Check out the new design

क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - पवित्र क़ुरआन की संक्षिप्त व्याख्या का फिलीपीनी (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद सूरा: अश्-शु-अ़-रा   आयत:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يُمَتَّعُونَ
Ano ang ipinakinabang sa kanila ng anumang dating nasa kanila na mga biyaya sa Mundo sapagkat naputol na ang mga biyayang iyon at hindi nagdulot ng anuman?
अरबी तफ़सीरें:
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan kabilang sa mga kalipunan malibang matapos ng pagbibigay-paalaala roon sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga sugo at pagpapababa ng mga kasulatan
अरबी तफ़सीरें:
ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
bilang pangaral at bilang pagpapaalaala sa kanila, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan dahil sa pagpaparusa sa kanila matapos ng pagbibigay-paalaala sa kanila sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga sugo at pagpapababa ng mga kasulatan.
अरबी तफ़सीरें:
وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّيَٰطِينُ
Hindi nagbabaan ang mga demonyo kalakip ng Qur'ān na ito sa puso ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
अरबी तफ़सीरें:
وَمَا يَنۢبَغِي لَهُمۡ وَمَا يَسۡتَطِيعُونَ
Hindi natutumpak na magbabaan sila sa puso mo at hindi sila nakakakaya niyon.
अरबी तफ़सीरें:
إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ
Hindi sila nakakakaya niyon dahil sila ay mga ibinukod palayo sa lugar nito sa langit kaya papaanong makararating sila roon at magbabaan kalakip nito?
अरबी तफ़सीरें:
فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِينَ
Kaya huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa na itinatambal mo kasama sa Kanya, para ikaw dahilan doon ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.
अरबी तफ़सीरें:
وَأَنذِرۡ عَشِيرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِينَ
Magbabala ka, o Sugo, sa angkan mo: sa pinakamalapit saka sa kasunod na pinakamalapit kabilang sa mga kalipi mo, upang hindi dumapo sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh kung nanatili sila sa shirk.
अरबी तफ़सीरें:
وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Magpabanayad ka ng kalooban mo sa gawa at sa salita para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya bilang awa sa kanila at bilang kabaitan.
अरबी तफ़सीरें:
فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Ngunit kung sumuway sila sa iyo at hindi tumugon sa ipinag-utos mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay magsabi ka sa kanila: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo na shirk at mga pagsuway."
अरबी तफ़सीरें:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
Sumandig ka sa mga nauukol sa iyo sa kabuuan ng mga ito sa Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway niya, Maawain sa sinumang nanumbalik sa Kanya kabilang sa kanila,
अरबी तफ़सीरें:
ٱلَّذِي يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ
na nakakikita sa iyo – kaluwalhatian sa Kanya – kapag bumangon ka patungo sa pagdarasal
अरबी तफ़सीरें:
وَتَقَلُّبَكَ فِي ٱلسَّٰجِدِينَ
at nakakikita – kaluwalhatian sa Kanya – sa paggalaw mo mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan sa mga nagdarasal. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang isinasagawa mo ni mula sa anumang isinasagawa ng iba pa sa iyo.
अरबी तफ़सीरें:
إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na Siya ay ang Madinigin sa anumang binibigkas mo na [talata ng] Qur'ān at dhikr sa dasal mo, ang Maalam sa layunin mo.
अरबी तफ़सीरें:
هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَٰطِينُ
Magpapabatid kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyong iginiit ninyo na sila ay nagbabaan kalakip ng Qur'ān na ito?
अरबी तफ़सीरें:
تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ
Nagbababaan ang mga demonyo sa bawat palasinungaling na marami ang kasalanan at ang pagsuway kabilang sa mga manghuhulang panghinaharap.
अरबी तफ़सीरें:
يُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَٰذِبُونَ
Nagnanakaw ang mga demonyo ng pakikinig mula sa konsehong pinakamataas saka nagpupukol sila nito sa mga katangkilik nila kabilang sa mga manghuhulang panghinaharap. Ang higit na marami sa mga manghuhulang panghinaharap ay mga sinungaling. Kung nagpakatapat sila sa isang salita ay nagsinungaling naman sila kasama rito ng isang daang kasinungalingan.
अरबी तफ़सीरें:
وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ
Ang mga manunula, na naggigiit kayo na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay kabilang sa kanila – ay sumusunod sa kanila ang mga nalilihis palayo sa daan ng patnubay at pagpapakatuwid, kaya nagtuturing ang mga ito na ang sinasabi nila ay kabilang sa tula.
अरबी तफ़सीरें:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِي كُلِّ وَادٖ يَهِيمُونَ
Hindi mo ba nakita, O Sugo, na kabilang sa mga kahayagan ng kalisyaan nila ay na sila ay nawawala sa bawat larangan: sumusuong sila sa pagbubunyi minsan, pagpupula minsan, at sa iba pa sa mga ito paminsan-minsan.
अरबी तफ़सीरें:
وَأَنَّهُمۡ يَقُولُونَ مَا لَا يَفۡعَلُونَ
at na sila ay nagsisinungaling sapagkat nagsasabi sila: "Gumawa kami ng ganito," gayong hindi naman nila ginawa ito,
अरबी तफ़सीरें:
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَيَّ مُنقَلَبٖ يَنقَلِبُونَ
maliban sa mga sumampalataya kabilang sa mga manunula, gumawa ng mga gawang maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas na pag-aalaala, at naiadya laban sa mga kaaway ni Allāh matapos na lumabag sa katarungan ang mga ito sa kanila, tulad ni Ḥassān bin Thābit – malugod si Allāh sa kanya. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pangangaway sa mga lingkod Niya kung sa aling balikan babalik sila sapagkat babalik sila sa isang katayuang mabigat at isang pagtutuos na masusi.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• إثبات العدل لله، ونفي الظلم عنه.
Ang pagpapatibay sa katarungan [bilang katangian] para kay Allāh at ang pagkakaila sa kawalang-katarungan sa Kanya.

• تنزيه القرآن عن قرب الشياطين منه.
Ang pagpapawalang-kinalaman ng Qur'ān sa paglapit ng mga demonyo rito.

• أهمية اللين والرفق للدعاة إلى الله.
Ang kahalagahan ng kabanayaran at kabaitan para sa mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh.

• الشعر حَسَنُهُ حَسَن، وقبيحه قبيح.
Ang tula, ang maganda nito ay maganda at ang pangit nito ay pangit.

 
अर्थों का अनुवाद सूरा: अश्-शु-अ़-रा
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - पवित्र क़ुरआन की संक्षिप्त व्याख्या का फिलीपीनी (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

कुरआन अध्ययन एवं व्याख्या केंद्र द्वारा निर्गत।

बंद करें