Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Anfāl   Ayah:
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَنَٰزَعُواْ فَتَفۡشَلُواْ وَتَذۡهَبَ رِيحُكُمۡۖ وَٱصۡبِرُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para maduwag kayo at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بَطَرٗا وَرِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Huwag kayong maging gaya ng mga lumabas mula sa mga tahanan nila dala ng kawalang-pakundangan at pagpapakitang-tao sa mga tao at sumasagabal sa landas ni Allāh. Si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذۡ زَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَإِنِّي جَارٞ لَّكُمۡۖ فَلَمَّا تَرَآءَتِ ٱلۡفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّنكُمۡ إِنِّيٓ أَرَىٰ مَا لَا تَرَوۡنَ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَۚ وَٱللَّهُ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
[Banggitin] noong ipinang-akit sa kanila [na mga tagapagtambal] ng demonyo ang mga gawa nila at nagsabi siya: “Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito kabilang sa mga tao at tunay na ako ay isang tagakanlong para sa inyo.” Ngunit noong nagkitaan ang dalawang pangkat[5] [sa labanan sa Badr] ay umurong siya[6] sa mga sakong niya at nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakikita ng hindi ninyo nakikita. Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa.”
[5] ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya
[6] si Satanas
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ غَرَّ هَٰٓؤُلَآءِ دِينُهُمۡۗ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga nasa puso nila ay may sakit: “Luminlang sa mga ito ang relihiyon nila.” Ang sinumang nananalig kay Allāh, tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ يَتَوَفَّى ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Kung sakaling nakakikita ka kapag nagpapapanaw sa mga tumangging sumasampalataya ang mga anghel habang humahagupit sa mga mukha nila at mga likod nila at [nagsasabi]: “Lumasap kayo ng pagdurusa ng pagkasunog.”
Arabic explanations of the Qur’an:
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay nila at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, tumanggi silang sumampalataya sa mga tanda ni Allāh kaya dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Malakas, matindi ang parusa.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Anfāl
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close