalik nga kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Ang kanlungan niya ay ang Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Anfāl
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close