Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Tā-ha   Ayah:
فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٞ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ
Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: “Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلٗا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا
Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsasabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ قَالَ لَهُمۡ هَٰرُونُ مِن قَبۡلُ يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَٱتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوٓاْ أَمۡرِي
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: “O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin [sa pagsamba sa Kanya nang mag-isa] at tumalima kayo sa utos ko.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ لَن نَّبۡرَحَ عَلَيۡهِ عَٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرۡجِعَ إِلَيۡنَا مُوسَىٰ
Nagsabi sila: “Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ يَٰهَٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذۡ رَأَيۡتَهُمۡ ضَلُّوٓاْ
Nagsabi [si Moises]: “O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw,
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَّا تَتَّبِعَنِۖ أَفَعَصَيۡتَ أَمۡرِي
na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ يَبۡنَؤُمَّ لَا تَأۡخُذۡ بِلِحۡيَتِي وَلَا بِرَأۡسِيٓۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقۡتَ بَيۡنَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَمۡ تَرۡقُبۡ قَوۡلِي
Nagsabi [si Aaron]: “O anak ng ina ko, huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: ‘Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko.’”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ فَمَا خَطۡبُكَ يَٰسَٰمِرِيُّ
Nagsabi [si Moises]: “Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ بَصُرۡتُ بِمَا لَمۡ يَبۡصُرُواْ بِهِۦ فَقَبَضۡتُ قَبۡضَةٗ مِّنۡ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذۡتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتۡ لِي نَفۡسِي
Nagsabi [ang Sāmirīy]: “Nakakita ako ng hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon. Gayon humalina sa akin ang sarili ko [sa paggawa ng rebulto].”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ فَٱذۡهَبۡ فَإِنَّ لَكَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَۖ وَإِنَّ لَكَ مَوۡعِدٗا لَّن تُخۡلَفَهُۥۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ إِلَٰهِكَ ٱلَّذِي ظَلۡتَ عَلَيۡهِ عَاكِفٗاۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِي ٱلۡيَمِّ نَسۡفًا
Nagsabi [si Moises]: “Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: ‘Walang pananaling!’[4] at tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako na hindi sisirain sa iyo. Tumingin ka sa diyos mo na namalagi ka riyan bilang namimintuho, talagang susunugin nga namin iyan, pagkatapos talagang isasabog nga namin iyan sa dagat sa isang pagsasabog.
[4] “Huwag mo akong salingin,” ang sinasabi niya bilang parusa kaya siya ay itinataboy.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّمَآ إِلَٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَسِعَ كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمٗا
Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumakop Siya sa bawat bagay sa kaalaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Tā-ha
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close