Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: AL-HIJR   Verset:

Al-Hijr

Parmi les objectifs de la sourate:
توعد المستهزئين بالقرآن، والوعد بحفظه تأييدًا للنبي وتثبيتًا له.
Ang pagbabanta sa mga nangungutya sa Qur'ān at ang pangako ng pag-iingat dito bilang pagsuporta para sa Propeta at pagpapatatag para sa kanya.

الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito ay mataas ang kalagayan, na nagpapatunay na ang mga ito ay pinababa mula sa ganang kay Allāh. Ang mga ito ay mga talata ng Qur'ān na nagpapaliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at mga batas ng Islām.
Les exégèses en arabe:
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Magmimithi ang mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon na kung sana sila ay naging mga Muslim kapag lumiwanag para sa kanila ang pasya at nalantad para sa kanila ang kabulaanan ng dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo.
Les exégèses en arabe:
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Iwan mo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito, kakain sila kung paanong kumakain ang mga hayupan, magtamasa sila ng mga napuputol na minamasarap sa Mundo, at mag-aabala sa kanila ang tagal ng pag-asa palayo sa pananampalataya at gawaing maayos saka makaaalam sila sa taglay nila na pagkalugi kapag dumating sila kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.
Les exégèses en arabe:
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Hindi nagpababa ng kapahamakan sa isang pamayanan kabilang sa mga pamayanang tagalabag sa katarungan malibang nagkaroon iyon ng isang taning na tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi iyon nauuna rito at hindi iyon naaantala.
Les exégèses en arabe:
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Hindi pupunta sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ang kapahamakan niyon bago sumapit ang taning niyon at hindi naaantala roon ang kapahamakan kapag sumapit ang taning niyon. Kaya kailangan sa mga tagalabag ng katarungan na huwag silang malinlang ng pagpapalugit ni Allāh sa kanila.
Les exégèses en arabe:
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mamamayan ng Makkah sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "O siyang ibinaba sa kanya – gaya ng inaangkin niya – ang paalaala, tunay na ikaw dahil sa pag-aangkin mong ito ay talagang isang baliw: nag-aasal ka ng pag-aasal ng mga baliw.
Les exégèses en arabe:
لَّوۡمَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Bakit kaya hindi ka naghatid sa amin ng mga anghel na sasaksi para sa iyo kung ikaw ay kabilang sa mga tapat na ikaw ay isang propetang isinugo at na ang pagdurusa ay bababa sa amin?
Les exégèses en arabe:
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Nagsabi si Allāh bilang pagtugon sa iminungkahi nila na pagdating ng mga anghel: "Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang sang-ayon sa hinihiling ng karunungan kapag sumasapit ang pagpapahamak sa inyo sa pamamagitan ng pagdurusa. Hindi sila – kapag naghatid Kami ng mga anghel at hindi sila sumampalataya – mga palulugitan; bagkus mamadaliin sila sa parusa."
Les exégèses en arabe:
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Tunay na Kami ay ang nagbaba sa Qur'ān na ito sa puso ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang pagpapaalaala sa mga tao at tunay na Kami sa Qur'ān ay talagang mag-iingat laban sa pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, at paglilihis.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga naunang lipon ng kawalang-pananampalataya ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila, kaya ikaw ay hindi isang kauna-unahan sa mga sugo sa pagpapasinungaling ng kalipunan mo sa iyo.
Les exégèses en arabe:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa mga naunang lipon ng kawalang-pananampalataya na isang sugo malibang nagpasinungaling sila sa kanya at nanuya sila sa kanya.
Les exégèses en arabe:
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Kung paanong nagpapasok Kami ng pagpapasinungaling sa mga puso ng mga kalipunang iyon, nagpapasok Kami nito gayundin sa mga puso ng mga tagapagtambal ng Makkah dahil sa pag-ayaw nila at pagmamatigas nila.
Les exégèses en arabe:
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi sila sumasampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang nagdaan na ang kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila, kaya magsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling sa iyo.
Les exégèses en arabe:
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Ang mga tagapagpasinungaling na ito ay mga nagmamatigas hanggang sa kahit pa man lumiwanag para sa kanila ang katotohanan ayon sa mga patunay na hayag. Kaya kahit pa nagbukas Kami para sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,
Les exégèses en arabe:
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
talaga sanang hindi sila naniwala at talaga sanang nagsabi sila: "Binarahan lamang ang mga paningin namin sa pagtingin, bagkus hindi kami nakakikita sa kanya mismo dahil sa epekto ng panggagaway sapagkat kami ay mga nagaway."
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• القرآن الكريم جامع بين صفة الكمال في كل شيء، والوضوح والبيان.
Ang Marangal na Qur'ān ay nagsasama sa katangian ng kalubusan sa bawat bagay, kaliwanagan, at paglilinaw.

• يهتم الكفار عادة بالماديات، فتراهم مُنْغَمِسين في الشهوات والأهواء، مغترين بالأماني الزائفة، منشغلين بالدنيا عن الآخرة.
Nagpapahalaga ang mga tagatangging sumampalataya kadalasan sa mga materyal na bagay kaya nakakikita ka sa kanila na mga nakatampisaw sa mga pagnanasa at mga pithaya, na mga nalilinlang ng mga huwad na mithiin habang mga nagpapakaabala sa Mundo sa halip na sa Kabilang-buhay.

• هلاك الأمم مُقَدَّر بتاريخ معين، ومقرر في أجل محدد، لا تأخير فيه ولا تقديم، وإن الله لا يَعْجَلُ لعجلة أحد.
Ang pagkapahamak ng mga kalipunan ay nakatakda sa isang tanging petsa at pinagtibay sa isang taning na tinakdaan, na walang pag-aantala rito at walang pagpapauna. Tunay na si Allāh ay hindi nagmamadali dahil sa pagmamadali ng isa.

• تكفل الله تعالى بحفظ القرآن الكريم من التغيير والتبديل، والزيادة والنقص، إلى يوم القيامة.
Naggarantiya si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pag-iingat sa Marangal na Qur'an laban sa pagbabago, pagpapalit, pagdaragdag, at pagbabawas hanggang sa Araw ng Pagbangon.

وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَزَيَّنَّٰهَا لِلنَّٰظِرِينَ
Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga dambuhalang bituing napapatnubayan sa pamamagitan ng mga iyon ang mga tao sa mga paglalakbay nila sa mga kadiliman ng katihan at karagatan. Pinaganda Namin ang mga iyon para sa sinumang nagmasid sa mga iyon at tumingin sa mga iyon upang ipampatunay nila sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
Les exégèses en arabe:
وَحَفِظۡنَٰهَا مِن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٍ
Nag-ingat sa langit laban sa bawat demonyong itinaboy palayo sa awa ni Allāh,
Les exégèses en arabe:
إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ مُّبِينٞ
maliban sa sinumang nakapakinig sa kataas-taasang konseho nang patalilis kaya may humabol sa kanya na isang bagay na nagliliwanag para sumunog ito sa kanya.
Les exégèses en arabe:
وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡزُونٖ
Ang lupa, naglatag Kami nito upang mamalagi ang mga tao sa ibabaw nito, naglagay Kami rito ng mga bundok na matatag upang hindi gumalaw-galaw ito kasama ng mga tao, at nagpatubo Kami rito ng lahat ng mga uri ng halaman na itinakda at tinakdaan ayon sa hinihiling ng karunungan.
Les exégèses en arabe:
وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَٰزِقِينَ
Gumawa Kami para sa inyo, O mga tao, sa lupa ng ikabubuhay ninyo na mga pagkain at mga inumin hanggat namalagi kayo sa buhay na pangmundo. Gumawa Kami para sa iba pa sa inyo, kabilang sa hindi ninyo tinustusan kabilang sa mga tao at mga hayop, ng ikabubuhay nila.
Les exégèses en arabe:
وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
Walang anumang bagay na pinakikinabangan ng mga tao at mga hayop malibang Kami ay nakakakaya sa pagpapairal nito at pagpapakinabang sa mga tao nito. Hindi Kami nagpapairal ng pinaiiral Namin kabilang doon malibang ayon sa sukat na tinakdaan, na hinihiling ng karunungan Namin at kalooban Namin.
Les exégèses en arabe:
وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّيَٰحَ لَوَٰقِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَسۡقَيۡنَٰكُمُوهُ وَمَآ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَٰزِنِينَ
Nagsugo Kami ng mga hangin na nagsesemilya sa mga ulap saka nagpababa Kami ng ulan mula sa mga ulap na nasemilyahan kaya nagpainom Kami sa inyo mula sa tubig ng ulan samantalang hindi kayo, O mga tao, mga tagapag-imbak para sa tubig na ito sa lupa upang maging mga bukal at mga balon. Tanging si Allāh ay ang nag-iimbak nito rito.
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Tunay na Kami, talagang Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng paglikha sa kanila mula sa kawalan at sa pamamagitan ng pagbuhay sa kanila matapos ng kamatayan, at nagbibigay-kamatayan sa mga buhay kapag nalubus-lubos ang mga taning nila; at Kami ay ang natitira na nagpapamana sa lupa at sa sinumang nasa ibabaw nito.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِينَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِينَ
Talaga ngang nakaalam Kami sa sinumang napauna kabilang sa inyo sa kapanganakan at kamatayan, at nakaalam Kami sa sinumang napahuli sa mga ito. Walang nakakukubli sa amin mula roon na anuman.
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay kakalap sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa tagagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda at sa tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa. Tunay na Siya ay Marunong sa pangangasiwa Niya, Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Talaga ngang lumikha Kami kay Adan mula sa tuyong putik na kung pinitik ay tumutunog. Ang putik na ito na nilikha siya mula rito ay itim, na nagbago ang amoy dahil sa tagal ng pananatili nito.
Les exégèses en arabe:
وَٱلۡجَآنَّ خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ
Lumikha Kami sa ama ng jinn bago pa ng paglikha kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa apoy na matindi ang init.
Les exégèses en arabe:
وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel at kay Satanas, na dati siyang kasama sa kanila: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa tuyong putik, na may tunog kung pinitik, na itim, na nagbago ang amoy."
Les exégèses en arabe:
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Kaya noong nakapagsaayos Ako ng anyo niya at nakalubos Ako sa paglikha sa kanya ay magpatirapa kayo sa kanya bilang pagsunod sa utos Ko at bilang pagbati sa kanya.
Les exégèses en arabe:
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Kaya sumunod ang mga anghel saka nagpatirapa sila sa kalahatan nila sa kanya gaya ng ipinag-utos sa kanila ng Panginoon nila.
Les exégèses en arabe:
إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰٓ أَن يَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Subalit si Satanas, na dating kasama sa mga anghel at hindi nangyaring kabilang sa kanila, ay nagpigil na magpatirapa kay Adan kasama ng mga anghel.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• ينبغي للعبد التأمل والنظر في السماء وزينتها والاستدلال بها على باريها.
Nararapat para sa tao ang pagninilay-nilay, ang pagmamasid sa langit at gayak nito, at ang pagpapatunay sa pamamagitan nito sa Maykapal nito.

• جميع الأرزاق وأصناف الأقدار لا يملكها أحد إلا الله، فخزائنها بيده يعطي من يشاء، ويمنع من يشاء، بحسب حكمته ورحمته.
Ang lahat ng mga panustos at mga uri ng mga pagtatakda ay walang nagmamay-ari sa mga ito ni isa man kundi si Allāh sapagkat ang mga imbakan ng mga ito ay nasa Kamay Niya. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya at nagkakait Siya sa sinumang niloloob Niya alinsunod sa karunungan Niya at awa Niya.

• الأرض مخلوقة ممهدة منبسطة تتناسب مع إمكان الحياة البشرية عليها، وهي مثبّتة بالجبال الرواسي؛ لئلا تتحرك بأهلها، وفيها من النباتات المختلفة ذات المقادير المعلومة على وفق الحكمة والمصلحة.
Ang lupa ay nilikha, pinatag, at nakalatag, na nababagay sa posibilidad ng buhay pantao sa ibabaw nito. Ito ay pinatatag sa pamamagitan ng mga bundok na matitibay upang hindi magpagalaw-galaw sa mga naninirahan dito. Dito ay may mga halamang nagkakaiba-iba, na may mga pagtatakdang nalalaman sang-ayon sa kasanhian at kapakanan.

• الأمر للملائكة بالسجود لآدم فيه تكريم للجنس البشري.
Ang utos sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan ay may pagpaparangal sa uring tao.

قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Nagsabi si Allāh kay Satanas matapos ng pagpipigil nito na magpatirapa kay Adan: "Ano ang nag-udyok sa iyo at pumigil sa iyo na magpatirapa ka kasama sa mga anghel na nagpatirapa bilang pagsunod sa utos Ko?"
Les exégèses en arabe:
قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Nagsabi si Satanas habang nagmamalaki: "Hindi natutumpak para sa akin na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa tuyong putik na dating putik na itim na nagbago [ang amoy]."
Les exégèses en arabe:
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Nagsabi si Allāh kay Satanas: "Kaya lumabas ka mula sa Paraiso sapagkat tunay na ikaw ay itinataboy,
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
at tunay na sumaiyo ang sumpa at ang pagtataboy mula sa awa Ko hanggang sa Araw ng Pagbangon."
Les exégèses en arabe:
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi si Satanas: "O Panginoon ko, magpalugit Ka sa akin at huwag Kang magbigay-kamatayan sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin ang nilikha."
Les exégèses en arabe:
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi si Allāh sa kanya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga pinalulugitan na inantala ang mga taning nila
Les exégèses en arabe:
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
hanggang sa panahon na mamamatay roon ang lahat ng mga nilikha sa sandali ng Unang Pag-ihip."
Les exégèses en arabe:
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi si Satanas: "Panginoon ko, dahilan sa pagliligaw Mo sa akin, talagang magpapaganda nga ako para sa kanila ng mga pagsuway sa lupa at talagang magliligaw nga ako sa kanila sa kabuuan nila palayo sa landasing tuwid,
Les exégèses en arabe:
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga hinirang Mo kabilang sa mga lingkod Mo para sa pagsamba sa Iyo."
Les exégèses en arabe:
قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ
Nagsabi si Allāh: "Ito ay isang daang matuwid na nagpaparating sa Akin.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Tunay na ang mga lingkod Kong mga itinangi ay wala kang kakayahan ni pangingibabaw sa paglilisya sa kanila, maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga ligaw.
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan ni Satanas at ng sinumang sumunod sa kanya kabilang sa mga ligaw sa kabuuan nila.
Les exégèses en arabe:
لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ
Ang Impiyerno ay may pitong pintong papasok sila sa mga iyon. Para sa bawat pinto kabilang sa mga pinto nito, mula sa mga tagasunod ni Satanas, ay may isang nalalamang dami kabilang sa kanila na papasok doon."
Les exégèses en arabe:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya ay nasa mga hardin at mga bukal.
Les exégèses en arabe:
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ
Sasabihin sa kanila sa sandali ng pagpasok doon: "Pumasok kayo sa mga ito nang may kaligtasan laban sa mga kasiraan at katiwasayan laban sa mga pinangangambahan."
Les exégèses en arabe:
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Mag-aalis Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na poot at pagkamuhi bilang magkakapatid na mga nagmamahalan habang nakaupo sa mga kama habang nakatingin sila sa isa't isa.
Les exégèses en arabe:
لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ
Walang tatama sa kanila roon na isang pagkapagod at sila ay hindi mga palalabasin mula roon, bagkus sila ay mga mamamalagi roon.
Les exégèses en arabe:
۞ نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Ipaalam mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila, ang Maawain sa kanila.
Les exégèses en arabe:
وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ
Ipaalam mo sa kanila na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang nakasasakit kaya magbalik-loob sila sa Akin upang magtamo sila ng kapatawaran Ko at matiwasay sila laban sa pagdurusang dulot Ko.
Les exégèses en arabe:
وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ
Magpaalam ka sa kanila hinggil sa ulat sa mga panauhin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na mga anghel na naghatid ng nakalulugod na balita hinggil sa anak at hinggil sa pagpapahamak sa mga kababayan ni Lot.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• في الآيات دليل على تزاور المتقين واجتماعهم وحسن أدبهم فيما بينهم، في كون كل منهم مقابلًا للآخر لا مستدبرًا له.
Sa mga talata [ng Qur'ān] ay may patunay sa pagdadalawan ng mga tagapangilag sa pagkakasala, pagtitipon nila, at kagandahan ng asal nila sa gitna nila dahil sa ang bawat isa sa kanila ay nakikipagharap sa kapwa hindi tumatalikod doon.

• ينبغي للعبد أن يكون قلبه دائمًا بين الخوف والرجاء، والرغبة والرهبة.
Nararapat para sa tao na ang puso niya ay maging palaging nasa pagitan ng pangamba at pag-asa, at pagkaibig at pangingilabot.

• سجد الملائكة لآدم كلهم أجمعون سجود تحية وتكريم إلا إبليس رفض وأبى.
Nagpatirapa ang mga anghel kay Adan, sa kabuuan nila nang magkakasama, ayon sa pagpapatira ng pagbati at pagpaparangal, maliban kay Satanas na tumanggi at umayaw.

• لا سلطان لإبليس على الذين هداهم الله واجتباهم واصطفاهم في أن يلقيهم في ذنب يمنعهم عفو الله.
Walang kapangyarihan si Satanas sa mga pinatnubayan ni Allāh, itinangi Niya, at hinirang Niya kaugnay sa pagbubulid sa kanila sa isang pagkakasalang magkakait sa kanila ng paumanhin ni Allāh.

إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya: "Kapayapaan" ay sumagot siya sa kanila ng higit na maganda kaysa sa pagbati nila. Naghain siya sa kanila ng isang inihaw na guya upang kainin nila sapagkat nagpalagay siya na sila ay mga mortal ngunit noong hindi sila kumain mula roon ay nagsabi siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nangangamba."
Les exégèses en arabe:
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay magpapabatid sa iyo ng ikagagalak mo: na magkakaroon ka ng isang anak na lalaking maalam."
Les exégèses en arabe:
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Nagsabi sa kanila si Abraham noong nagtaka siya sa pagbabalita nila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang anak: "Nagbalita ba kayo ng nakalulugod sa akin hinggil sa isang anak sa kabila ng dumapo sa akin na kagulangan at katandaan? Kaya sa aling paraan magbabalita kayo ng nakalulugod sa akin?"
Les exégèses en arabe:
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel kay Abraham: "Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito kaya huwag kang maging kabilang sa mga nawawalan ng pag-asa sa ibinabalita naming nakagagalak sa iyo."
Les exégèses en arabe:
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Nagsabi si Abraham: "May nawawalan kaya ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya kundi ang mga nalilihis palayo sa landasing tuwid ni Allāh?"
Les exégèses en arabe:
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi si Abraham: "Kaya ano ang sadya ninyong naghatid sa inyo, O mga isinugo, mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya?"
Les exégèses en arabe:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Tunay na kami ay isinugo ni Allāh para sa pagpapahamak sa mga taong mabibigat ang kasagwaan, mabibigat ang kasamaan. Sila ay mga kababayan ni Lot.
Les exégèses en arabe:
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
maliban sa mag-anak ni Lot at mga tagasunod niya kabilang sa mga mananampalataya sapagkat hindi sasaklaw sa kanila ang pagpapahamak. Tunay na kami ay mga magbibigay-kaligtasan sa kanila sa kalahatan mula roon,
Les exégèses en arabe:
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya sapagkat [nagsabi si Allāh:] Humatol na Kami na ito ay kabilang sa mga matitirang sasaklawan ng kapahamakan."
Les exégèses en arabe:
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Kaya noong sumapit ang mga anghel na isinugo sa mag-anak ni Lot sa mga anyo ng mga lalaki,
Les exégèses en arabe:
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
nagsabi sa kanila si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Mga taong hindi kilala."
Les exégèses en arabe:
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Huwag kang mangamba. Bagkus naghatid kami sa iyo, O Lot, ng bagay na noon ay nagdududa hinggil dito ang mga kababayan mo: ang pagdurusang magpapahamak sa kanila.
Les exégèses en arabe:
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Naghatid kami sa iyo ng katotohanang walang biro rito, at tunay na kami ay talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo.
Les exégèses en arabe:
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Kaya humayo ka kasama ng mag-anak mo matapos ng paglipas ng isang bahagi ng gabi. Humayo ka sa likuran nila at walang lilingong isa man kabilang sa inyo sa hulihan upang tumingin sa dumapo sa kanila. Tumuloy kayo sa kung saan kayo inutusan ni Allāh na tumuloy."
Les exégèses en arabe:
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Nagpaalam Kami kay Lot ng tungkol sa paraan ng pagkakasi, ang bagay na iyon na itinakda Namin: na ang mga taong ito ay pupuksain sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kahuli-hulihan sa kanila kapag sumapit sila sa umaga.
Les exégèses en arabe:
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Dumating ang mga naninirahan sa Sodom na mga nagagalak sa mga panauhin ni Lot, sa paghahangad sa paggawa ng mahalay.
Les exégèses en arabe:
قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Nagsabi sa kanila si Lot: "Tunay na ang mga taong ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin dahil sa ninanais ninyo sa kanila.
Les exégèses en arabe:
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagtigil sa gawaing mahalay na ito at huwag kayong manghamak sa akin dahil sa gawain ninyong karumal-dumal."
Les exégèses en arabe:
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa pagtanggap bilang panauhin sa isa man sa mga tao?"
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• تعليم أدب الضيف بالتحية والسلام حين القدوم على الآخرين.
Ang pagtuturo ng kaasalan sa panauhin sa pamamagitan ng pagbati at [pagdalangin ng] kapayapaan sa pagdating sa mga ibang tao.

• من أنعم الله عليه بالهداية والعلم العظيم لا سبيل له إلى القنوط من رحمة الله.
Ang sinumang biniyayaan ni Allāh ng kapatnubayan at kaalamang dakila ay walang daan para sa kanya tungo sa kawalang pag-asa sa awa ni Allāh.

• نهى الله تعالى لوطًا وأتباعه عن الالتفات أثناء نزول العذاب بقوم لوط حتى لا تأخذهم الشفقة عليهم.
Sinaway ni Allāh – pagkataas-taas Siya – si Lot at ang mga tagasunod niya laban sa paglingon sa sandali ng pagbaba ng parusa sa mga kababayan ni Lot nang sa gayon ay hindi sila madala ng habag sa mga iyon.

• تصميم قوم لوط على ارتكاب الفاحشة مع هؤلاء الضيوف دليل على طمس فطرتهم، وشدة فحشهم.
Ang pagpapasya ng mga kababayan ni Lot sa paggawa ng mahalay sa mga panauhing ito ay isang patunay ng pagkapawi ng kalikasan ng pagkakalalang sa kanila at tindi ng kahalayan nila.

قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Nagsabi sa kanila si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya, magpakasal kayo sa kanila kung nangyaring kayo ay mga naglalayon ng pagtugon sa pagnanasa ninyo."
Les exégèses en arabe:
لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Sumpa man sa buhay mo, O Sugo, tunay na ang mga kababayan ni Lot ay talagang nasa pagmamalabis sa pagnanasa nila habang nag-aatubili sila.
Les exégèses en arabe:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ
Kaya may dumaklot sa kanila na isang matinding tinig na nagpapahamak sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng pagsikat ng araw.
Les exégèses en arabe:
فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ
Kaya binaliktad Namin ang mga pamayanan nila sa pamamagitan ng paglalagay sa itaas ng mga ito sa ibaba. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong luwad na nanigas.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon na dumapo sa mga kababayan ni Lot na kapahamakan ay talagang may mga palatandaan para sa mga tagapagnilay-nilay.
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ
Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot ay talagang nasa isang daang matatag, na nakikita ng sinumang napararaan sa mga iyon kabilang sa mga tagapaglakbay.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nangyaring iyon ay talagang may katunayan para sa mga mananampalatayang habang nagsasaalang-alang nito.
Les exégèses en arabe:
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Noon nga ang mga kalipi ni Shu`ayb na mga naninirahan sa pamayanang may mga punong nagsisiksikan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa sugo Niyang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ
Kaya naghiganti Kami sa kanila yayamang kinuha sila ng pagdurusa. Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot at ang mga pinamamayanan ng mga kasamahan ni Shu`ayb ay talagang nasa isang daang maliwanag para sa sinumang naparaan doon.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang nagpasinungaling ang [liping] Thamūd, ang mga mamamayan ng Batuhan (isang lugar sa pagitan ng Ḥijāz at Sirya), sa lahat ng mga sugo nang nagpasinungaling sila sa propeta nilang si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Nagbigay sa kanila ng mga katwiran at mga patunay sa katapatan niya sa inihatid niya sa kanila mula sa Panginoon niya, na kabilang doon ang babaing kamelyo, ngunit hindi sila nagsaalang-alang sa mga patunay na iyon at hindi sila pumansin sa mga iyon.
Les exégèses en arabe:
وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ
Sila noon ay humihiwa sa mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa kanila na paninirahan nila bilang mga matiwasay mula sa pinangangambahan nila.
Les exégèses en arabe:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ
Ngunit dumaklot sa kanila ang hiyaw ng pagdurusa sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng umaga.
Les exégèses en arabe:
فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh ang anumang dati nilang nakakamit na mga yaman at mga tirahan.
Les exégèses en arabe:
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at hindi Kami lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan, nang walang kasanhian. Hindi Kami lumikha ng lahat ng iyon malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating na walang pasubali. Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling sa iyo at magpaumanhin ka sa kanila nang isang pagpapaumanhing maganda.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Palalikha sa bawat bagay, ang Maalam dito.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Talaga ngang ibinigay Namin sa iyo ang Fātiḥah, na pitong talata, at ang Dakilang Qur’ān.
Les exégèses en arabe:
لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Huwag kang magpatagal ng pagtingin mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri, mula sa mga tagatangging sumampalataya, na mga natatamasang naglalaho. Huwag kang malungkot sa pagpapasinungaling nila. Magpakumbaba ka sa mga mananampalataya.
Les exégèses en arabe:
وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako mismo ay ang mapagbabala sa pagdurusa, ang malinaw ang pagbabala,"
Les exégèses en arabe:
كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ
Nagbabala sa inyo si Allāh na dadapo sa inyo ang tulad ng pinababa Niya sa mga nagkawatak-watak sa mga kasulatan Niya sa mga baha-bahagi sapagkat sumasampalataya sila sa isang bahagi at tumatangging sumampalataya sa isa pang bahagi.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• أن الله تعالى إذا أراد أن يهلك قرية ازداد شرهم وطغيانهم، فإذا انتهى أوقع بهم من العقوبات ما يستحقونه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kapag nagnais na magpahamak ng isang pamayanan ay nadaragdagan ang kasamaan nila at ang pagmamalabis nila. Kaya kapag nagwakas ito, nagpapabagsak Siya sa kanila ng mga kaparusahang naging karapat-dapat sila.

• كراهة دخول مواطن العذاب، ومثلها دخول مقابر الكفار، فإن دخل الإنسان إلى تلك المواضع والمقابر فعليه الإسراع.
Ang pagkasuklam sa pagpasok sa mga pook ng pagdurusa, na ang tulad ng mga ito ay ang mga libingan ng mga tagatangging sumampalataya; ngunit kung papasok ang tao sa mga lugar at mga libingang iyon, kailangan sa kanya ang magmadali.

• ينبغي للمؤمن ألا ينظر إلى زخارف الدنيا وزهرتها، وأن ينظر إلى ما عند الله من العطاء.
Nararapat sa mananampalataya na hindi tumingin sa mga palamuti ng Mundo at kaningningan nito at na tumingin [na lamang] sa ibinibigay na nasa ganang kay Allāh.

• على المؤمن أن يكون بعيدًا من المشركين، ولا يحزن إن لم يؤمنوا، قريبًا من المؤمنين، متواضعًا لهم، محبًّا لهم ولو كانوا فقراء.
Kailangan sa mananampalataya na maging malayo sa mga tagapagtambal – at huwag siyang malungkot kung hindi sila sumampalataya – at maging malapit sa mga mananampalataya, mapagpakumbaba sa kanila, umiibig sa kanila kahit pa man sila ay mga maralita.

ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ
na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga bahagi saka nagsabi: "Ito ay isang panggagaway o isang panghuhula o isang tula."
Les exégèses en arabe:
فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talaga ngang magtatanong Kami sa Araw ng Pagbangon sa lahat ng gumawa rito bilang mga bahagi.
Les exégèses en arabe:
عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Talagang magtatanong nga Kami sa kanila tungkol sa anumang dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sa Mundo.
Les exégèses en arabe:
فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Kaya magpahayag ka, O Sugo, ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na pag-aanyaya tungo sa Kanya at huwag kang lumingon sa sinasabi at ginagawa ng mga tagapagtambal.
Les exégèses en arabe:
إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ
Huwag kang mangamba sa kanila sapagkat nakasapat nga Kami sa iyo sa pakana ng mga tagatuya kabilang sa mga pinuno ng kawalang-pananampalataya kabilang sa [liping] Quraysh
Les exégèses en arabe:
ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
na gumagawa kasama kay Allāh ng sinasambang iba pa sa Kanya, ngunit malalaman nila ang kahihinatnan ng masagwang pagtatambal nila.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ
Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw, O Sugo, ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa namumutawi mula sa kanila na pagpapasinungaling nila sa iyo at panunuya nila sa iyo.
Les exégèses en arabe:
فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Kaya dumulog ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapawalang-kaugnayan sa Kanya sa anumang hindi naaangkop sa Kanya at ng pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan Niya. Maging kabilang ka sa mga tagasamba kay Allāh, na mga tagapagdasal sa Kanya sapagkat sa gayon ay may lunas sa paninikip ng dibdib mo.
Les exégèses en arabe:
وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ
Mamalagi ka sa pagsamba mo sa Panginoon mo at magpatuloy ka roon hanggat nanatili kang buhay hanggang sa pumunta sa iyo ang kamatayan habang ikaw ay nasa gayon.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• عناية الله ورعايته بصَوْن النبي صلى الله عليه وسلم وحمايته من أذى المشركين.
Ang pag-aaruga ni Allāh at ang pagmamalasakit Niya sa pamamagitan ng pangangalaga sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pagsasanggalang Niya rito laban sa pananakit ng mga tagapagtambal.

• التسبيح والتحميد والصلاة علاج الهموم والأحزان، وطريق الخروج من الأزمات والمآزق والكروب.
Ang pagluluwalhati, ang pagpapapuri, at ang pagdarasal ay lunas sa mga alalahanin at mga lungkot, at daan ng paglabas mula sa mga krisis, mga kagipitan, at mga pighati.

• المسلم مطالب على سبيل الفرضية بالعبادة التي هي الصلاة على الدوام حتى يأتيه الموت، ما لم يغلب الغشيان أو فقد الذاكرة على عقله.
Ang Muslim ay hinihilingan, dahil sa pagkatungkulin, ng pagsamba na pagdarasal nang palagian hanggang sa sumapit sa kanya ang kamatayan hanggat hindi nanaig ang kawalang-malay o ang pagkawala ng alaala sa isip niya.

• سمى الله الوحي روحًا؛ لأنه تحيا به النفوس.
Nagpangalan si Allāh sa pagkakasi bilang espiritu dahil ito ay ikinabubuhay ng mga kaluluwa.

• مَلَّكَنا الله تعالى الأنعام والدواب وذَلَّلها لنا، وأباح لنا تسخيرها والانتفاع بها؛ رحمة منه تعالى بنا.
Pinagmay-ari tayo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga hayupan at mga hayop, pinaamo Niya ang mga ito sa atin, at ipinahintulot Niya sa atin ang pagpapasilbi ng mga ito at pakikinabang sa mga ito bilang awa mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa atin.

 
Traduction des sens Sourate: AL-HIJR
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture