Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Naba’   Ayah:

An-Naba’

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان أدلة القدرة على البعث والتخويف من العاقبة.
Ang paglilinaw sa mga patunay ng kakayahan [ni Allāh] sa pagbuhay at ang pagpapangamba sa kahihinatnan.

عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ
Tungkol sa aling bagay nagtatanungan ang mga tagapagtambal na ito matapos na nagpadala si Allāh sa kanila ng Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan?
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ
Nagtatanong ang isa't isa sa kanila tungkol sa ulat na dakila. Ito ay ang Qur'ān na ito na pinababa sa Sugo nila na naglalaman ng ulat hinggil sa pagbuhay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ
Ang Qur'ān na ito na nagkaiba-iba sila kaugnay sa paglalarawan nila rito kung ito ay panggagaway o tula o panghuhula o mga alamat ng mga sinauna.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin nila! Makaaalam ang mga tagapagpasinungaling na ito sa Qur'ān sa kahihinatnan ng pagpapasinungaling nilang masagwa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Pagkatapos ay matitiyak para sa kanila iyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدٗا
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang inilatag para sa kanila na nababagay para sa pagtigil nila sa ibabaw nito?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادٗا
Gumawa Kami sa mga bundok sa ibabaw nito sa kalagayan ng mga tulos na pumipigil dito sa pagkakaalog.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجٗا
Lumikha Kami sa inyo, O tao, na mga uri: kabilang sa inyo ang mga lalaki at ang mga babae.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتٗا
Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pagkaputol sa aktibidad upang makapagpahinga kayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا
Gumawa Kami sa gabi bilang tagatakip sa inyo sa pamamagitan ng dilim nito tulad ng kasuutan na ipinantatakip ninyo sa mga kahubaran ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشٗا
Gumawa Kami sa maghapon bilang larangan para sa pagkita at paghahanap ng panustos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعٗا شِدَادٗا
Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong langit na matibay ang pagkakapatayo, na mahusay ang pagkakayari.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡنَا سِرَاجٗا وَهَّاجٗا
Gumawa Kami sa araw bilang sulo na matindi ang pagningas at ang pagliliwanag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءٗ ثَجَّاجٗا
Nagpababa Kami mula sa mga ulat na napapanahon para rito na magpaulan ng isang tubig na marami ang pagkabuhos
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبّٗا وَنَبَاتٗا
upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga uri ng mga butil at mga uri ng halaman
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَنَّٰتٍ أَلۡفَافًا
at magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga patanimang nagkakapuluputan dahil sa dami ng pagpapasukan ng mga sanga ng mga puno ng mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتٗا
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha ay isang tipanang tinakdaan ng panahon na hindi nagpapahuli.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجٗا
sa Araw na iihip ang anghel sa sungay sa ikalawang pag-ihip saka pupunta kayo, O mga tao, na mga pangkat-pangkat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبٗا
Bubuksan ang langit saka magkakaroon ito ng mga biyak tulad ng mga pintuang nakabukas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا
Ginawa ang mga bundok na humayo hanggang sa maging alabok na isinabog, saka ang mga ito ay magiging tulad ng isang malikmata.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادٗا
Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang tagatambang na nag-aabang,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِّلطَّٰغِينَ مَـَٔابٗا
na para sa mga tagalabag sa katarungan ay isang babalıkang babalik sıla roon,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابٗا
na mga mananatıli roon sa mga panahon at mga yugtong walang wakas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدٗا وَلَا شَرَابًا
Hindi sila makatitikim doon ng isang hanging malamig na magpapalamig sa init ng Liyab para sa kanila, ni makatitikim sila roon ng isang inumin na mamasarapin nila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا حَمِيمٗا وَغَسَّاقٗا
hindi sila makatitikim maliban sa isang tubig na matindi ang init at isang bagay na dumadaloy mula sa nana ng mga maninirahan sa Apoy
Ang mga Tafsir na Arabe:
جَزَآءٗ وِفَاقًا
bilang ganting naaangkop para sa taglay nila dati na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابٗا
Tunay na sila dati sa Mundo ay hindi nangangamba sa isang pakikipagtuos ni Allāh sa kanila sa Kabilang-buhay dahil sila ay hindi sumasampalataya sa pagbubuhay sapagkat kung sakaling sila dati ay nangangamba sa pagkabuhay ay talaga sanang sumampalataya sila kay Allāh at gumawa ng maayos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابٗا
Nagpasinungaling sila sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبٗا
Sa bawat bagay kabilang sa mga gawa nila ay nagbusisi Kami at nagbilang Kami, at ito ay nakasulat sa mga pahina ng mga gawa nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا
Kaya lumasap kayo, O mga nagpakalabis, nitong pagdurusang mamamalagi sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa pa sa pagdurusa ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إحكام الله للخلق دلالة على قدرته على إعادته.
Ang pagpapahusay ni Allāh sa paglikha ay isang katunayan sa kakayahan Niya sa pagpapanumbalik nito.

• الطغيان سبب دخول النار.
Ang pagmamalabis ay isang kadahilanan sa pagpasok sa Apoy.

• مضاعفة العذاب على الكفار.
Ang pagpapaibayo ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Naba’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara