Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Tā-ha   Ayah:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ
Nagsabi sila: “O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami ay kauna-unahan sa sinumang pupukol.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ
Nagsabi [si Moises]: “Bagkus pumukol kayo.” Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ
Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Nagsabi Kami: “Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ
Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Tunay na ang niyari nila ay isang panlalansi ng isang manggagaway. Hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدٗا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ
Kaya ipinukol ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ
Nagsabi [sa Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ
Nagsabi sila: “Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at [higit] sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na ito sa Mundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili.”
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمٗا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno. Hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنٗا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ
Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas:
Arabic explanations of the Qur’an:
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ
ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakabusilak.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Tā-ha
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close