വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ ഹാഖ്ഖഃ   ആയത്ത്:

Al-Hāqqah

ٱلۡحَآقَّةُ
Ang Magkakatotoo.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano ang Magkakatotoo?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Magkakatotoo?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd at ang [liping] `Ād sa Tagadagok.[667]
[667] na dadagok sa mga tao dahil sa tindi ng mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ
Kaya hinggil naman sa [liping] Thamūd, ipinahamak sila sa pamamagitan ng labis-labis [na sigaw].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ
Hinggil naman sa [liping] `Ād, ipinahamak sila sa pamamagitan ng isang hanging malamig[668] na nangangalit.
[668] O humahagunot.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ
Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga tuod ng punong datiles na hungkag.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ
Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng anumang natitira?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ
Naghatid si Paraon, ang bago niya, at ang mga [naninirahan sa mga bayang] pinagtauban ng kasalanan
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً
sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumulubha.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ
Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa nagpapatianod[669]
[669] na niyar ni Noe
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ
upang gumawa Kami nito para sa inyo bilang pagpapaalaala at magkamalay rito ang isang taingang nagkakamalay.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ
Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ
at dinala ang lupa at ang mga bundok, saka dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
sa araw na iyon ay magaganap ang Magaganap.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ
Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ
Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan, sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon, na walong [anghel].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo [para tuusin]; walang nakakukubli mula sa inyo na isang tagakubli.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ
Kaya hinggil naman sa bibigyan ng talaan [ng mga gawa] niya sa kanang kamay niya, magsasabi siya: “Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ko.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ
Tunay na ako ay nakatiyak na ako ay makikipagkita sa pagtutuos sa akin.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nalulugod,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding mataas,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ
na ang mga napipitas doon ay naaabot.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ
[Sasabihan sa kanila]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa inuna ninyo sa mga araw na nagdaan.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ
Hinggil naman sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: “O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ
at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin!
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ
O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagpawakas!
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ
Hindi nakapagpakinabang para sa akin ang yaman ko.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ
Napahamak sa akin ang kapamahalaan ko.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
خُذُوهُ فَغُلُّوهُ
[Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ
Pagkatapos sa Impiyerno ay sumunog kayo sa kanya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ
Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ
Tunay na siya dati ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ
Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
at walang pagkain kundi mula sa isang tagas ng sugat.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
at anumang hindi ninyo nakikita.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang Sugong marangal.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
Ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Hindi [ito] sinabi ng isang manghuhula. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
Kung sakaling nagsabi-sabi siya[670] laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,
[670] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
saka walang kabilang sa inyo na isa man, na para sa kanya ay mga makahahadlang [sa Amin].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
Tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapagpasinungaling.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Tunay na ito ay talagang isang [dahilan ng] panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ ഹാഖ്ഖഃ
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ ആശയ വിവർത്തനം ഫിലിപ്പീനി (ടാഗലോഗ്) ഭാഷയിൽ, റുവ്വാദ് തർജമ കേന്ദ്രം വിഭാഗം, ഇസ്‌ലാം ഹൌസ് വെബ്‌സൈറ്റിന്റെ (www.islamhouse.com) സഹകരണത്തോടെ നിർവഹിച്ച പരിഭാഷ.

അടക്കുക