Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: At-Teen   Ayah:

At-Teen

Purposes of the Surah:
امتنان الله على الإنسان باستقامة فطرته وخلقته، وكمال الرسالة الخاتمة.
Ang pagmamagandang-loob ni Allāh sa tao sa pamamagitan ng pagkatuwid ng naturalesa niya, pagkalikha niya, at kalubusan ng mensaheng nagpapawakas.

وَٱلتِّينِ وَٱلزَّيۡتُونِ
Sumumpa si Allāh sa igos at lugar na tinutubuan nito at sa oliba at lugar na tinutubuan nito sa lupain ng Palestina na ipinadala roon si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَطُورِ سِينِينَ
Sumumpa Siya sa bundok ng Sinai na nakipag-usap nang sarilinan sa piling Niya ang propeta Niyang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ ٱلۡأَمِينِ
Sumumpa Siya sa Makkah, ang bayan na pinakababanal na natitiwasay ang sinumang pumasok doon, na ipinadala roon si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِيٓ أَحۡسَنِ تَقۡوِيمٖ
Talaga ngang nagpairal Kami sa tao sa pinakakatamtamang pagkakalikha at pinakamainam na anyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ رَدَدۡنَٰهُ أَسۡفَلَ سَٰفِلِينَ
Pagkatapos nagpabalik Kami sa kanya tungo sa pagkahukluban at pag-uulyanin sa Mundo kaya hindi siya nakikinabang sa katawan niya gaya ng hindi niya pakikinabang dito nang nagpatiwali siya sa kalikasan ng pagkalalang sa kanya at napunta sa Impiyerno,
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ
maliban sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos sapagkat tunay na ukol sa kanila, kahit pa naghukluban sila, ay isang gantimpalang mamamalaging hindi mapuputol, ang Paraiso, dahil sila ay naglinis sa mga kalikasan ng pagkalalang sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَا يُكَذِّبُكَ بَعۡدُ بِٱلدِّينِ
Kaya aling bagay ang nag-uudyok sa iyo, O tao, sa pagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti matapos na nakakita ka ng maraming palatandaan ng kakayahan Niya?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَحۡكَمِ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Hindi ba si Allāh – dahil sa paggawa sa Araw ng Pagbangon bilang araw para sa pagganti – ay ang pinakahukom ng mga hukom at ang pinakamakatarungan sa kanila? Mauunawaan ba na mag-iwan si Allāh sa mga lingkod Niya habang napababayaan nang walang humahatol sa pagitan nila para gumanti Siya sa tagagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda at sa tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa?
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• رضا الله هو المقصد الأسمى.
Ang pagpaparangal ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-angat para sa kanya ng alaala sa kanya.

• أهمية القراءة والكتابة في الإسلام.
Ang pagkalugod ni Allāh ay ang pinakamatayog na pakay.

• خطر الغنى إذا جرّ إلى الكبر والبُعد عن الحق.
Ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat sa Islām.

• النهي عن المعروف صفة من صفات الكفر.
Ang panganib ng pagkamayaman kapag humatak ito tungo sa pagmamalaki at paglayo sa katotohanan.

• إكرام الله تعالى نبيه صلى الله عليه وسلم بأن رفع له ذكره.
Ang pagsaway sa nakabubuti ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

 
Translation of the meanings Surah: At-Teen
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close