Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: Muhammad   Verset:
وَلَوۡ نَشَآءُ لَأَرَيۡنَٰكَهُمۡ فَلَعَرَفۡتَهُم بِسِيمَٰهُمۡۚ وَلَتَعۡرِفَنَّهُمۡ فِي لَحۡنِ ٱلۡقَوۡلِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapakilala sa iyo, O Sugo, ng mga mapagpaimbabaw ay talaga sanang ipinakilala Namin sila sa iyo kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga palatandaan nila at makikilala mo sila ayon sa istilo ng pananalita nila. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Les exégèses en arabe:
وَلَنَبۡلُوَنَّكُمۡ حَتَّىٰ نَعۡلَمَ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَنَبۡلُوَاْ أَخۡبَارَكُمۡ
Talagang manunubok nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pakikibaka, pakikipaglaban sa mga kaaway, at pagkapatay hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka kabilang sa inyo sa landas Namin at mga nagtitiis kabilang sa inyo sa pakikipaglaban sa mga kaaway, at manunubok Kami sa inyo para malaman ang tapat kabilang sa inyo at ang sinungaling.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَشَآقُّواْ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗا وَسَيُحۡبِطُ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, sumagabal sa Relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila – at sumagabal doon ang iba pa sa kanila – at sumalungat sa Sugo Niya at nakipag-away rito nang matapos luminaw na ito ay propeta, hindi sila makapipinsala kay Allāh ng anuman at nakapipinsala lamang sila sa mga sarili nila. Magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Les exégèses en arabe:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَلَا تُبۡطِلُوٓاْ أَعۡمَٰلَكُمۡ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa ipinag-uutos nilang dalawa at pag-iwas ninyo sa sinasaway nilang dalawa, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga gawa ninyo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapakitang-tao, at iba pa roon.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ مَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, naglihis ng mga sarili nila at naglihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh – pagkatapos namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila bago ng pagbabalik-loob – ay hindi magpapalampas si Allāh sa mga pagkakasala nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito, bagkus maninisi sa kanila at magpapapasok sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
Les exégèses en arabe:
فَلَا تَهِنُواْ وَتَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلسَّلۡمِ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ وَٱللَّهُ مَعَكُمۡ وَلَن يَتِرَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kaya huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, sa pagharap sa kaaway ninyo at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan bago sila mag-anyaya sa inyo tungo roon samantalang kayo ay ang mga nakagapi na mga nanaig sa kanila at si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pag-alalay Niya. Hindi Siya magpapakulang sa inyo sa gantimpala sa mga gawa ninyo sa anuman, bagkus magdaragdag Siya sa inyo ng kagandahang-loob mula sa Kanya at ng pagmamabuting-loob.
Les exégèses en arabe:
إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ
Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang kaya hindi pinagkakaabalahan ito ng isang nakapag-uunawa kapalit ng paggawa para sa Kabilang-buhay niya. Kung sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala ng mga gawa ninyo nang lubusan, na walang ibinawas, at hindi Siya hihiling mula sa inyo ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito; humihiling lamang Siya mula sa inyo ng isinatungkuling zakāh.
Les exégèses en arabe:
إِن يَسۡـَٔلۡكُمُوهَا فَيُحۡفِكُمۡ تَبۡخَلُواْ وَيُخۡرِجۡ أَضۡغَٰنَكُمۡ
Kung hihiling Siya mula sa inyo ng lahat ng mga yaman ninyo at mamimilit Siya sa paghiling ng mga iyon mula sa inyo, magmamaramot kayo ng mga iyon at magpapalabas naman Siya ng nasa mga puso ninyo na pagkasuklam sa paggugol sa landas Niya, kaya itinigil Niya ang paghiling ng mga iyon mula sa inyo bilang kabaitan sa inyo.
Les exégèses en arabe:
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تُدۡعَوۡنَ لِتُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبۡخَلُۖ وَمَن يَبۡخَلۡ فَإِنَّمَا يَبۡخَلُ عَن نَّفۡسِهِۦۚ وَٱللَّهُ ٱلۡغَنِيُّ وَأَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُۚ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ يَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُونُوٓاْ أَمۡثَٰلَكُم
Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo ng isang bahagi mula sa mga yaman ninyo sa landas ni Allāh. Hindi naman Siya humihiling mula sa inyo ng paggugol ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito, ngunit mayroon sa inyo na nagpipigil ng paggugol na hinihiling dala ng karamutan mula sa kanya. Ang sinumang nagmamaramot sa paggugol ng isang bahagi mula sa yaman niya sa landas ni Allāh ay nagmamaramot lamang, sa katunayan, sa sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng gantimpala ng paggugol. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya naman hindi Siya nangangailangan sa paggugol ninyo samantalang kayo ay ang mga nangangailangan sa Kanya. Kung babalik kayo sa kawalang-pananampalataya mula sa Islām, magpapahamak Siya sa inyo at magdadala Siya ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo, bagkus sila ay magiging mga tagatalima sa Kanya.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• سرائر المنافقين وخبثهم يظهر على قسمات وجوههم وأسلوب كلامهم.
Ang mga lihim ng mga mapagpaimbabaw at ang rimarim nila ay lumilitaw sa mga hubog ng mga mukha nila at istilo ng pananalita nila.

• الاختبار سُنَّة إلهية لتمييز المؤمنين من المنافقين.
Ang pagsubok ay isang kalakarang makadiyos para matangi ang mga mananampalataya sa mga mapagpaimbabaw.

• تأييد الله لعباده المؤمنين بالنصر والتسديد.
Ang pag-alalay ni Allāh sa mga lingkod Niyang mananampalataya ay sa pamamagitan ng pag-aadya at pagtutuon.

• من رفق الله بعباده أنه لا يطلب منهم إنفاق كل أموالهم في سبيل الله.
Bahagi ng kabaitan ni Allāh sa mga lingkod Niya ay na Siya ay hindi humihiling mula sa kanila ng paggugol ng lahat ng mga yaman nila sa landas Niya.

 
Traduction des sens Sourate: Muhammad
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture