Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Fajr   Ayah:

Al-Fajr

Purposes of the Surah:
بيان عاقبة الطغاة، والحكمة من الابتلاء، والتذكير بالآخرة.
Ang paglilinaw sa kahihinatnan ng mga tagapagmalabis at kasanhian ng pagsubok at pagpapaalaala hinggil sa Kabilang-buhay.

وَٱلۡفَجۡرِ
Sumumpa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa madaling-araw.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَيَالٍ عَشۡرٖ
Sumumpa Siya sa Unang Sampung Gabi ng Dhulḥijjah.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلشَّفۡعِ وَٱلۡوَتۡرِ
Sumumpa Siya sa magkapares at bukod-tangi sa mga bagay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَسۡرِ
Sumumpa Siya sa gabi kapag dumating ito, nagpatuloy ito, at lumisan ito. Ang sagot sa mga panunumpang ito ay: talagang gagantihan nga kayo sa mga gawa ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
هَلۡ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٞ لِّذِي حِجۡرٍ
Sa nabanggit na iyon kaya ay may panunumpang kukumbinsi sa may pang-unawa?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ
Hindi mo ba napag-alaman, O Sugo, kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd, noong nagpasinungaling sila sa sugo nito,
Arabic explanations of the Qur’an:
إِرَمَ ذَاتِ ٱلۡعِمَادِ
na lipi ng `Ād na nakaugnay sa lolo nitong si Irām na may mga haliging mahaba,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّتِي لَمۡ يُخۡلَقۡ مِثۡلُهَا فِي ٱلۡبِلَٰدِ
na hindi lumikha si Allāh ng tulad ng mga iyon sa bayan;
Arabic explanations of the Qur’an:
وَثَمُودَ ٱلَّذِينَ جَابُواْ ٱلصَّخۡرَ بِٱلۡوَادِ
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] Thamūd, na mga kalipi ni Ṣāliḥ, na mga bumiyak ng mga malaking bato ng mga bundok at gumawa mula sa mga ito ng mga bahay sa bato.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفِرۡعَوۡنَ ذِي ٱلۡأَوۡتَادِ
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo kay Paraon na dati ay may mga tulos na pinagdurusa niya sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao?
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ طَغَوۡاْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Ang lahat ng mga ito ay lumampas sa hangganan sa paniniil at kawalang-katarungan; bawat isa ay lumampas dito sa bayan niya
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَكۡثَرُواْ فِيهَا ٱلۡفَسَادَ
saka nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian dahil sa ipinalaganap nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway,
Arabic explanations of the Qur’an:
فَصَبَّ عَلَيۡهِمۡ رَبُّكَ سَوۡطَ عَذَابٍ
kaya nagpalasap sa kanila si Allāh ng matinding pagdurusang dulot Niya at pumuksa Siya sa kanila sa lupain.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ رَبَّكَ لَبِٱلۡمِرۡصَادِ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang tumatambang sa mga gawa ng mga tao at nagmamatyag sa mga ito upang gumanti ng Paraiso sa sinumang gumawa ng maganda at ng Impiyerno sa sinumang gumawa ng masagwa.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَمَّا ٱلۡإِنسَٰنُ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ رَبُّهُۥ فَأَكۡرَمَهُۥ وَنَعَّمَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَكۡرَمَنِ
Kaya tungkol naman sa tao, bahagi ng kalikasan nito na kapag sumubok dito ang Panginoon nito, nagparangal Siya rito, at nagbiyaya Siya rito ng yaman, mga anak, at impluwensiya, ay nagpapalagay ito na iyon ay dahil sa isang karangalan para rito sa ganang kay Allāh kaya nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin dahil sa pagiging karapat-dapat ko sa pagpaparangal Niya."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّآ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ فَقَدَرَ عَلَيۡهِ رِزۡقَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَهَٰنَنِ
Tungkol naman sa kapag sumulit Siya rito at gumipit Siya rito sa panustos dito, tunay na ito ay nagpapalagay na iyon ay talagang pagkahamak nito sa Panginoon nito kaya nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin."
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّاۖ بَل لَّا تُكۡرِمُونَ ٱلۡيَتِيمَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng taong ito na ang mga biyaya ay patunay sa pagkalugod ni Allāh sa lingkod Niya at na ang mga kawalang-biyaya ay patunay sa pagkahamak ng tao sa ganang Panginoon nito. Bagkus ang reyalidad ay na kayo ay hindi nagpaparangal sa ulila mula sa ibinigay sa inyo ni Allāh na panustos.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَحَٰٓضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
Hindi nag-uudyok ang isa't isa sa inyo sa pagpapakain sa maralitang hindi nakatatagpo ng makakain niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَأۡكُلُونَ ٱلتُّرَاثَ أَكۡلٗا لَّمّٗا
Kumakain kayo ng mga karapatan ng mahihina kabilang sa mga babae at mga ulila nang pagkaing matindi nang walang pagsasaalang-alang sa pagkaipinahihintulot nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتُحِبُّونَ ٱلۡمَالَ حُبّٗا جَمّٗا
Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na sobra sapagkat nagmamaramot kayo sa paggugol nito sa landas ni Allāh dala ng kasakiman dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّآۖ إِذَا دُكَّتِ ٱلۡأَرۡضُ دَكّٗا دَكّٗا
Hindi nararapat na ito ay maging gawain ninyo. Tandaan ninyo, kapag pinagalaw ang lupa nang pagpapagalaw na matindi at pinalindol,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءَ رَبُّكَ وَٱلۡمَلَكُ صَفّٗا صَفّٗا
at dumating ang Panginoon mo, O Sugo, para magpasya sa pagitan ng mga lingkod Niya, at dumating ang mga anghel na mga nakahanay sa mga hanay,
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• فضل عشر ذي الحجة على أيام السنة.
Ang kainaman ng Unang Sampung Araw ng Dhulḥijjah higit sa mga ibang araw ng taon.

• ثبوت المجيء لله تعالى يوم القيامة وفق ما يليق به؛ من غير تشبيه ولا تمثيل ولا تعطيل.
Ang katibayan ng pagdating para kay Allāh sa Araw ng Pagbangon alinsunod sa naaangkop sa Kanya nang walang pagwawangis, walang pagtutulad, at walang pag-aalis ng kahulugan.

• المؤمن إذا ابتلي صبر وإن أعطي شكر.
Ang mananampalataya, kapag sinubok, ay nagtitiis. Kung binigyan siya ay nagpapasalamat siya.

وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٖ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ
at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno na may pitumpung libong panghatak, na kasama ng bawat panghatak ay pitumpung libong anghel na hihila niyon. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao sa anumang nagpabaya siya sa nauugnay kay Allāh, at paano ukol sa kanya na magpakinabang sa kanya ang pagsasaalaala sa Araw na iyon dahil iyon ay araw ng pagganti, hindi araw ng paggawa?
Arabic explanations of the Qur’an:
يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي
Magsasabi siya dala ng tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay nagpauna ng mga gawang maayos para sa buhay ko na pangkabilang-buhay na siyang buhay na tunay."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٞ
Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa tulad ng pagdurusang dulot ni Allāh dahil ang pagdurusang dulot ni Allāh ay pinakamatindi at pinakanananatili,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٞ
at walang isang gagapos sa mga tanikala tulad ng paggapos Niya roon sa mga tagatangging sumampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ
Tungkol naman sa kaluluwa ng mananampalataya, sasabihin sa kanya sa sandali ng kamatayan at sa Araw ng Pagbangon: "O kaluluwang napapanatag sa pananampalataya at gawang maayos,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةٗ مَّرۡضِيَّةٗ
bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod sa Kanya dahil sa makakamit mo na gantimpalang masagana, na kinalulugdan sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – dahil sa taglay mo na gawang maayos,
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي
saka pumasok ka sa kabuuan ng mga lingkod Kong maaayos,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱدۡخُلِي جَنَّتِي
at pumasok ka kasama sa kanila sa Paraiso Ko na inihanda Ko para sa kanila."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• عتق الرقاب، وإطعام المحتاجين في وقت الشدة، والإيمان بالله، والتواصي بالصبر والرحمة: من أسباب دخول الجنة.
Ang pagpapalaya sa mga alipin, ang pagpapakain sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan, ang pananampalataya kay Allāh, at ang pagtatagubilinan ng pagtitiis at pagkaawa ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• من دلائل النبوة إخباره أن مكة ستكون حلالًا له ساعة من نهار.
Kabilang sa mga patunay ng pagkapropeta ang pagpapabatid sa kanya na ang Makkah ay magiging ipinahihintulot para sa kanya sa anumang oras ng maghapon.

• لما ضيق الله طرق الرق وسع طرق العتق، فجعل الإعتاق من القربات والكفارات.
Noong nagpasikip si Allāh ng mga daan ng pang-aalipin, nagpaluwang naman Siya ng mga daan ng pagpapalaya sapagkat ginawa niya ang pagpapalaya na kabilang sa mga pampalapit-loob [sa Kanya] at mga panakip-sala.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Fajr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close