Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Qadr   Ayah:

Al-Qadr

Purposes of the Surah:
بيان فضل ليلة القدر.
Ang paglilinaw sa kainaman ng Gabi ng Pagtatakda.

إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةِ ٱلۡقَدۡرِ
Tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān nang isang buo tungo sa langit na pinakamalapit gaya ng pagpapasimula Namin sa pagpapababa nito sa Propeta – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa Gabi ng Pagtatakda ng buwan ng Ramaḍān.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ
Nakababatid ka kaya, O Propeta, kung ano ang nasa gabing ito na kabutihan at pagpapala?
Arabic explanations of the Qur’an:
لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ خَيۡرٞ مِّنۡ أَلۡفِ شَهۡرٖ
Ang gabing ito ay isang gabing dakila ang kabutihan sapagkat ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan para sa sinumang nagdasal sa [sa gabing] ito dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
تَنَزَّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمۡرٖ
Nagbababaan ang mga Anghel at bumababa si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na iyon, maging ito man ay panustos o kamatayan o pagkapanganak o iba pa roon kabilang sa itinatakda ni Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
سَلَٰمٌ هِيَ حَتَّىٰ مَطۡلَعِ ٱلۡفَجۡرِ
Ang biniyayaang gabing ito ay kabutihan sa kabuuan nito mula sa pagsisumula nito hanggang sa wakas nito sa paglitaw ng madaling-araw.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• فضل ليلة القدر على سائر ليالي العام.
Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda higit sa mga ibang gabi ng taon.

• الإخلاص في العبادة من شروط قَبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba ay kabilang sa mga kundisyon ng pagtanggap nito.

• اتفاق الشرائع في الأصول مَدعاة لقبول الرسالة.
Ang pagkakaisa ng mga batas sa mga prinsipyo ay nag-aanyaya sa pagtanggap sa mensahe.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Qadr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close