Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: Al Qiyâmah   Verset:
كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ
Aba’y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ninyo na kaimposiblehan ng pagbubuhay [na muli] sapagkat kayo ay nakaaalam na ang Nakakakaya sa paglikha sa inyo sa pasimula ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo, subalit ang dahilan ng pagpapasinungaling ninyo sa pagbubuhay ay ang pag-ibig ninyo sa buhay na pangmundo na mabilis ang pagwawakas
Les exégèses en arabe:
وَتَذَرُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
at ang pagsasaisang-tabi ninyo sa buhay na pangkabilang-buhay na ang daan doon ay ang pagsasagawa sa ipinag-utos sa inyo ni Allāh na mga pagtalima at ang pag-iwan ninyo sa sinaway Niya sa inyo na mga ipinagbabawal.
Les exégèses en arabe:
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاضِرَةٌ
Ang mga mukha ng mga alagad ng pananampalataya at kaligayahan, sa Araw na iyon, ay mga marilag na mayroong liwanag,
Les exégèses en arabe:
إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٞ
nakatingin tungo sa Panginoon nila, na nagtatamasa niyon.
Les exégèses en arabe:
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذِۭ بَاسِرَةٞ
Ang mga mukha ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya at kalumbayan, sa Araw na iyon, na nakasimangot.
Les exégèses en arabe:
تَظُنُّ أَن يُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةٞ
Tumitiyak sila na may bababa sa kanila na isang parusang sukdulan at isang pagdurusang masakit.
Les exégèses en arabe:
كَلَّآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِيَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni ng mga tagapagtambal na sila, kapag namatay sila, ay hindi pagdurusahin sapagkat kapag dumating ang kaluluwa ng isa sa kanila sa pinakamataas na bahagi ng dibdib niya,
Les exégèses en arabe:
وَقِيلَ مَنۡۜ رَاقٖ
at magsasabi ang ilan sa mga tao sa iba pa: "Sino ang maglulunas dito nang sa gayon siya ay pagagalingin?"
Les exégèses en arabe:
وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ
Tumiyak ang sinumang nasa agaw-buhay sa sandaling ito na ito ay ang pakikipaghiwalay sa Mundo dahil sa kamatayan.
Les exégèses en arabe:
وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ
Matitipon ang mga kasawian sa sandali ng pagwawakas ng Mundo at pagsisimula ng Kabilang-buhay.
Les exégèses en arabe:
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمَسَاقُ
Kapag nangyari iyon, aakayin ang patay tungo sa Panginoon nito.
Les exégèses en arabe:
فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ
Ngunit hindi nagpatotoo ang tagatangging sumampalataya sa inihatid ng sugo niya at hindi siya nagdasal kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya,
Les exégèses en arabe:
وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
subalit nagpasinungaling siya sa inihatid sa kanya ng sugo niya at umayaw siya roon.
Les exégèses en arabe:
ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ يَتَمَطَّىٰٓ
Pagkatapos pumunta ang tagatangging sumampalataya na ito sa mag-anak niya, na nagpapalalo sa paglakad dala ng pagmamalaki.
Les exégèses en arabe:
أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ
Saka nagbanta si Allāh sa tagatangging sumampalataya na ang pagdurusa niya ay tumabi na sa kanya at nalapit na mula sa kanya.
Les exégèses en arabe:
ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰٓ
Pagkatapos inulit Niya ang pangungusap para sa pagbibigay-diin sapagkat nagsabi Siya: "Pagkatapos kasawian ay ukol sa iyo saka kasawian!"
Les exégèses en arabe:
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَن يُتۡرَكَ سُدًى
Nagpapalagay ba ang tao na si Allāh ay mag-iiwan sa kanya na pinababayaan nang hindi nag-aatang sa kanya ng isang batas?
Les exégèses en arabe:
أَلَمۡ يَكُ نُطۡفَةٗ مِّن مَّنِيّٖ يُمۡنَىٰ
Hindi ba ang taong ito dati isang araw ay isang patak mula sa punlay na ibinububo sa sinapupunan?
Les exégèses en arabe:
ثُمَّ كَانَ عَلَقَةٗ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ
Pagkatapos siya matapos niyon ay naging isang kimpal ng dugong namuo. Pagkatapos lumikha sa kanya si Allāh at gumawa sa paglikha sa kanya na buo.
Les exégèses en arabe:
فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Saka gumawa Siya mula sa uri niya ng dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae.
Les exégèses en arabe:
أَلَيۡسَ ذَٰلِكَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰ
Hindi ba ang lumikha ng tao mula sa isang patak saka isang malalinta ay Nakakakaya sa pagbibigay-buhay muli sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya talagang nakakakaya.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• خطر حب الدنيا والإعراض عن الآخرة.
Ang panganib ng pag-ibig sa Mundo at pag-ayaw sa Kabilang-buhay.

• ثبوت الاختيار للإنسان، وهذا من تكريم الله له.
Ang pagpapatibay sa [kakayahan ng] pamimili ng tao. Ito ay kabilang sa pagpaparangal ni Allāh para sa kanya.

• النظر لوجه الله الكريم من أعظم النعيم.
Ang pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh kabilang sa pinakadakilang kaginhawahan.

 
Traduction des sens Sourate: Al Qiyâmah
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture