แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง * - สารบัญ​คำแปล


แปลความหมาย​ อายะฮ์: (15) สูเราะฮ์: Fussilat
فَأَمَّا عَادٞ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَقَالُواْ مَنۡ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةًۖ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَهُمۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Tungkol sa `Ād na mga kalipi ni Hūd, kasama ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa mga nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya dahil sa lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa paghahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na nagsanhi ng pagpapalabis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd – sumakanya ang pangangalaga."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• الإعراض عن الحق سبب المهالك في الدنيا والآخرة.
Ang pag-ayaw sa katotohanan ay isang kadahilanan ng mga kapahamakan sa Mundo at Kabilang-buhay.

• التكبر والاغترار بالقوة مانعان من الإذعان للحق.
Ang pagpapakamalaki at ang pagkalinlang dahil sa lakas ay mga tagahadlang sa pagpapasakop sa katotohanan.

• الكفار يُجْمَع لهم بين عذاب الدنيا وعذاب الآخرة.
Ang mga tagatangging sumampalataya ay titipunin sa pagitan ng pagdurusa sa Mundo at pagdurusa sa Kabilang-buhay.

• شهادة الجوارح يوم القيامة على أصحابها.
Ang pagsaksi ng mga bahagi ng katawan sa Araw ng Pagbangon laban sa mga may-ari ng mga ito.

 
แปลความหมาย​ อายะฮ์: (15) สูเราะฮ์: Fussilat
สารบัญสูเราะฮ์ หมายเลข​หน้า​
 
แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - สารบัญ​คำแปล

คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - ออกโดย ศูนย์ตัฟซีร์เพื่อการศึกษาอัลกุรอาน

ปิด