Translation of the meaning of the noble Quran - Tagalog translation - Mokhtasar * - Translations


Translation of the meaning of Sura: Al-Humaza
Aya:
 

Al-Humaza

من مقاصد السورة:
وعيد المتعالين الساخرين بالدين وأهله.
Ang banta sa mga nagmamataas na nanunuya sa relihiyon at mga alagad nito.

وَيۡلٞ لِّكُلِّ هُمَزَةٖ لُّمَزَةٍ
Kasaklapan at katindihan ng pagdurusa ay ukol sa madalas ang panlilibak sa mga tao at ang paninirang-puri sa kanila.
Arabic short Tafasir:
ٱلَّذِي جَمَعَ مَالٗا وَعَدَّدَهُۥ
na ang pinahahalagahan niya ay ang pag-iipon ng yaman at pag-isa-isa nito: walang pinahahalagahan para sa kanya na iba pa roon,
Arabic short Tafasir:
يَحۡسَبُ أَنَّ مَالَهُۥٓ أَخۡلَدَهُۥ
habang nagpapalagay na ang yaman niya na tinipon niya ay magliligtas sa kanya mula sa kamatayan para mamalagi siyang nananatili sa buhay na pangmundo.
Arabic short Tafasir:
كَلَّاۖ لَيُنۢبَذَنَّ فِي ٱلۡحُطَمَةِ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mangmang na ito. Talagang itatapon nga siya sa Apoy ng Impiyerno na dumudurog at bumabasag sa bawat itatapon doon dahil sa tindi ng lakas niyon.
Arabic short Tafasir:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحُطَمَةُ
At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Apoy na ito na magwawasak sa bawat itatapon doon?
Arabic short Tafasir:
نَارُ ٱللَّهِ ٱلۡمُوقَدَةُ
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na nagliliyab,
Arabic short Tafasir:
ٱلَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى ٱلۡأَفۡـِٔدَةِ
na tumatagos sa mga katawan ng mga tao patungo sa mga puso nila.
Arabic short Tafasir:
إِنَّهَا عَلَيۡهِم مُّؤۡصَدَةٞ
Tunay na ito sa mga pinagdurusa roon ay isasara
Arabic short Tafasir:
فِي عَمَدٖ مُّمَدَّدَةِۭ
sa mga haliging nabanat na mahaba upang hindi sila makalabas mula roon.
Arabic short Tafasir:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• خسران من لم يتصفوا بالإيمان وعمل الصالحات، والتواصي بالحق، والتواصي بالصبر.
Ang pagkalugi ng mga hindi nailarawan sa pagtataglay ng pananampalataya, paggawa ng mga maayos, pagtatagubilinan ng katotohanan, at pagtatagubilinan ng pagtitiis.

• تحريم الهَمْز واللَّمْز في الناس.
Ang pagbabawal sa panlilibak at paninirang-puri sa mga tao.

• دفاع الله عن بيته الحرام، وهذا من الأمن الذي قضاه الله له.
Ang pagtatanggol ni Allāh sa Bahay Niyang Pinakababanal. Ito ay bahagi ng katiwasayan na itinadhana ni Allāh para rito.


 
Translation of the meaning of Sura: Al-Humaza
Sura list Page number
 
Translation of the meaning of the noble Quran - Tagalog translation - Mokhtasar - Translations

Tagalog translation of the Brief Explanation of the Glorious Quran by Tafsir center (Al-Mokhtasar), Translated by Rowwad Translation Center.

Close