Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hāqqah   Ayah:
وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
at walang pagkain kundi mula sa isang tagas ng sugat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
at anumang hindi ninyo nakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang Sugong marangal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
Ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Hindi [ito] sinabi ng isang manghuhula. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
Kung sakaling nagsabi-sabi siya[4] laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,
[4] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
saka walang kabilang sa inyo na isa man, na para sa kanya ay mga makahahadlang [sa Amin].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
Tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapagpasinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Tunay na ito ay talagang isang [dahilan ng] panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hāqqah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara