وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز * - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان


وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: سورەتی الأحقاف   ئایه‌تی:

Al-Ahqāf

لە مەبەستەکانی سورەتەکە:
بيان حاجة البشريّة للرسالة وإنذار المعرضين عنها.
Ang paglilinaw sa pangangailangan ng sangkatauhan sa mensahe at ang pagbabala sa mga tagaayaw rito.

حمٓ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang pagbababa ng Qur'ān ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
مَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَمَّآ أُنذِرُواْ مُعۡرِضُونَ
Hindi lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan. Bagkus lumikha niyon sa kabuuan niyon ayon sa katotohanan dahil sa mga kasanhiang malalim, na kabilang sa mga ito na makakilala ang mga tao sa Panginoon nila sa pamamagitan ng mga ito para sumamba sila sa Kanya lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at upang magsagawa sila ng mga hinihiling ng pagpapahalili sa kanila sa lupa hanggang sa isang taning na tinakdaan, na nakaaalam nito si Allāh lamang. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay mga tagaayaw sa ibinabala sa kanila sa Aklat ni Allāh, na hindi pumapansin dito.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قُلۡ أَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِۖ ٱئۡتُونِي بِكِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ هَٰذَآ أَوۡ أَثَٰرَةٖ مِّنۡ عِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagaayaw na ito sa katotohanan: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kung ano ang nilikha nila mula sa mga bahagi ng lupa? Lumikha kaya sila ng mga bundok? Lumikha kaya sila ng ilog? O mayroon silang pakikitambal at bahagi kasama kay Allāh sa paglikha ng mga langit? Maghatid kayo sa akin ng isang aklat na pinababa mula sa ganang kay Allāh bago pa ang Qur'ān o ng isang tira mula sa kaalaman mula sa naiwan ng mga sinauna, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na ang mga anito ninyo ay nagiging karapat-dapat sa pagsamba."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّن يَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَن لَّا يَسۡتَجِيبُ لَهُۥٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَهُمۡ عَن دُعَآئِهِمۡ غَٰفِلُونَ
Walang isang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumasamba sa anuman bukod pa kay Allāh, na isang anito na hindi tumutugon sa panalangin niya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga anitong ito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay mga nalilingat sa panalangin ng mga mananamba ng mga ito, paano pa kaya na magpakinabang ang mga ito sa kanila o maminsala ang mga ito sa kanila?
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• الاستهزاء بآيات الله كفر.
Ang pangungutya sa mga talata ni Allāh ay kawalang-pananampalataya.

• خطر الاغترار بلذات الدنيا وشهواتها.
Ang panganib ng pagkalinlang sa mga minamasarap sa Mundo at mga ninanasa rito.

• ثبوت صفة الكبرياء لله تعالى.
Ang pagpapatibay ng katangian ng kadakilaan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• إجابة الدعاء من أظهر أدلة وجود الله سبحانه وتعالى واستحقاقه العبادة.
Ang pagsagot sa panalangin ay kabilang sa pinakahayag sa mga patunay sa kairalan ni Allāh at pagiging karapat-dapat Niya sa pagsamba.

وَإِذَا حُشِرَ ٱلنَّاسُ كَانُواْ لَهُمۡ أَعۡدَآءٗ وَكَانُواْ بِعِبَادَتِهِمۡ كَٰفِرِينَ
Kalakip ng pagiging hindi nagpapakinabang ang mga ito sa kanila sa Mundo, tunay na sila, kapag kinalap sila sa Araw ng Pagbangon, ay magiging mga kaaway para sa mga dati nilang sinasamba at magpapawalang-kaugnayan ang mga ito sa kanila. Magkakaila ang mga ito na ang mga ito noon ay may kaalaman sa pagsamba nila sa mga ito.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila sa pamamagitan ng Sugo Namin: "Ito ay isang panggagaway na maliwanag at hindi isang kasi mula kay Allāh."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَلَا تَمۡلِكُونَ لِي مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِۚ كَفَىٰ بِهِۦ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
O nagsasabi ang mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito kay Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko ay hindi kayo nakapagdudulot para sa akin ng isang pampaligtas kung nagnais si Allāh na pagdusahin ako kaya papaanong magsasalang ako ng sarili ko sa pagdurusa sa pamamagitan ng paglikha-likha laban sa Kanya? Si Allāh ay higit na maalam sa anumang sinusuong ninyo na paninirang-puri sa Qur'ān Niya at pagtuligsa sa akin. Nakasapat na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قُلۡ مَا كُنتُ بِدۡعٗا مِّنَ ٱلرُّسُلِ وَمَآ أَدۡرِي مَا يُفۡعَلُ بِي وَلَا بِكُمۡۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ وَمَآ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkapropeta mo: "Hindi ako isang unang sugo na ipinadala ni Allāh para magtaka kayo sa paanyaya ko para sa inyo sapagkat may nauna na sa akin na maraming sugo. Hindi ako nakaaalam sa gagawin ni Allāh sa akin at hindi ako nakaaalam sa gagawin Niya sa inyo sa Mundo. Wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin kaya wala akong sinasabi at wala akong ginagawa kundi alinsunod sa ikinakasi Niya. Walang iba ako kundi isang mapagbabalang nagbababala sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh, na malinaw ang pagbabala."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَكَفَرۡتُم بِهِۦ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَلَىٰ مِثۡلِهِۦ فَـَٔامَنَ وَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung ang Qur'ān na ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito at may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel na ito ay mula sa ganang kay Allāh, ayon sa pagbatay sa nasaad sa Torah kaugnay rito kaya sumampalataya siya mismo rito samantalang nagmalaki kayo laban sa pagsampalataya rito. Hindi ba kayo, sa sandaling iyon, ay mga tagalabag sa katarungan?" Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong tagalabag sa katarungan.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَيۡرٗا مَّا سَبَقُونَآ إِلَيۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ يَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَآ إِفۡكٞ قَدِيمٞ
Nagsabi sa mga sumampalataya ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān at sa inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila: "Kung sakaling ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanang nagpapatnubay tungo sa kabutihan, hindi sana nakauna sa amin dito itong mga maralita, mga alipin, at mga mahina." Dahil sila ay hindi napatnubayan sa pamamagitan ng inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila, magsasabi sila: "Itong inihatid niya sa amin ay isang kasinungalingang luma at kami ay hindi sumusunod sa kasinungalingan."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةٗۚ وَهَٰذَا كِتَٰبٞ مُّصَدِّقٞ لِّسَانًا عَرَبِيّٗا لِّيُنذِرَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُحۡسِنِينَ
Bago pa ng Qur'ān na ito, ang Torah ay ang Kasulatan na pinababa ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang gabay na tinutularan sa katotohanan at bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at sumunod dito kabilang sa mga anak ni Israel. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay Aklat na tagapagpatotoo sa nauna rito na mga kasulatan, na nasa wikang Arabe, upang magbabala sa pamamagitan nito sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at dahil sa paggawa ng mga pagsuway. Ito ay isang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda na nagpaganda ng ugnayan nila sa Tagalikha nila at ng ugnayan nila sa nilikha Niya.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh: walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," pagkatapos nagpakatatag sila sa pananampalataya at gawang maayos, ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa Mundo ni sa naiwan nila sa likuran nila.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mamamalagi roon magpakailanman bilang ganti para sa kanila sa mga gawa nilang maayos na ipinauna nila sa Mundo.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• كل من عُبِد من دون الله ينكر على من عبده من الكافرين.
Ang bawat sinamba bukod pa kay Allāh ay magkakaila sa mga sumamba sa kanya kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.

• عدم معرفة النبي صلى الله عليه وسلم بالغيب إلا ما أطلعه الله عليه منه.
Ang kawalan ng kaalaman ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Lingid, maliban sa ipinabatid ni Allāh sa kanya.

• وجود ما يثبت نبوّة نبينا صلى الله عليه وسلم في الكتب السابقة.
Ang pagkakaroon ng nagpapatibay sa pagkapropeta ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga kasulatang nauna.

• بيان فضل الاستقامة وجزاء أصحابها.
Ang paglilinaw sa kainaman ng pagpapakatatag at sa ganti sa mga nagsagawa nito.

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ إِحۡسَٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهٗا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهٗاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَٰلُهُۥ ثَلَٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِي فِي ذُرِّيَّتِيٓۖ إِنِّي تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَإِنِّي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng kamatayan nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ang haba nito at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa nang umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, ibuyo Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, ibuyo Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko; tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo, na mga sumusuko sa mga utos Mo."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنۡهُمۡ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَنَتَجَاوَزُ عَن سَيِّـَٔاتِهِمۡ فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَعۡدَ ٱلصِّدۡقِ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Ang mga iyon ay ang mga tatanggap Kami buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila na mga gawaing maayos at magpapalampas Kami sa mga masagwang gawa nila kaya hindi kami maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Sila ay nasa kabuuan ng mga maninirahan sa Paraiso. Ang pangakong ito na ipinangako sa kanila ay isang pangako ng katapatan na magkakatotoo nang walang pasubali.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَٱلَّذِي قَالَ لِوَٰلِدَيۡهِ أُفّٖ لَّكُمَآ أَتَعِدَانِنِيٓ أَنۡ أُخۡرَجَ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلۡقُرُونُ مِن قَبۡلِي وَهُمَا يَسۡتَغِيثَانِ ٱللَّهَ وَيۡلَكَ ءَامِنۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ فَيَقُولُ مَا هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Ang nagsabi sa mga magulang niya: "Buwisit kayong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako mula sa libingan ko na isang buhay matapos ng kamatayan ko gayong lumipas na ang maraming salinlahi at namatay ang mga tao sa mga iyon ngunit walang binuhay na muli na isa man kabilang sa kanila?" Ang mga magulang niya naman ay humihingi ng saklolo mula kay Allāh na patnubayan ang anak nilang dalawa sa pananampalataya samantalang nagsasabi silang dalawa sa anak nila: "Kapahamakan ay ukol sa iyo; kung hindi ka sumampalataya sa pagbubuhay, sampalatayanan mo ito! Tunay na ang pangako ni Allāh na pagbubuhay ay totoo, walang pag-aalinlangan dito." Ngunit magsasabi siya habang nag-uulit ng pagkakaila niya sa pagbubuhay: "Walang iba itong sinasabi tungkol sa pagbubuhay kundi isang ipinarating mula sa mga aklat ng mga naunang tao at isinatitik nila, na hindi napatutunayang buhat kay Allāh."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ
Ang mga iyon ay ang mga kinailangan para sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunan bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi yayamang nagpalugi sila ng mga sarili nila at mga mag-anak nila dahil sa pagpasok nila sa Apoy.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۖ وَلِيُوَفِّيَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Para sa kapwa pangkat, ang pangkat ng Hardin at ang pangkat ng Liyab, ay may mga baytang alinsunod sa mga gawain nila. Ang mga baytang ng mga maninirahan sa Hardin ay mga antas na mataas at ang mga baytang ng mga maninirahan sa Apoy ay mga kababaang mababa, at upang tumumbas sa kanila si Allāh ng ganti sa mga gawa nila habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pagdagdag sa mga masagwang gawa nila.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَيِّبَٰتِكُمۡ فِي حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنۡيَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at panunumbat: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo na Mundo at nagtamasa kayo roon ng mga minamasarap. Kaya tungkol naman sa araw na ito, gagantihan kayo ng pagdurusa na manghahamak sa inyo at mang-aaba sa inyo dahilan sa pagpapakamalaki ninyo sa lupa nang walang karapatan at dahilan sa paglabas ninyo sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• بيان مكانة بِرِّ الوالدين في الإسلام، بخاصة في حق الأم، والتحذير من العقوق.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng pagpapakabuti sa mga magulang sa Islām, lalo na sa panig ng ina, at ang pagbabala laban sa kasutilan [sa mga magulang].

• بيان خطر التوسع في ملاذّ الدنيا؛ لأنها تشغل عن الآخرة.
Ang paglilinaw sa panganib ng pagpapalawak sa mga minamasarap sa Mundo dahil ang mga ito ay nakaaabala palayo sa Kabilang-buhay.

• بيان الوعيد الشديد لأصحاب الكبر والفسوق.
Ang paglilinaw sa matinding banta para sa mga sangkot sa pagmamalaki at kasuwailan.

۞ وَٱذۡكُرۡ أَخَا عَادٍ إِذۡ أَنذَرَ قَوۡمَهُۥ بِٱلۡأَحۡقَافِ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلنُّذُرُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦٓ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Banggitin mo, O Sugo, si Hūd na kapatid ng `Ād sa kaangkanan nang nagbabala siya sa mga kalipi niya laban sa pagkaganap ng pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila samantalang sila ay nasa mga tahanan nila sa Al-Aḥqāf sa dakong Timog ng Peninsula ng Arabya. Nagdaan na ang mga sugo bilang mga tagapagbabala sa mga tao nila bago ni Hūd at matapos niya, na mga nagsasabi sa mga tao nila: "Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh lamang, kaya huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi ko, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَأۡفِكَنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Dumating ka ba sa amin upang magbaling ka sa amin palayo sa pagsamba sa mga diyos namin? Hindi mangyayari sa iyo iyon. Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa, kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قَالَ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
Nagsabi siya: "Tanging ang kaalaman sa oras ng pagdurusa ay nasa ganang kay Allāh at ako ay walang kaalaman hinggil doon. Ako ay isang sugong nagpapaabot lamang sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang. Ang may kapakinabangan sa inyo ay iniiwan ninyo at ang may kapinsalaan sa inyo ay pinupuntahan ninyo."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
فَلَمَّا رَأَوۡهُ عَارِضٗا مُّسۡتَقۡبِلَ أَوۡدِيَتِهِمۡ قَالُواْ هَٰذَا عَارِضٞ مُّمۡطِرُنَاۚ بَلۡ هُوَ مَا ٱسۡتَعۡجَلۡتُم بِهِۦۖ رِيحٞ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Kaya noong dumating sa kanila ang minadali nila na pagdurusa at nakakita sila niyon na isang ulap na nakaharang sa dako ng langit na nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: "Ito ay isang ulap na magpapatama sa atin ng ulan." Nagsabi sa kanila si Hūd: "Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay ninyo na iyon ay ulap na magpapaulan sa inyo; bagkus iyon ay ang pagdurusang minadali ninyo sapagkat iyon ay isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang nakasasakit."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيۡءِۭ بِأَمۡرِ رَبِّهَا فَأَصۡبَحُواْ لَا يُرَىٰٓ إِلَّا مَسَٰكِنُهُمۡۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Wawasak ito sa bawat bagay na dinaanan nito kabilang sa ipinag-utos ni Allāh na ipahamak, kaya sila ay magiging mga napahamak. Walang makikita kundi ang mga bahay nila na sila dati ay nakatira sa mga iyon habang mga sumasaksi sa kairalan nila sa mga iyon noon. Tulad ng ganting nakasasakit na ito gaganti sa mga salaring nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰهُمۡ فِيمَآ إِن مَّكَّنَّٰكُمۡ فِيهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعٗا وَأَبۡصَٰرٗا وَأَفۡـِٔدَةٗ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُهُمۡ وَلَآ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَيۡءٍ إِذۡ كَانُواْ يَجۡحَدُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bumaba sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا مَا حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡقُرَىٰ وَصَرَّفۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo, O mga mamamayan ng Makkah, na mga pamayanan sapagkat nagpahamak Kami sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan; at nagsarisari Kami para sa kanila ng mga katwiran at mga patotoo sa pag-asang bumalik sila palayo sa kawalang-pananampalataya nila.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
فَلَوۡلَا نَصَرَهُمُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ قُرۡبَانًا ءَالِهَةَۢۖ بَلۡ ضَلُّواْ عَنۡهُمۡۚ وَذَٰلِكَ إِفۡكُهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Kaya bakit kaya hindi nag-adya sa kanila ang mga anitong ginawa nilang mga diyos bukod pa kay Allāh, na nagpapakalapit sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagsamba at pag-aalay? Hindi nag-adya ang mga ito sa kanila nang tiyakan, bagkus nawala ang mga ito sa kanila nang pinakakailangan nila ang mga ito. Iyon ay kasinungalingan nila at paggawa-gawa nila, na minithi ng mga sarili nila: na ang mga anitong ito ay magpakinabang sa kanila at mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• لا علم للرسل بالغيب إلا ما أطلعهم ربهم عليه منه.
Walang kaalaman para sa mga sugo hinggil sa Lingid (Ghayb) maliban sa ipinabatid sa kanila ng Panginoon nila mula sa Kanya.

• اغترار قوم هود حين ظنوا العذاب النازل بهم مطرًا، فلم يتوبوا قبل مباغتته لهم.
Ang pagkalinlang ng mga kalipi ni Hūd nang nagpalagay sila na ang pagdurusang bababa sa kanila ay ulan kaya hindi sila nakapagbalik-loob bago ng pagbigla nito sa kanila.

• قوة قوم عاد فوق قوة قريش، ومع ذلك أهلكهم الله.
Ang lakas ng mga kalipi ni `Ād ay higit sa lakas ng Quraysh at sa kabila niyon ay ipinahamak sila ni Allāh.

• العاقل من يتعظ بغيره، والجاهل من يتعظ بنفسه.
Ang nakapag-uunawa ay ang napangangaralan ng iba sa kanya at ang mangmang ay ang napangangaralan ng sarili niya.

وَإِذۡ صَرَفۡنَآ إِلَيۡكَ نَفَرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوٓاْ أَنصِتُواْۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوۡاْ إِلَىٰ قَوۡمِهِم مُّنذِرِينَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsugo Kami sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān na pinababa sa iyo, saka noong dumalo sila para makinig niyon ay nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: "Tumahimik kayo upang makaya nating makinig doon." Kaya noong natapos ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagbigkas niya ay bumalik sila sa mga kalahi nila upang magbabala sila sa mga iyon laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قَالُواْ يَٰقَوۡمَنَآ إِنَّا سَمِعۡنَا كِتَٰبًا أُنزِلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِيقٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Nagsabi sila sa mga iyon: "O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat na pinababa ni Allāh nang matapos ni Moises, na nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatang pinababa mula sa ganang kay Allāh. Ang Aklat na ito na narinig namin ay gumagabay tungo sa katotohanan at nagpapatnubay tungo sa isang daang tuwid, ang daan ng Islām.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
يَٰقَوۡمَنَآ أَجِيبُواْ دَاعِيَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
O mga kalahi namin, sumagot kayo kay Muḥammad sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at sumampalataya kayo sa kanya na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, magpapatawad sa inyo si Allāh sa mga pagkakasala ninyo at magliligtas sa inyo laban sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa inyo kapag hindi kayo sumagot sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at hindi kayo sumampalataya rito na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَمَن لَّا يُجِبۡ دَاعِيَ ٱللَّهِ فَلَيۡسَ بِمُعۡجِزٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَيۡسَ لَهُۥ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءُۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Ang sinumang hindi sumagot kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ipinaanyaya nito na katotohanan ay hindi makalulusot kay Allāh sa pagtakas sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na sasagip dito mula sa pagdurusa. Ang mga iyon ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ يَعۡيَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagtambal at mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay na si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at hindi nawalang-kakayahan sa paglikha sa mga ito sa kabila ng kalakihan ng mga ito at kalawakan ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa kanila. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba itong nasasaksihan ninyo na pagdurusa ay katotohanan, o na ito ay kasinungalingan gaya ng dati ninyong sinasabi sa Mundo?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin, tunay na ito ay talagang katotohanan." Kaya sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَ مَا يُوعَدُونَ لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَٰغٞۚ فَهَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kababayan mo sa iyo tulad ng pagtitiis ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, at Jesus – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at huwag mong madaliin para sa kanila ang pagdurusa. Para bang ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila na pagdurusa sa Kabilang-buhay – ay hindi nanatili sa Mundo kundi isang oras mula sa maghapon dahil sa haba ng pagdurusa nila. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagpapaabot at isang kasapatan para sa tao at jinn kaya walang ipahahamak sa pamamagitan ng pagdurusa kundi ang mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• من حسن الأدب الاستماع إلى المتكلم والإنصات له.
Bahagi ng kagandahan ng kaasalan ang pakikinig sa nagsasalita at ang pananahimik para sa kanya.

• سرعة استجابة المهتدين من الجنّ إلى الحق رسالة ترغيب إلى الإنس.
Ang bilis ng pagtugon ng mga napatnubayan kabilang sa mga jinn sa katotohanan ay isang mensahe ng pagpapaibig sa tao.

• الاستجابة إلى الحق تقتضي المسارعة في الدعوة إليه.
Ang pagtugon sa katotohanan ay humihiling ng pagdadali-dali sa pag-aanyaya tungo roon.

• الصبر خلق الأنبياء عليهم السلام.
Ang pagtitiis ay kaasalan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan.

 
وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: سورەتی الأحقاف
پێڕستی سوره‌ته‌كان ژمارەی پەڕە
 
وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز، لە لایەن ناوەندی تەفسیر بۆ خوێندنەوە قورئانیەکان.

داخستن