Check out the new design

クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: 煙霧章   節:
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ مِيقَٰتُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Araw ng Pagbangon na magpapasya si Allāh doon sa pagitan ng mga lingkod Niya ay pagtitipanan para sa mga nilikha sa kalahatan, na titipunin sila ni Allāh doon,
アラビア語 クルアーン注釈:
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي مَوۡلًى عَن مَّوۡلٗى شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na hindi magpapakinabang ang isang kaanak sa kaanak nito ni ang isang kaibigan sa kaibigan nito, ni sila ay hahadlang laban sa pagdurusang dulot ni Allāh dahil ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; walang isang makakakayang mag-angkin nito,
アラビア語 クルアーン注釈:
إِلَّا مَن رَّحِمَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh kabilang sa mga tao sapagkat tunay na ito ay makikinabang dahil sa inihain nitong gawang maayos; tunay na si Allāh ay ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ شَجَرَتَ ٱلزَّقُّومِ
Tunay na ang puno ng Zaqqūm na pinatubo ni Allāh sa ugat ng Impiyerno
アラビア語 クルアーン注釈:
طَعَامُ ٱلۡأَثِيمِ
ay pagkain ng may kasalanang mabigat, ang tagatangging sumampalataya na kakain mula sa bunga niyon na karima-rimarim.
アラビア語 クルアーン注釈:
كَٱلۡمُهۡلِ يَغۡلِي فِي ٱلۡبُطُونِ
Ang bungang ito ay tulad ng langis na itim; kukulo ito sa loob ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito
アラビア語 クルアーン注釈:
كَغَلۡيِ ٱلۡحَمِيمِ
gaya ng pagkulo ng tubig na lumalabis sa init.
アラビア語 クルアーン注釈:
خُذُوهُ فَٱعۡتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
Sasabihin sa mga tanod ng Apoy: "Kunin ninyo siya at hilahin ninyo siya nang may karahasan at kagaspangan patungo sa gitna ng Impiyerno.
アラビア語 クルアーン注釈:
ثُمَّ صُبُّواْ فَوۡقَ رَأۡسِهِۦ مِنۡ عَذَابِ ٱلۡحَمِيمِ
Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo ng pinagdurusang ito ng mainit na tubig para hindi humiwalay sa kanya ang pagdurusa.
アラビア語 クルアーン注釈:
ذُقۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡكَرِيمُ
Sasabihin sa kanya bilang pang-uuyam: "Lasapin mo ang pagdurusang masakit na ito; tunay na ikaw naman ay ang makapangyarihang hindi masisira ang pagkatao mo, ang mapagbigay sa mga tao mo.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِۦ تَمۡتَرُونَ
Tunay na ang pagdurusang ito ay ang nagdududa kayo noon sa pagkaganap nito sa Araw ng Pagbangon ngunit natigil na sa inyo ang pagdududa dahil sa pagkakita nito."
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa kinalalagyan ng pananatili, na mga ligtas sa bawat kinasusuklamang tatama sa kanila,
アラビア語 クルアーン注釈:
فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
sa mga pataniman at mga bukal na dumadaloy,
アラビア語 クルアーン注釈:
يَلۡبَسُونَ مِن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
na magsusuot sa Paraiso ng manipis na sutla at makapal na sutla, na maghaharapan sila sa isa't isa at hindi titingin ang isa sa kanila sa batok ng iba.
アラビア語 クルアーン注釈:
كَذَٰلِكَ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ
Gaya ng pagpaparangal Namin sa kanila sa pamamagitan ng nabanggit na iyon, ipakakasal Namin sila sa Paraiso sa magaganda na mga babae na mabibilog ang mga mata kalakip ng tindi ng kaputian ng kaputian nito at tindi ng kaitiman ng kaitiman nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
يَدۡعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَٰكِهَةٍ ءَامِنِينَ
Mananawagan sila sa mga tagapaglingkod nila roon upang magdala sa kanila ang mga ito ng bawat bungang-kahoy na ninais nila, habang mga natitiwasay laban sa pagkaputol ng mga ito at laban sa mga pinsala ng mga ito.
アラビア語 クルアーン注釈:
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا ٱلۡمَوۡتَ إِلَّا ٱلۡمَوۡتَةَ ٱلۡأُولَىٰۖ وَوَقَىٰهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Habang mga mananatili roon, hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay sa buhay na pangmundo, at magsasanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Apoy
アラビア語 クルアーン注釈:
فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
bilang pagmamabuting-loob at isang pagmamagandang-loob mula sa Panginoon mo sa kanila. Ang nabanggit na iyon na pagpapapasok sa kanila sa Paraiso at pagsanggalang sa kanila sa Apoy ay ang pagkatamong sukdulan na walang nakatutumbas na pagkatamo.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Kaya nagpadali Kami ng Qur'ān na ito at nagpagaan Kami lamang nito sa pamamagitan ng pagpapababa nito ayon sa dila mong Arabe, O Sugo, nang sa gayon sila ay mapangangaralan.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱرۡتَقِبۡ إِنَّهُم مُّرۡتَقِبُونَ
Kaya maghintay ka sa pag-aadya sa iyo at kapahamakan nila; tunay na sila ay mga naghihintay sa kapahamakan nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الجمع بين العذاب الجسمي والنفسي للكافر.
Ang pagsasama sa pagitan ng pagdurusang pangkatawan at pangkaluluwa para sa tagatangging sumampalataya.

• الفوز العظيم هو النجاة من النار ودخول الجنة.
Ang pagkatamong sukdulan ay ang kaligtasan sa Apoy at ang pagpasok sa Paraiso.

• تيسير الله لفظ القرآن ومعانيه لعباده.
Ang pagpapadali ni Allāh sa pagbigkas sa Qur'a at mga kahulugan nito para sa mga lingkod Niya.

 
対訳 章: 煙霧章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる