Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Tā-ha   Ayah:

Tā-ha

طه
Ṭā. Hā.[1]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ
Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur’ān upang lumumbay ka,[2]
[2] sa pag-ayaw ng mga kababayan mo sa pagsampalataya sa iyo
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا تَذۡكِرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰ
malibang bilang pagpapaalaala para sa sinumang natatakot [sa Panginoon],
Arabic explanations of the Qur’an:
تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى
isang pagbababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ
Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok [ayon sa naaangkop sa kadakilaan Niya].
Arabic explanations of the Qur’an:
لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ
Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى
Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ
Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ رَءَا نَارٗا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدٗى
Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: “Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang pamparikit o makatagpo ako sa apoy ng isang patnubay [ng papatnubay sa daan].”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ
Kaya noong nakapunta siya roon ay tinawag siya: “O Moises,
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوٗى
tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Tā-ha
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close