Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Surah: Suratu Al-Anbiyaa   Versículo:

Al-Anbiyā’

Dos propósitos do capítulo:
إثبات الرسالة وبيان وحدة غاية الأنبياء وعناية الله بهم.
Ang pagtitibay sa mensahe, ang paglilinaw sa kaisahan ng layon ng mga propeta, at ang pangangalaga ni Allāh sa kanila.

ٱقۡتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمۡ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ مُّعۡرِضُونَ
Lumapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila sa mga gawa nila sa Araw ng Pagbangon habang sila ay nasa isang pagkalingat na mga umaayaw sa Kabilang-buhay dahil sa pagkakaabala nila sa Mundo sa halip niyon.
Os Tafssir em língua árabe:
مَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّن رَّبِّهِم مُّحۡدَثٍ إِلَّا ٱسۡتَمَعُوهُ وَهُمۡ يَلۡعَبُونَ
Walang pumupunta sa kanila mula sa Qur'ān mula sa Panginoon nila, na bago ang pagbaba, malibang nakikinig sila rito ayon sa pagdinig na hindi nagpapakinabang, bagkus ayon sa pagdinig ng paglalaro, habang mga hindi pumapansin sa anumang narito.
Os Tafssir em língua árabe:
لَاهِيَةٗ قُلُوبُهُمۡۗ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ هَلۡ هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡۖ أَفَتَأۡتُونَ ٱلسِّحۡرَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
Nakinig sila nito habang ang mga puso nila ay nalilingat dito. Nagkubli ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng pag-uusap na nagtatapatan sila roon habang mga nagsasabi: "Ito kayang nag-aangkin na siya ay isang sugo ay maliban pa sa isang taong tulad ninyo, na walang pagkatangi sa kanya sa inyo? Ang inihatid niya ay isang panggagaway. Kaya susunod ba kayo sa kanya samantalang kayo ay nakatatalos na siya ay isang taong tulad ninyo at na ang inihatid niya ay isang panggagaway?"
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ رَبِّي يَعۡلَمُ ٱلۡقَوۡلَ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa anumang ikinubli ninyo na pag-uusap sapagkat Siya ay nakaaalam sa bawat sinasabing namumutawi mula tagapagsabi nito sa mga langit at sa lupa. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito."
Os Tafssir em língua árabe:
بَلۡ قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمِۭ بَلِ ٱفۡتَرَىٰهُ بَلۡ هُوَ شَاعِرٞ فَلۡيَأۡتِنَا بِـَٔايَةٖ كَمَآ أُرۡسِلَ ٱلۡأَوَّلُونَ
Bagkus nag-atubili sila sa pumapatungkol sa ihinatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Kaya minsan, nagsabi sila: "Mga maling panaginip na nagkahalu-halo, na walang pagpapakahulugan para sa mga ito." Nagsabi naman sila minsan: "Hindi; bagkus lumikha-likha siya nito, na hindi ito nagkaroon ng pinagmulan." Nagsabi pa sila minsan: "Siya ay isang manunula. Kung siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya, maghatid siya sa atin ng isang himalang tulad ng sa mga sinauna kabilang mga sugo sapagkat naghatid nga sila ng mga himala, tulad ng tungkod ni Moises at dumalagang kamelyo ni Ṣāliḥ."
Os Tafssir em língua árabe:
مَآ ءَامَنَتۡ قَبۡلَهُم مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَآۖ أَفَهُمۡ يُؤۡمِنُونَ
Walang sumampalataya bago ng mga tagamungkahing ito na isang pamayanang nagmungkahi ng pagbaba ng mga tanda kaya nabigyan ang mga iyan ng mga iyon gaya ng iminungkahi ng mga iyan; bagkus nagpasinungaling ang mga iyan sa mga iyon kaya nagpahamak Kami sa mga iyan. Kaya sasampalataya ba ang mga ito?
Os Tafssir em língua árabe:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Hindi Kami nagpadala bago mo, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao na nagkakasi Kami sa kanila. Hindi Kami nagpadala sa kanila bilang mga anghel. Kaya magtanong kayo sa mga may kasulatan bago pa ninyo kung kayo ay hindi nakaaalam niyon.
Os Tafssir em língua árabe:
وَمَا جَعَلۡنَٰهُمۡ جَسَدٗا لَّا يَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَمَا كَانُواْ خَٰلِدِينَ
Hindi Kami gumawa sa mga sugo na isinugo Namin bilang mga may katawang hindi kumakain ng pagkain, bagkus kumakain sila kung paanong kumakain ang mga iba. Hindi sila naging mga nananatili sa Mundo nang hindi namamatay.
Os Tafssir em língua árabe:
ثُمَّ صَدَقۡنَٰهُمُ ٱلۡوَعۡدَ فَأَنجَيۡنَٰهُمۡ وَمَن نَّشَآءُ وَأَهۡلَكۡنَا ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Pagkatapos ay nagsakatuparan Kami sa mga sugo Namin ng ipinangako Namin sa kanila yayamang sumagip Kami sa kanila at sumagip Kami sa sinumang niloob Namin kabilang sa mga mananampalataya mula sa kapahamakan. Ipinahamak ang mga lumalampas sa hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at paggawa nila ng mga pagsuway.
Os Tafssir em língua árabe:
لَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ كِتَٰبٗا فِيهِ ذِكۡرُكُمۡۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng Qur'ān na narito ang dangal ninyo at ang ikararangal ninyo kung nagpatotoo kayo rito at gumawa kayo ayon sa narito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magmadali kayo tungo sa pagsampalataya rito at paggawa ayon sa nilaman nito?
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• قُرْب القيامة مما يستوجب الاستعداد لها.
Ang lapit ng pagsapit ng [Araw ng] Pagbangon [ng mga patay], na kabilang sa nag-oobliga ng paghahanda para roon.

• انشغال القلوب باللهو يصرفها عن الحق.
Ang pagkaabala ng mga puso sa paglilibang ay nagpapabaling sa mga ito palayo sa katotohanan.

• إحاطة علم الله بما يصدر من عباده من قول أو فعل.
Ang pagkakasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa anumang namumutawi mula sa mga lingkod Niya na sinasabi o ginagawa.

• اختلاف المشركين في الموقف من النبي صلى الله عليه وسلم يدل على تخبطهم واضطرابهم.
Ang pagkakaiba-iba ng mga tagapagtambal sa saloobin nila sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nagpapatunay sa pagkatuliro nila at pagkalito nila.

• أن الله مع رسله والمؤمنين بالتأييد والعون على الأعداء.
Na si Allāh ay kasama ng mga sugo Niya at mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-alalay at pagtulong laban sa mga kaaway.

• القرآن شرف وعز لمن آمن به وعمل به.
Ang Qur'ān ay dangal at dignidad para sa sinumang sumampalataya rito at gumawa ayon dito.

وَكَمۡ قَصَمۡنَا مِن قَرۡيَةٖ كَانَتۡ ظَالِمَةٗ وَأَنشَأۡنَا بَعۡدَهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ
Anong dami ang mga pamayanang ipinahamak Namin, dahilan sa kawalang-katarungan ng mga ito at sa kawalang-pananampalataya, at nilikha Namin matapos ng mga ito na mga taong iba pa.
Os Tafssir em língua árabe:
فَلَمَّآ أَحَسُّواْ بَأۡسَنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَرۡكُضُونَ
Kaya noong nakasaksi ang mga ipapahamak sa pumupuksang pagdurusang dulot Namin, biglang sila mula sa pamayanan nila ay nagmamadali sa pagtakas mula sa kapahamakan.
Os Tafssir em língua árabe:
لَا تَرۡكُضُواْ وَٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰ مَآ أُتۡرِفۡتُمۡ فِيهِ وَمَسَٰكِنِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡـَٔلُونَ
Kaya tatawagin sila sa pamamaraan ng panunuya: "Huwag kayong tumakas at bumalik kayo sa taglay ninyo noon na pagpapakaginhawa at mga minamasarap ninyo at sa mga tirahan ninyo, nang sa gayon kayo ay tatanungin ng anuman mula sa kamunduhan ninyo."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Magsasabi ang mga tagalabag sa katarungan na ito habang mga umaamin sa pagkakasala nila: "O kapahamakan sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya Namin kay Allāh."
Os Tafssir em língua árabe:
فَمَا زَالَت تِّلۡكَ دَعۡوَىٰهُمۡ حَتَّىٰ جَعَلۡنَٰهُمۡ حَصِيدًا خَٰمِدِينَ
Saka hindi natigil na ang pag-amin nila ng pagkakasala nila at ang pagdalangin nila laban sa mga sarili nila ng kapahamakan ay ang panawagan nilang inuulit-ulit nila hanggang sa ginawa Namin sila tulad ng pananim na inani, bilang mga patay na walang pagkilos sa kanila.
Os Tafssir em língua árabe:
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ
Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang paglalaro at bilang paglilikot, bagkus lumikha Kami ng dalawang ito para sa pagpapatunay sa kakayahan Namin.
Os Tafssir em língua árabe:
لَوۡ أَرَدۡنَآ أَن نَّتَّخِذَ لَهۡوٗا لَّٱتَّخَذۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّآ إِن كُنَّا فَٰعِلِينَ
Kung sakaling nagnais Kaming gumawa ng isang asawa o isang anak ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa taglay Namin, at hindi nangyaring Kami ay gagawa niyon dahil sa pagkawalang-kaugnayan Namin doon.
Os Tafssir em língua árabe:
بَلۡ نَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَى ٱلۡبَٰطِلِ فَيَدۡمَغُهُۥ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٞۚ وَلَكُمُ ٱلۡوَيۡلُ مِمَّا تَصِفُونَ
Bagkus bumabato Kami ng katotohanan, na ikinakasi Namin sa Sugo Namin, sa kabulaanan ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya kaya nagpapabula ito roon kaya biglang ang kabulaanan nila ay umaalis na naglalaho. Ukol sa inyo, o mga tagapagsabi ng pagkakaroon Niya ng asawa at anak, ang kapahamakan dahil sa paglalarawan ninyo sa Kanya ng hindi naaangkop sa Kanya.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَنۡ عِندَهُۥ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَلَا يَسۡتَحۡسِرُونَ
Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – tanging sa Kanya ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Ang mga nasa piling Niya na mga anghel ay hindi nagpapakamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi napapagod doon.
Os Tafssir em língua árabe:
يُسَبِّحُونَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لَا يَفۡتُرُونَ
Nagsisigasig sila sa pagluluwalhati kay Allāh palagi; hindi sila nagsasawa roon.
Os Tafssir em língua árabe:
أَمِ ٱتَّخَذُوٓاْ ءَالِهَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ هُمۡ يُنشِرُونَ
Bagkus gumawa ang mga tagapagtambal ng mga diyos bukod pa kay Allāh, na hindi nagbibigay-buhay ng mga patay kaya papaanong sumasamba sila sa walang-kakayahan doon?
Os Tafssir em língua árabe:
لَوۡ كَانَ فِيهِمَآ ءَالِهَةٌ إِلَّا ٱللَّهُ لَفَسَدَتَاۚ فَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kung sakaling sa mga langit at lupa ay may mga sinasambang marami na iba pa kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito dahil sa pag-aalitan ng mga sinasamba sa Kaharian. Ang reyalidad ay kasalungatan niyon sapagkat nagpawalang-kaugnayan si Allāh, ang Panginoon ng Trono, sa mga inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal na isang kasinungalingan na mayroon daw Siyang mga katambal.
Os Tafssir em língua árabe:
لَا يُسۡـَٔلُ عَمَّا يَفۡعَلُ وَهُمۡ يُسۡـَٔلُونَ
Si Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at pagtatadhana Niya, ay hindi tinatanong ng isa man tungkol sa anumang itinakda Niya at itinadhana Niya samantalang Siya ay magtatanong sa mga lingkod Niya tungkol sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Os Tafssir em língua árabe:
أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡۖ هَٰذَا ذِكۡرُ مَن مَّعِيَ وَذِكۡرُ مَن قَبۡلِيۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٱلۡحَقَّۖ فَهُم مُّعۡرِضُونَ
Bagkus gumawa sila bukod pa kay Allāh ng mga sinasamba. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa pagiging karapat-dapat ng mga iyon para sa pagsamba sapagkat itong Aklat na pinababa sa akin at ang mga kasulatang pinababa sa mga sugo ay walang katwiran para sa inyo sa mga iyon. Bagkus ang karamihan sa mga tagapagtambal ay hindi bumabatay kundi sa kamangmangan at panggagaya, kaya sila ay mga tagaayaw sa pagtanggap sa katotohanan."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• الظلم سبب في الهلاك على مستوى الأفراد والجماعات.
Ang kawalang-katarungan ay isang kadahilanan sa kapahamakan sa antas ng mga indibiduwal at mga pangkat.

• ما خلق الله شيئًا عبثًا؛ لأنه سبحانه مُنَزَّه عن العبث.
Hindi lumikha si Allāh ng anuman nang walang-kabuluhan dahil Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpawalang-kaugnayan sa kawalang-kabuluhan.

• غلبة الحق، ودحر الباطل سُنَّة إلهية.
Ang pananaig ng katotohanan at ang pagkagapi ng kabulaanan ay isang kalakarang makadiyos.

• إبطال عقيدة الشرك بدليل التَّمَانُع.
Ang pagpapabula sa paniniwala sa shirk sa pamamagitan ng patunay ng pagsasalungatan [ng mga diyos kung hindi iisa ang Diyos].

وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِيٓ إِلَيۡهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدُونِ
Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, ng isang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin lamang at huwag kayong magtambal sa Akin ng anuman.
Os Tafssir em língua árabe:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۚ بَلۡ عِبَادٞ مُّكۡرَمُونَ
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Nagpawalang-kaugnayan Siya – kaluwalhatian sa Kanya at kabanal-banalan Siya – palayo sa sinasabi nila na kasinungalingan; bagkus ang mga anghel ay mga lingkod para Allāh, na mga pinarangalan Niya, na mga inilapit sa Kanya.
Os Tafssir em língua árabe:
لَا يَسۡبِقُونَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ وَهُم بِأَمۡرِهِۦ يَعۡمَلُونَ
Hindi sila nangunguna sa Panginoon nila sa pagsabi sapagkat hindi sila bumibigkas hanggang sa mag-utos Siya sa kanila samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa kaya hindi sila sumasalungat sa Kanya sa isang utos.
Os Tafssir em língua árabe:
يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يَشۡفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرۡتَضَىٰ وَهُم مِّنۡ خَشۡيَتِهِۦ مُشۡفِقُونَ
Nakaaalam Siya sa nauuna sa mga gawain nila at sa kasunod sa mga ito. Hindi sila humihiling ng Pamamagitan malibang ayon sa pahintulot Niya para sa sinumang kinalugdan Niya ang pamamagitan para roon. Sila dahil sa pangamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay mga nangingilag, kaya hindi sila sumasalungat sa Kanya sa isang utos ni isang saway.
Os Tafssir em língua árabe:
۞ وَمَن يَقُلۡ مِنۡهُمۡ إِنِّيٓ إِلَٰهٞ مِّن دُونِهِۦ فَذَٰلِكَ نَجۡزِيهِ جَهَنَّمَۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa mga anghel bilang pagpapalagay: "Tunay na ako ay sinasamba bukod pa kay Allāh," tunay na Kami ay gaganti sa kanya, dahil sa sabi niya, ng pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon bilang mamamalagi roon. Tulad ng ganting ito gagantihan ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ كَانَتَا رَتۡقٗا فَفَتَقۡنَٰهُمَاۖ وَجَعَلۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ كُلَّ شَيۡءٍ حَيٍّۚ أَفَلَا يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na ang mga langit at ang lupa dati ay magkakadikit-dikit na walang puwang sa pagitan ng mga ito para bumaba mula rito ang ulan, saka nagpahiwalay Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig na bumababa mula sa langit patungo sa lupa ng bawat bagay na hayop at halaman. Kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang niyon at sumasampalataya kay Allāh lamang?
Os Tafssir em língua árabe:
وَجَعَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِهِمۡ وَجَعَلۡنَا فِيهَا فِجَاجٗا سُبُلٗا لَّعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
Lumikha Kami sa lupa ng mga bundok na matibay upang hindi yumanig ito kasama sa sinumang nasa ibabaw nito. Gumawa Kami rito ng mga tinatahak at mga daang maluwag nang sa gayon sila ay mapapatnubayan sa mga paglalakbay nila tungo sa mga pakay nila.
Os Tafssir em língua árabe:
وَجَعَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ سَقۡفٗا مَّحۡفُوظٗاۖ وَهُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهَا مُعۡرِضُونَ
Gumawa Kami ng langit bilang bubong na pinangangalagaan laban sa pagbagsak, nang walang tukod, na pinangangalagaan laban sa panakaw na pakikinig [ng mga jinn], samantalang ang mga tagapagtambal naman, sa nasa langit na mga tanda gaya ng araw at buwan, ay mga tagaayaw na hindi nagsasaalang-alang.
Os Tafssir em língua árabe:
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ
Si Allāh lamang ay ang lumikha ng gabi para sa kapahingahan, lumikha ng maghapon para sa pagkamit ng ikabubuhay, at lumikha ng araw bilang palatandaan sa maghapon at ng buwan bilang palatandaan sa gabi; bawat [isa] sa araw at buwan ay umiinog sa ikutan nitong natatangi rito, nang hindi lumilihis dito ni kumikiling.
Os Tafssir em língua árabe:
وَمَا جَعَلۡنَا لِبَشَرٖ مِّن قَبۡلِكَ ٱلۡخُلۡدَۖ أَفَإِيْن مِّتَّ فَهُمُ ٱلۡخَٰلِدُونَ
Hindi Kami gumawa para sa isa kabilang sa mga tao bago mo, O Sugo, ng pamamalagi sa buhay na ito. Kaya ba kung natapos ang taning mo sa buhay na ito at namatay, ang mga ito ay ang mga mamamalagi matapos mo? Aba'y hindi!
Os Tafssir em língua árabe:
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَنَبۡلُوكُم بِٱلشَّرِّ وَٱلۡخَيۡرِ فِتۡنَةٗۖ وَإِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ
Bawat kaluluwang mananampalataya o tagatangging sumampalataya ay lalasap ng kamatayan sa Mundo. Susubok Kami sa inyo, O mga tao, sa buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga pag-aatang ng tungkulin, mga biyaya, at mga kamalasan. Pagkatapos, matapos ng kamatayan ninyo ay tungo sa Amin – hindi tungo sa iba pa sa Amin – pababalikin kayo para gumanti Kami sa inyo sa mga gawa ninyo.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• تنزيه الله عن الولد.
Ang pagwawalang-kaugnayan ni Allāh sa anak.

• منزلة الملائكة عند الله أنهم عباد خلقهم لطاعته، لا يوصفون بالذكورة ولا الأنوثة، بل عباد مكرمون.
Ang kalagayan ng mga anghel sa ganang kay Allāh, na sila ay mga lingkod na nilikha Niya para sa pagtalima sa Kanya. Hindi sila nailalarawan sa pagkalalaki o pagkababae, bagkus sila ay mga lingkod na pinarangalan.

• خُلِقت السماوات والأرض وفق سُنَّة التدرج، فقد خُلِقتا مُلْتزِقتين، ثم فُصِل بينهما.
Nilikha ang mga langit at ang lupa ayon sa kalakaran ng pag-uunti-unti sapagkat nilikha ang mga ito na magkakadikit-dikit, pagkatapos pinaghiwa-hiwalay ang mga ito.

• الابتلاء كما يكون بالشر يكون بالخير.
Ang pagsubok, kung paanong nangyayari sa pamamagitan ng kasamaan, ay nangyayari rin sa pamamagitan ng kabutihan.

وَإِذَا رَءَاكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي يَذۡكُرُ ءَالِهَتَكُمۡ وَهُم بِذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Kapag nakita ka, O Sugo, ng mga tagapagtambal na ito ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang panunuya habang mga nagpapalayo ng loob ng mga tagasunod nila sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Ito ba ay ang nang-aalipusta sa mga diyos ninyo na sinasamba ninyo?" Sila, kalakip ng panunuya sa iyo, ay mga tagapagkaila sa pinababa ni Allāh sa kanila mula Qur'ān. Sa ibinigay Niya sa kanila na mga biyaya ay mga tagatangging magpasalamat kaya sila ay higit na nararapat sa pamimintas dahil sa pagkakaipon sa kanila ng bawat kasagwaan.
Os Tafssir em língua árabe:
خُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ مِنۡ عَجَلٖۚ سَأُوْرِيكُمۡ ءَايَٰتِي فَلَا تَسۡتَعۡجِلُونِ
Isinakalikasan ang tao sa pagmamadali kaya siya ay nagmamadali sa mga pangyayari bago ng pagkaganap ng mga ito. Kabilang doon ang pagmamadali ng mga tagapagtambal para sa pagdurusa. Magpapakita Ako sa inyo, O mga tagapagmadali sa pagdudulot Ko ng pagdurusa, ng minadali ninyo kaya huwag kayong humiling ng madaliin iyon.
Os Tafssir em língua árabe:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na mga nagkakaila sa pagbubuhay bunsod ng pagmamadali: "Kailan mangyayari ang ipinangangako ninyo sa amin, O mga Muslim, na pagbubuhay kung kayo ay mga tapat sa anumang inaangkin ninyo na pangyayari nito?"
Os Tafssir em língua árabe:
لَوۡ يَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَن وُجُوهِهِمُ ٱلنَّارَ وَلَا عَن ظُهُورِهِمۡ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
Kung sakaling nakaaalam itong mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay kapag hindi sila nakapagtataboy sa apoy palayo sa mga mukha nila ni palayo sa mga likod nila, at na walang tagapag-adyang mag-aadya sa kanila sa pagtulak sa pagdurusa palayo sa kanila, kung sakaling nakapagtiyak sila niyon ay hindi sila magmamadali ng pagdurusa.
Os Tafssir em língua árabe:
بَلۡ تَأۡتِيهِم بَغۡتَةٗ فَتَبۡهَتُهُمۡ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
Hindi pupunta sa kanila ang apoy na ito na pagdurusahin sila sa pamamagitan nito ayon sa isang kaalaman mula sa kanila, bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito ni sila ay makapagpapaliban hanggang sa makapagbalik-loob sila para umabot sa kanila ang awa.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُواْ مِنۡهُم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talagang kung nanuya sa iyo ang mga kababayan mo, ikaw ay hindi kauna-unahan doon sapagkat nangutya na sa mga sugo bago mo pa, O Sugo, kaya pumaligid sa mga tagatangging sumampalataya na dating nanuya sa kanila ang pagdurusang dati nilang kinukutya sa Mundo kapag nagpapangamba sa kanila niyon ang mga sugo nila.
Os Tafssir em língua árabe:
قُلۡ مَن يَكۡلَؤُكُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ مِنَ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ بَلۡ هُمۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِم مُّعۡرِضُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmadaling ito sa pagdurusa: "Sino ang mangangalaga sa inyo sa gabi at maghapon laban sa anumang ninanais sa inyo ng Napakamaawain na pagpapababa ng pagdurusa at kapahamakan sa inyo?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa mga pangaral ng Panginoon nila at mga katwiran Niya, ay mga tagaayaw. Hindi sila nagbubulay-bulay ng anuman mula sa mga ito dala ng kamangmangan at kahunghangan.
Os Tafssir em língua árabe:
أَمۡ لَهُمۡ ءَالِهَةٞ تَمۡنَعُهُم مِّن دُونِنَاۚ لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَ أَنفُسِهِمۡ وَلَا هُم مِّنَّا يُصۡحَبُونَ
O mayroon kaya silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila laban sa pagdurusang dulot Namin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtulak sa pinsala palayo sa mga ito at sa paghatak ng pakinabang para sa mga ito. Ang sinumang hindi nakapag-aadya sa sarili niya ay papaanong mag-aadya sa iba sa kanya? Sila ay hindi makakandili laban sa pagdurusang dulot Namin.
Os Tafssir em língua árabe:
بَلۡ مَتَّعۡنَا هَٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ طَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۗ أَفَلَا يَرَوۡنَ أَنَّا نَأۡتِي ٱلۡأَرۡضَ نَنقُصُهَا مِنۡ أَطۡرَافِهَآۚ أَفَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
Bagkus nagpaginhawa Kami sa mga tagatangging sumampalataya na ito at sa mga magulang nila sa pamamagitan ng ipinaluwag Namin sa kanila mula sa mga biyaya Namin bilang pagpapain para sa kanila hanggang sa tumagal-tagal sa kanila ang panahon kaya nalinlang sila dahil doon at nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila. Kaya hindi ba nakakikita ang mga nalinlang na ito dahil sa mga biyaya Namin, na mga nagmamadali sa pagdurusang dulot Namin, na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga tagiliran nito sa pamamagitan ng paggapi Namin sa mga naninirahan dito at pananaig Namin sa kanila. Kaya magsaalang-alang sila niyon upang hindi maganap sa kanila ang naganap sa iba pa sa kanila! Ang mga ito ay hindi mga mananaig, bagkus sila ay mga madadaig."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• بيان كفر من يستهزئ بالرسول، سواء بالقول أو الفعل أو الإشارة.
Ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya ng sinumang nangungutya sa Sugo, sa salita o sa gawa o sa pahiwatig.

• من طبع الإنسان الاستعجال، والأناة خلق فاضل.
Bahagi ng kalikasan ng tao ang pagmamadali. Ang paghihinay-hinay ay isang kaasalang nakalalamang.

• لا يحفظ من عذاب الله إلا الله.
Walang nakapangangalaga laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kundi si Allāh.

• مآل الباطل الزوال، ومآل الحق البقاء.
Ang kauuwian ng kabulaanan ay ang paglaho at ang kauuwian ng katotohanan ay ang pananatili.

قُلۡ إِنَّمَآ أُنذِرُكُم بِٱلۡوَحۡيِۚ وَلَا يَسۡمَعُ ٱلصُّمُّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا مَا يُنذَرُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Nagpapangamba lamang ako sa inyo, O mga tao, sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi na ikinakasi sa akin ng Panginoon ko." Hindi nakaririnig ang mga bingi sa katotohanan, na hindi sila dumadalangin sa Kanya ayon sa pagkadinig ng pagtanggap, kapag pinangamba sila sa pagdurusang dulot ni Allāh."
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَئِن مَّسَّتۡهُمۡ نَفۡحَةٞ مِّنۡ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Talagang kung nasaling ang mga tagapagmadaling ito ng pagdurusa ng isang bahagi mula sa pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila sa sandaling iyon: "O kapahamakan nmin at kalugihan namin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pagpapasinungaling sa inihatid ni Muḥammad." Pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Os Tafssir em língua árabe:
وَنَضَعُ ٱلۡمَوَٰزِينَ ٱلۡقِسۡطَ لِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَلَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗاۖ وَإِن كَانَ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٍ أَتَيۡنَا بِهَاۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَٰسِبِينَ
Magtutukod Kami ng mga timbangang makatarungan para sa mga tao sa [Araw ng] Pagbangon upang timbangin sa pamamagitan ng mga ito ang mga gawa nila, kaya hindi lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon ang isang kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nito o pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito. Kung ang natimbang ay kaunti tulad ng tinitimbang ng isang buto ng mustasa, magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang tagapag-isa-isa; mag-iisa-isa Kami ng mga gawa ng mga lingkod Namin.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ٱلۡفُرۡقَانَ وَضِيَآءٗ وَذِكۡرٗا لِّلۡمُتَّقِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, ng isang kapatnubayan para sa sinumang sumampalataya rito, at ng isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila,
Os Tafssir em língua árabe:
ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَهُم مِّنَ ٱلسَّاعَةِ مُشۡفِقُونَ
na nangangamba sa parusa ng Panginoon nila na sinasampalatayanan nila gayong sila ay hindi naman nakasaksi sa Kanya at sila sa Huling Sandali ay mga nangangamba.
Os Tafssir em língua árabe:
وَهَٰذَا ذِكۡرٞ مُّبَارَكٌ أَنزَلۡنَٰهُۚ أَفَأَنتُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ
Itong Qur'ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang paalaala para sa sinumang nagnais na magsaalaala nito, at isang pangangaral na marami ang pakinabang at ang kabutihan. Kaya kayo ba rito sa kabila niyon ay mga tagapagkaila, na hindi mga kumikilala sa nasaad dito, ni mga gumagawa ayon dito?
Os Tafssir em língua árabe:
۞ وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ إِبۡرَٰهِيمَ رُشۡدَهُۥ مِن قَبۡلُ وَكُنَّا بِهِۦ عَٰلِمِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng katwiran laban sa mga kababayan niya noong pagkabata niya. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam kaya nagbigay Kami sa kanya ng anumang nagiging karapat-dapat sa kanya sa kaalaman Namin na katwiran laban sa mga kababayan niya.
Os Tafssir em língua árabe:
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا هَٰذِهِ ٱلتَّمَاثِيلُ ٱلَّتِيٓ أَنتُمۡ لَهَا عَٰكِفُونَ
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niyang si Āzar at sa mga kababayan niya: "Ano ang mga anitong ito na niyari ninyo sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at na kayo sa mga ito ay mga nananatili sa pagsamba sa mga ito?"
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا لَهَا عَٰبِدِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sumasamba sa mga ito kaya sumamba kami sa mga ito bilang pagtulad sa kanila."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ لَقَدۡ كُنتُمۡ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمۡ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Nagsabi sa kanila si Abraham: "Talaga ngang kayo, O mga tagasunod, mismo at ang mga ninuno ninyong mga sinusunod ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا بِٱلۡحَقِّ أَمۡ أَنتَ مِنَ ٱللَّٰعِبِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Naghatid ka ba sa amin ng kaseryosohan nang nagsabi ka ng sinabi mo, o ikaw ay kabilang sa mga tagapagbiro?"
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ بَل رَّبُّكُمۡ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا۠ عَلَىٰ ذَٰلِكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Nagsabi si Abraham: "Bagkus naghatid ako sa inyo ng kaseryosohan hindi ng pagbibiro sapagkat ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumikha sa mga ito ayon sa walang pagkakatulad na nauna. Ako ay ayon na Siya ay Panginoon ninyo at Panginoon ng mga langit at lupa, at kabilang sa mga tagasaksi. Ang mga anito ninyo ay walang bahagi mula roon."
Os Tafssir em língua árabe:
وَتَٱللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصۡنَٰمَكُم بَعۡدَ أَن تُوَلُّواْ مُدۡبِرِينَ
Nagsabi si Abraham sa kung saan hindi nakaririnig sa kanya ang mga kababayan niya: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga anito ninyo ng kasusuklaman ninyo matapos na umalis kayo sa mga ito patungo sa pagdiriwang ninyo."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• نَفْع الإقرار بالذنب مشروط بمصاحبة التوبة قبل فوات أوانها.
Ang pakikinabang sa pag-amin sa pagkakasala ay isinasakundisyon ng pagkakalakip ng pagbabalik-loob bago ng paglampas ng mga pagkakataon nito.

• إثبات العدل لله، ونفي الظلم عنه.
Ang pagpapatibay sa katarungan para kay Allāh at ang pagkakaila sa kawalang-katarungan sa Kanya.

• أهمية قوة الحجة في الدعوة إلى الله.
Ang kahalagahan ng lakas ng katwiran sa pag-aanyaya tungo kay Allāh.

• ضرر التقليد الأعمى.
Ang pinsala ng bulag na paggaya-gaya.

• التدرج في تغيير المنكر، والبدء بالأسهل فالأسهل، فقد بدأ إبراهيم بتغيير منكر قومه بالقول والصدع بالحجة، ثم انتقل إلى التغيير بالفعل.
Ang pag-uunti-unti sa pagpapaiba sa nakasasama at ang pagsisimula sa pinakamadali saka ang higit na madali sapagkat nagsimula nga si Abraham sa pagpapaiba sa nakakasamang gawain ng mga kababayan niya sa pamamagitan ng pagsasabi at pagtumbas sa katwiran, pagkatapos lumipat siya sa pagpapaiba sa pamamagitan ng gawa.

فَجَعَلَهُمۡ جُذَٰذًا إِلَّا كَبِيرٗا لَّهُمۡ لَعَلَّهُمۡ إِلَيۡهِ يَرۡجِعُونَ
Kaya winasak ni Abraham ang mga anito nila hanggang sa ang mga ito ay maging mga maliit na piraso. Itinira niya ang malaki sa mga ito, sa pag-asang bumalik sila rito upang magtanong dito tungkol sa kung sino ang nagwasak sa mga ito.
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ مَن فَعَلَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَآ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya noong nakabalik sila at nakatagpo sila sa mga anito nila na winasak na, nagtanong ang iba sa kanila sa iba pa: "Sino ang nagwasak sa mga sinasamba natin? Tunay na ang sinumang nagwasak sa mga ito ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan yayamang hinamak niya ang karapat-dapat sa pagdakila at pagbabanal."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ سَمِعۡنَا فَتٗى يَذۡكُرُهُمۡ يُقَالُ لَهُۥٓ إِبۡرَٰهِيمُ
Nagsabi ang iba sa kanila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila nang may kasagwaan at namimintas sa kanila, na tinatawag na Abraham. Marahil siya ay ang nagwasak sa kanila."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ فَأۡتُواْ بِهِۦ عَلَىٰٓ أَعۡيُنِ ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَشۡهَدُونَ
Nagsabi ang mga pinuno nila: "Kaya maghatid kayo kay Abraham sa masasaksihan at makikita ng mga tao, nang sa gayon sila ay sasaksi sa pag-amin niya sa ginawa niya para ang pag-amin niya ay maging katwiran para sa inyo laban sa kanya."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُوٓاْ ءَأَنتَ فَعَلۡتَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَا يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ
Kaya naghatid sila kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagtanong sila rito: "Ikaw ba ay gumawa ng gawaing nakaririmarim na ito sa mga anito namin, o Abraham?"
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ بَلۡ فَعَلَهُۥ كَبِيرُهُمۡ هَٰذَا فَسۡـَٔلُوهُمۡ إِن كَانُواْ يَنطِقُونَ
Nagsabi si Abraham habang nang-uuyam sa kanila na naglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga anito nila sa pagtingin ng mga tao: "Hindi ko ginawa iyon; bagkus ginawa iyon ng malaki ng mga anito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakapagsasalita."
Os Tafssir em língua árabe:
فَرَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ فَقَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ أَنتُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Kaya bumalik sila sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pag-iisip-isip at pagninilay-nilay saka luminaw para sa kanila na ang mga anito nila ay hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala, kaya sila ay mga tagalabag sa katarungan nang sumamba sila sa mga iyon bukod pa kay Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
ثُمَّ نُكِسُواْ عَلَىٰ رُءُوسِهِمۡ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا هَٰٓؤُلَآءِ يَنطِقُونَ
Pagkatapos ay nanumbalik sila sa pagmamatigas at pagkakaila sapagkat nagsabi sila: "Talaga ngang nakatiyak ka, O Abraham, na ang mga anitong ito ay hindi nakabibigkas kaya papaano kang nag-uutos sa amin na magtanong kami sa mga ito?" Nagnais sila niyon bilang katwiran para sa kanila ngunit ito ay naging isang katwiran laban sa kanila.
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ أَفَتَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يَضُرُّكُمۡ
Nagsabi si Abraham habang nagmamasama sa kanila: "Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na mga anitong hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo? Ang mga ito ay walang-kakayahan sa pagtulak sa kapinsalaan palayo sa mga sarili ng mga ito o sa paghatak sa kapakinabangan para sa mga ito.
Os Tafssir em língua árabe:
أُفّٖ لَّكُمۡ وَلِمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Kapangitan ay ukol sa inyo at kapangitan ay ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anitong ito na hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala! Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon at mag-iiwan sa pagsamba sa mga ito?"
Os Tafssir em língua árabe:
قَالُواْ حَرِّقُوهُ وَٱنصُرُوٓاْ ءَالِهَتَكُمۡ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Kaya noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa kanya sa pamamagitan ng katwiran, dumulog sila sa paggamit ng lakas sapagkat nagsabi sila: "Sunugin ninyo si Abraham sa apoy bilang pag-aadya pata sa mga anito ninyo na iginuho niya at binasag niya, kung kayo ay mga gagawa sa kanya ng isang parusang pampigil."
Os Tafssir em língua árabe:
قُلۡنَا يَٰنَارُ كُونِي بَرۡدٗا وَسَلَٰمًا عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ
Kaya nagparikit sila ng apoy at itinapon nila siya roon kaya nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham." Kaya nangyari ang gayon saka hindi siya dinapuan ng isang kapinsalaan.
Os Tafssir em língua árabe:
وَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَخۡسَرِينَ
Nagnais ang mga kababayan ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kanya ng isang pakana sa pamamagitan ng pagsunog nila sa kanya ngunit nagpawalang-saysay Kami sa pakana nila at ginawa Namin silang ang mga napahamak, ang mga nadaig.
Os Tafssir em língua árabe:
وَنَجَّيۡنَٰهُ وَلُوطًا إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا لِلۡعَٰلَمِينَ
Sumagip Kami sa kanya at sumagip Kami kay Lot. Nagpalabas Kami sa kanilang dalawa tungo sa lupain ng Sirya na nagpala Kami roon dahil nagpadala Kami roon ng mga propeta at dahil nagkalat Kami roon para sa mga nilikha ng mga kabutihan.
Os Tafssir em língua árabe:
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ نَافِلَةٗۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا صَٰلِحِينَ
Ipinagkaloob para sa kanya si Isaac nang dumalangin siya sa Panginoon niya na tustusan siya ng anak. Ipinagkaloob para sa kanya si Jacob bilang karagdagan. Bawat isa kina Abraham, anak niyang si Isaac, at [apo niyang] si Jacob ay ginawang mga maayos na mga tagatalima kay Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• جواز استخدام الحيلة لإظهار الحق وإبطال الباطل.
Ang pagpayag sa paggamit ng panlalansi para sa paglalantad ng katotohanan at pagpapabula sa kabulaanan.

• تعلّق أهل الباطل بحجج يحسبونها لهم، وهي عليهم.
Ang pagkahumaling ng mga alagad ng kabulaanan sa mga katwirang inaakala nilang para sa kanila samantalang ang mga ito ay laban sa kanila.

• التعنيف في القول وسيلة من وسائل التغيير للمنكر إن لم يترتّب عليه ضرر أكبر.
Ang pagpaparahas sa pagsasabi ay isang kaparaanang kabilang sa mga kaparaanan ng pagpapabago sa nakasasama kung hindi nagreresulta rito ng isang kapinsalaang higit na malaki.

• اللجوء لاستخدام القوة برهان على العجز عن المواجهة بالحجة.
Ang pagdulog sa paggamit ng lakas ay isang patunay sa kawalang-kakayahan ng pagharap sa pamamagitan ng katwiran.

• نَصْر الله لعباده المؤمنين، وإنقاذه لهم من المحن من حيث لا يحتسبون.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya at ang pagsagip Niya sa kanila mula sa mga pagsubok mula sa kung saan hindi nila inaasahan.

وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِمۡ فِعۡلَ ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَإِقَامَ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءَ ٱلزَّكَوٰةِۖ وَكَانُواْ لَنَا عَٰبِدِينَ
Ginawa sila bilang mga tagapanguna na napapatnubayan sa pamamagitan nila ang mga tao. Nag-aanyaya sila sa mga tao sa pagsamba kay Allāh lamang ayon sa isang pahintulot mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya. Kinasihan sila, na [sinasabi]: "Gumawa kayo ng mga kabutihan, magsagawa kayo ng dasal ayon sa pinakalubos na paraan, at magbigay kayo ng zakāh." Laging sila sa Amin ay mga nagpapaakay.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلُوطًا ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗا وَنَجَّيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِي كَانَت تَّعۡمَلُ ٱلۡخَبَٰٓئِثَۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمَ سَوۡءٖ فَٰسِقِينَ
Kay Lot ay nagbigay Kami ng pagpapasya sa paghuhusga sa pagitan ng mga magkakatunggali. Nagbigay Kami sa kanya ng isang kaalaman sa nauukol sa relihiyon niya. Nagpaligtas Kami sa kanya mula sa pagdurusang pinababa Namin sa pamayanan niya (ang Sodom), na ang mga mamamayan nito noon ay gumagawa ng mahalay. Tunay na sila noon ay mga tao ng kaguluhan, na mga lumalabas sa pagtalima sa Panginoon nila.
Os Tafssir em língua árabe:
وَأَدۡخَلۡنَٰهُ فِي رَحۡمَتِنَآۖ إِنَّهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin noong nagligtas Kami sa kanya mula sa pagdurusa na tumama sa mga kababayan niya. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos na sumusunod sa ipinag-uutos Namin at umiiwas sa sinasaway Namin.
Os Tafssir em língua árabe:
وَنُوحًا إِذۡ نَادَىٰ مِن قَبۡلُ فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Noe noong nanawagan siya kay Allāh bago pa nina Abraham at Lot. Kaya tumugon Kami sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng hiniling niya saka naligtas Kami sa kanya at nagligtas Kami sa mag-anak niyang mga mananampalataya mula sa pighating sukdulan.
Os Tafssir em língua árabe:
وَنَصَرۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمَ سَوۡءٖ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagligtas Kami sa kanya mula sa panlalansi ng mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin sa pamamagitan ng inalalay Namin sa kanya na mga tanda na nagpapatunay sa katapatan niya. Tunay na sila noon ay mga tao ng kaguluhan at kasamaan kaya nagpahamak Kami sa kanila nang magkakasama sa pamamagitan ng paglunod.
Os Tafssir em língua árabe:
وَدَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ إِذۡ يَحۡكُمَانِ فِي ٱلۡحَرۡثِ إِذۡ نَفَشَتۡ فِيهِ غَنَمُ ٱلۡقَوۡمِ وَكُنَّا لِحُكۡمِهِمۡ شَٰهِدِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan nina David at ng anak niyang si Solomon – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – noong humahatol silang dalawa sa kasong isinampa sa kanilang dalawa na may pumapatungkol sa magkaalitan na ang isa sa kanilang dalawa ay may mga tupang kumalat isang gabi sa taniman ng isa pa at sinira ng mga ito iyon. Laging Kami para sa paghahatol nina David at Solomon ay tagasaksi; walang anumang nalingid sa Amin mula sa kahatulan nilang dalawa.
Os Tafssir em língua árabe:
فَفَهَّمۡنَٰهَا سُلَيۡمَٰنَۚ وَكُلًّا ءَاتَيۡنَا حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَسَخَّرۡنَا مَعَ دَاوُۥدَ ٱلۡجِبَالَ يُسَبِّحۡنَ وَٱلطَّيۡرَۚ وَكُنَّا فَٰعِلِينَ
Nagpaintindi Kami ng kaso kay Solomon bukod pa sa ama niyang si David. Sa bawat isa kina David at Soloman ay nagbigay Kami ng pagkapropeta at kaalaman sa mga kahatulan ng Batas. Hindi Kami nagtangi rito kay Solomon lamang. Pinatalima Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati kasabay ng pagluluwalhati niya, at pinatalima Namin para sa kanya ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa ng pagpapaintinding iyon at ng pagbibigay ng kahatulan, kaalaman, at pagpapasilbi.
Os Tafssir em língua árabe:
وَعَلَّمۡنَٰهُ صَنۡعَةَ لَبُوسٖ لَّكُمۡ لِتُحۡصِنَكُم مِّنۢ بَأۡسِكُمۡۖ فَهَلۡ أَنتُمۡ شَٰكِرُونَ
Nagturo Kami kay David bukod pa kay Solomon ng pagyari ng mga baluti upang mangalaga sa inyo laban sa pagkakitil ng sandata sa mga katawan ninyo, kaya kayo kaya, O mga tao, ay mga tagapagpasalamat sa biyayang ito na ibiniyaya ni Allāh sa inyo?
Os Tafssir em língua árabe:
وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ عَاصِفَةٗ تَجۡرِي بِأَمۡرِهِۦٓ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَاۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيۡءٍ عَٰلِمِينَ
Ipinatalima Namin para kay Solomon ang hangin na matindi ang pag-ihip, na dumadaloy ayon sa utos niya kapag nag-utos siya tungo sa lupain ng Sirya na nagpala Kami roon dahil nagpadala Kami roon ng mga propeta at dahil nagpalawak Kami roon ng mga kabutihan. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam: walang naikukubli sa Amin mula roon na anuman.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• فعل الخير والصلاة والزكاة، مما اتفقت عليه الشرائع السماوية.
Ang paggawa ng kabutihan, ang pagdarasal, at ang pagkakawanggawa ay kabilang sa napagkaisahan ng mga batas na makalangit.

• ارتكاب الفواحش سبب في وقوع العذاب المُسْتَأْصِل.
Ang paggawa ng mga mahalay ay isang kadahilanan sa pagkaganap ng pagdurusang pumupuksa.

• الصلاح سبب في الدخول في رحمة الله.
Ang kaayusan ay isang kadahilanan sa pagkapasok sa awa ni Allāh.

• الدعاء سبب في النجاة من الكروب.
Ang panalangin ay isang kadahilanan sa kaligtasan mula sa mga dalamhati.

وَمِنَ ٱلشَّيَٰطِينِ مَن يَغُوصُونَ لَهُۥ وَيَعۡمَلُونَ عَمَلٗا دُونَ ذَٰلِكَۖ وَكُنَّا لَهُمۡ حَٰفِظِينَ
Pinagsilbi Namin ang ilan sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya sa mga dagat, na nangunguha ng mga biyaya Ko at iba pa sa mga ito, at gumagawa ng iba pa roon na mga gawain gaya ng pagpapatayo ng gusali. Laging Kami para sa mga bilang nila at mga gawain nila ay tagapag-ingat: walang nakaaalpas sa Amin na anuman mula roon.
Os Tafssir em língua árabe:
۞ وَأَيُّوبَ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَسَّنِيَ ٱلضُّرُّ وَأَنتَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Job – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong dumalangin siya sa Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya – nang tumama sa kanya ang pagsubok, na nagsasabi: "O Panginoon ko, tunay na ako ay tinamaan ng karamdaman at pagkawala ng mag-anak, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa sa kalahatan, kaya magbaling Ka palayo sa akin ng anumang tumama sa akin mula roon."
Os Tafssir em língua árabe:
فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ فَكَشَفۡنَا مَا بِهِۦ مِن ضُرّٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَهۡلَهُۥ وَمِثۡلَهُم مَّعَهُمۡ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَذِكۡرَىٰ لِلۡعَٰبِدِينَ
Kaya sumagot Kami sa panalangin niya at nagbaling Kami palayo sa kanya ng tumama sa kanya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng nawala sa mag-anak niya at mga anak niya at nagbigay Kami sa kanya ng tulad nila kasama nila. Lahat ng iyon ay ginawa Namin bilang awa mula sa ganang Amin at bilang pagpapaalaala sa bawat nagpapaakay sa Amin sa pagsamba, upang magtiis ito kung paanong nagtiis si Job.
Os Tafssir em língua árabe:
وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِدۡرِيسَ وَذَا ٱلۡكِفۡلِۖ كُلّٞ مِّنَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Banggitin mo, O Sugo, sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Bawat isa sa kanila ay kabilang sa mga tagapagtiis sa mga pagsubok at sa pagsasagawa ng iniatang sa kanila ni Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
وَأَدۡخَلۡنَٰهُمۡ فِي رَحۡمَتِنَآۖ إِنَّهُم مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin sapagkat gumawa Kami sa kanila bilang mga propeta, at nagpapasok Kami sa kanila sa Paraiso. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos na lingkod ni Allāh, na gumawa ng pagtalima sa Panginoon nila at naging maayos ang mga panloob nila at ang mga panlabas nila.
Os Tafssir em língua árabe:
وَذَا ٱلنُّونِ إِذ ذَّهَبَ مُغَٰضِبٗا فَظَنَّ أَن لَّن نَّقۡدِرَ عَلَيۡهِ فَنَادَىٰ فِي ٱلظُّلُمَٰتِ أَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنتَ سُبۡحَٰنَكَ إِنِّي كُنتُ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ng Kasama ng Isda na si Jonas – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong umalis siya nang walang pahintulot mula sa Panginoon niya habang kinagagalitan ang mga kababayan niya dahil sa paggigiit nila sa pagsuway, saka nagpalagay siya na hindi Kami makagigipit sa kanya sa pamamagitan ng pagparusa sa kanya sa pag-alis niya. Kaya sinubok siya sa pamamagitan ng katindihan ng panggigipit at pagkulong nang nilunok siya ng isda. Kaya dumalangin siya sa loob ng mga kadiliman ng tiyan ng isda, dagat, at gabi habang umaamin ng pagkakasala niya habang nagbabalik-loob kay Allāh mula roon, sapagkat nagsabi siya: "Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Iyo. Nagpawalang-kaugnayan Ka sa kapintasan at nagpakabanal Ka! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Os Tafssir em língua árabe:
فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ وَنَجَّيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡغَمِّۚ وَكَذَٰلِكَ نُـۨجِي ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya sumagot Kami sa panalangin niya at nagpaligtas Kami sa kanya mula sa dalamhati ng katindihan sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanya mula sa mga kadiliman at mula sa tiyan ng isda. Tulad ng pagpapaligtas kay Jonas mula sa dalamhati niyang ito, nagliligtas Kami sa mga mananampalataya kapag nasadlak sila sa dalamhati at dumalangin siya.
Os Tafssir em língua árabe:
وَزَكَرِيَّآ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ رَبِّ لَا تَذَرۡنِي فَرۡدٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Zacarias – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong dumalangin ito sa Panginoon nito – kaluwalhatian sa Kanya – na nagsasabi: "Panginoon ko, huwag Mo akong iwang namumukod na walang anak para sa akin. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga mananatili, kaya magkaloob Ka sa akin ng anak na mananatili matapos ko."
Os Tafssir em língua árabe:
فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ وَوَهَبۡنَا لَهُۥ يَحۡيَىٰ وَأَصۡلَحۡنَا لَهُۥ زَوۡجَهُۥٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَيَدۡعُونَنَا رَغَبٗا وَرَهَبٗاۖ وَكَانُواْ لَنَا خَٰشِعِينَ
Kaya sumagot Kami sa kanya sa panalangin niya. Ibinigay Namin sa kanya si Juan bilang anak at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya kaya ito ay naging nanganganak matapos na dati ay hindi nanganganak. Tunay na sina Zacarias, ang maybahay niya, at ang anak niya ay nagmamabilis noon sa paggawa ng mga kabutihan at dumadalangin noon sa Amin, habang mga nagmimithi sa nasa ganang Amin na gantimpala habang mga nangangamba sa nasa ganang Amin na parusa. Sila noon sa Amin ay mga tagapagsumamo.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• الصلاح سبب للرحمة.
Ang kaayusan ay isang kadahilanan ng awa.

• الالتجاء إلى الله وسيلة لكشف الكروب.
Ang pagdulog kay Allāh ay isang kaparaanan sa pagpawi ng mga dalamhati.

• فضل طلب الولد الصالح ليبقى بعد الإنسان إذا مات.
Ang kainaman ng paghiling ng maayos na anak upang manatili matapos ng tao kapag namatay siya.

• الإقرار بالذنب، والشعور بالاضطرار لله وشكوى الحال له، وطاعة الله في الرخاء من أسباب إجابة الدعاء وكشف الضر.
Ang pag-amin sa pagkakasala, ang pagkaramdam ng pangangailangan kay Allāh, ang pagdaing ng kalagayan sa Kanya, at ang pagtalima sa Kanya sa kariwasaan ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagsagot sa panalangin at pagpawi sa kapinsalaan.

وَٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهَا مِن رُّوحِنَا وَجَعَلۡنَٰهَا وَٱبۡنَهَآ ءَايَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na nangalaga sa kalinisang-puri niya laban sa pangangalunya kaya nagsugo si Allāh sa kanya kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka umihip ito sa kanya kaya nagbuntis siya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Si Maria at ang anak niyang si Jesus noon ay palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh, at na Siya ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman yayamang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُونِ
Tunay na itong kapaniwalaan ninyo, O mga tao, ay kapaniwalaang nag-iisa, ang Tawḥīd na siyang Relihiyong Islām, at Ako ay Panginoon ninyo kaya magpakawagas kayo sa pagsamba sa Akin lamang.
Os Tafssir em língua árabe:
وَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡۖ كُلٌّ إِلَيۡنَا رَٰجِعُونَ
Nagkaiba-iba ang mga tao sapagkat kabilang sa kanila ang tagapaniwala sa kaisahan ni Allāh at ang tagapagtambal sa Kanya, at ang tagatangging sumampalataya at ang mananampalataya. Ang lahat ng mga nagkakaiba-ibang ito ay tungo sa Amin lamang mga babalik sa Araw ng Pagbangon saka gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila.
Os Tafssir em língua árabe:
فَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَا كُفۡرَانَ لِسَعۡيِهِۦ وَإِنَّا لَهُۥ كَٰتِبُونَ
Kaya ang sinumang gumawa kabilang sa kanila ng mga gawang maayos habang siya ay mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, walang pagkakaila para sa gawa niyang maayos, bagkus kikilala si Allāh para sa taong ito sa gantimpala niya saka pag-iibayuhin ni Allāh ito para sa kanya. Makatatagpo siya nito sa talaan ng gawa niya sa Araw na bubuhayin siya kaya matutuwa siya rito.
Os Tafssir em língua árabe:
وَحَرَٰمٌ عَلَىٰ قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَآ أَنَّهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ
May imposible sa mga naninirahan sa isang pamayanan na ipinahamak Namin dahilan sa kawalang-pananampalataya nito: na bumalik sila sa Mundo upang magbalik-loob at tanggapin ang pagbabalik-loob nila.
Os Tafssir em língua árabe:
حَتَّىٰٓ إِذَا فُتِحَتۡ يَأۡجُوجُ وَمَأۡجُوجُ وَهُم مِّن كُلِّ حَدَبٖ يَنسِلُونَ
Hindi sila babalik kailanman hanggang sa kapag binuksan ang saplad ng Gog at Magog habang sila sa araw na iyon mula sa bawat mataas na bahagi ng lupa ay lalabas na mga nagmamabilis.
Os Tafssir em língua árabe:
وَٱقۡتَرَبَ ٱلۡوَعۡدُ ٱلۡحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَٰخِصَةٌ أَبۡصَٰرُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَٰوَيۡلَنَا قَدۡ كُنَّا فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا بَلۡ كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Nalapit ang [Araw ng] Pagbangon dahil sa paglabas nila at lumitaw ang mga hilakbot doon at ang mga matinding pangyayari roon kaya biglang ang mga paningin ng mga tagatangging sumampalataya ay nakabukas dahil sa tindi ng pangingilabot doon, na nagsasabi: "O kapahamakan namin! Kami nga noon sa Mundo ay nasa isang pagkalibang at pagkaabala para sa paghahanda para sa sukdulang araw na ito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway."
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنتُمۡ لَهَا وَٰرِدُونَ
Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh na mga anito at kabilang sa mga nalulugod sa pagsamba ninyo sa mga ito kabilang sa tao at jinn ay mga panggatong ng Impiyerno. Kayo at ang mga sinasamba ninyo ay doon mga papasok.
Os Tafssir em língua árabe:
لَوۡ كَانَ هَٰٓؤُلَآءِ ءَالِهَةٗ مَّا وَرَدُوهَاۖ وَكُلّٞ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Kung sakaling ang mga sinasambang ito ay naging mga diyos na sinasamba ayon sa karapatan, hindi sana sila pumasok sa Apoy kasama ng mga sumamba sa kanila. Bawat isa sa mga tagasamba at mga sinamba ay sa Apoy mga mamamalagi magpakailanman; hindi sila makalalabas mula roon.
Os Tafssir em língua árabe:
لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَهُمۡ فِيهَا لَا يَسۡمَعُونَ
Ukol sa kanila roon, dahil sa tindi ng dinaranas nilang mga sakit, ay paghingang matindi. Sila sa Apoy ay hindi nakaririnig ng mga tunog dahil sa tindi ng hilakbot na nakahihindik na tumama sa kanila.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ سَبَقَتۡ لَهُم مِّنَّا ٱلۡحُسۡنَىٰٓ أُوْلَٰٓئِكَ عَنۡهَا مُبۡعَدُونَ
Noong nagsabi ang mga tagapagtambal: "Tunay na si Jesus at ang mga anghel na sinamba ay papasok sa Impiyerno," nagsabi naman si Allāh: "Tunay na ang mga nauna sa kaalaman ni Allāh na sila ay kabilang sa mga alagad ng kaligayahan tulad ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay mga pinalayo sa Apoy."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• التنويه بالعفاف وبيان فضله.
Ang pagbubunyi sa kabinihan at ang paglilinaw sa kalamangan nito.

• اتفاق الرسالات السماوية في التوحيد وأسس العبادات.
Ang pagkakaisa ng mga mensaheng makalangit sa paniniwala sa kaisahan ng Diyos at mga pundasyon ng pagsamba.

• فَتْح سد يأجوج ومأجوج من علامات الساعة الكبرى.
Ang pagbukas ng saplad (dam) ng Gog at Magog ay kabilang sa mga pinakamalaking palatandaan ng Huling Sandali.

• الغفلة عن الاستعداد ليوم القيامة سبب لمعاناة أهوالها.
Ang pagkalingat sa paghahanda para sa Araw ng Pagbangon ay isang kadahilanan para sa pagdanas ng mga hilakbot nito.

لَا يَسۡمَعُونَ حَسِيسَهَاۖ وَهُمۡ فِي مَا ٱشۡتَهَتۡ أَنفُسُهُمۡ خَٰلِدُونَ
Hindi makararating sa pandinig nila ang tunog ng Impiyerno habang sila sa ninasa ng mga sarili nila na kaginhawahan at mga sarap ay mga mananatili; hindi mapuputol ang kaginhawahan nila magpakailanman.
Os Tafssir em língua árabe:
لَا يَحۡزُنُهُمُ ٱلۡفَزَعُ ٱلۡأَكۡبَرُ وَتَتَلَقَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ هَٰذَا يَوۡمُكُمُ ٱلَّذِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ
Hindi magpapangamba sa kanila ang hilakbot na sukdulan kapag itinataklob ang Apoy sa mga maninirahan doon at haharap sa kanila ang mga anghel nang may pagbati habang mga nagsasabi: "Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan nito sa Mundo at binabalitaan ng daranasin ninyo rito na kaginhawahan,
Os Tafssir em língua árabe:
يَوۡمَ نَطۡوِي ٱلسَّمَآءَ كَطَيِّ ٱلسِّجِلِّ لِلۡكُتُبِۚ كَمَا بَدَأۡنَآ أَوَّلَ خَلۡقٖ نُّعِيدُهُۥۚ وَعۡدًا عَلَيۡنَآۚ إِنَّا كُنَّا فَٰعِلِينَ
sa Araw na magtutupi Kami sa langit tulad ng pagtupi ng kalatas sa nilalaman nito at kakalap Kami sa nilikha ayon sa anyo nila na nilikha sila ayon doon sa unang pagkakataon. Nangako Kami niyon ayon sa isang pangakong walang pagsira roon. Tunay na Kami ay laging magpapatupad ng anumang ipinangangako Namin.
Os Tafssir em língua árabe:
وَلَقَدۡ كَتَبۡنَا فِي ٱلزَّبُورِ مِنۢ بَعۡدِ ٱلذِّكۡرِ أَنَّ ٱلۡأَرۡضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ ٱلصَّٰلِحُونَ
Talaga ngang nagsulat Kami sa mga kasulatang pinababa Namin sa mga sugo noong matapos na naisulat Namin sa Tablerong Pinag-iingatan, na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod ni Allāh na maaayos na nagsasagawa ng pagtalima sa Kanya. Sila ay ang Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَٰغٗا لِّقَوۡمٍ عَٰبِدِينَ
Tunay na sa pinababa Namin na pangaral ay talagang may kapakinabangan at kasapatan para sa mga taong tagasamba sa Panginoon nila ayon sa isinabatas Niya para sa kanila sapagkat sila ay ang mga nakikinabang dito.
Os Tafssir em língua árabe:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا رَحۡمَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Hindi Kami nagpadala sa iyo, O Muḥammad, bilang sugo kundi bilang awa para sa lahat ng nilikha dahil sa pagtataglay mo ng katangian ng sigasig sa kapatnubayan sa mga tao at sa pagsagip sa kanila mula sa parusa ni Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
قُلۡ إِنَّمَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Ikinakasi lamang sa akin mula sa Panginoon ko na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya magpaakay kayo para sa pagsampalataya sa Kanya at paggawa ayon sa pagtalima sa Kanya."
Os Tafssir em língua árabe:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ ءَاذَنتُكُمۡ عَلَىٰ سَوَآءٖۖ وَإِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٌ أَم بَعِيدٞ مَّا تُوعَدُونَ
Ngunit kung umayaw ang mga ito sa inihatid mo sa kanila ay sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Ipinaalam ko sa inyo na ako kasama sa inyo ay nasa isang lagay na magkapantay at sa pagitan ko at ninyo ay pakikipaghiwalay. Hindi ako nakaaalam kung kailan bababa sa inyo ang ipinangako ni Allāh na pagdurusang dulot Niya.
Os Tafssir em língua árabe:
إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡتُمُونَ
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ipinahayag ninyo na pagkakasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo mula roon: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo roon.
Os Tafssir em língua árabe:
وَإِنۡ أَدۡرِي لَعَلَّهُۥ فِتۡنَةٞ لَّكُمۡ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ
Hindi ako nakaaalam; baka ang pagpapalugit sa inyo sa pagdurusa ay isang pagsusulit para sa inyo, isang pagpapain, at isang pagpapatamasa para sa inyo hanggang sa isang yugtong itinakda sa kaalaman ni Allāh upang magpatuloy kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo."
Os Tafssir em língua árabe:
قَٰلَ رَبِّ ٱحۡكُم بِٱلۡحَقِّۗ وَرَبُّنَا ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ
Nagsabi ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, magpasya Ka sa pagitan namin at ng mga kababayan namin na nagpumilit sa kawalang-pananampalataya sa paghuhusgang totoo. Sa Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay nagpapatulong kami laban sa anumang sinasabi ninyo na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• الصلاح سبب للتمكين في الأرض.
Ang kaayusan ay isang kadahilanan para sa pagbibigay-kapangyarihan sa lupa.

• بعثة النبي صلى الله عليه وسلم وشرعه وسنته رحمة للعالمين.
Ang pagpapadala sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang Batas niya, at ang Kalakaran (Sunnah) niya ay awa para sa mga nilalang.

• الرسول صلى الله عليه وسلم لا يعلم الغيب.
Ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi nakaaalam sa Lingid.

• علم الله بما يصدر من عباده من قول.
Ang kaalaman ni Allāh sa anumang namumutawi mula sa mga lingkod Niya kabilang sa sinasabi.

 
Tradução dos significados Surah: Suratu Al-Anbiyaa
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar