Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
لَن تَنَالُواْ ٱلۡبِرَّ حَتَّىٰ تُنفِقُواْ مِمَّا تُحِبُّونَۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ
Hindi kayo magtatamo ng pagsasamabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, tunay na si Allāh rito ay Maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ كُلُّ ٱلطَّعَامِ كَانَ حِلّٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسۡرَٰٓءِيلُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ مِن قَبۡلِ أَن تُنَزَّلَ ٱلتَّوۡرَىٰةُۚ قُلۡ فَأۡتُواْ بِٱلتَّوۡرَىٰةِ فَٱتۡلُوهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Ang lahat ng [dalisay na] pagkain noon ay ipinahintulot para sa mga anak ni Israel maliban ang ipinagbawal ni Israel sa sarili nito bago pa ibinaba ang Torah. Sabihin mo: “Maglahad kayo ng Torah saka bumigkas kayo nito kung kayo ay mga tapat.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَمَنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Kaya ang sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan matapos na niyon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ صَدَقَ ٱللَّهُۗ فَٱتَّبِعُواْ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sabihin mo: “Nagtotoo si Allāh kaya sundin ninyo ang kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo at hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].”
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ أَوَّلَ بَيۡتٖ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكٗا وَهُدٗى لِّلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na ang unang Bahay [sambahan] na itinalaga para sa mga tao ay talagang ang nasa Bakkah bilang pinagpala at patnubay para sa mga nilalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِيهِ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ مَّقَامُ إِبۡرَٰهِيمَۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنٗاۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلۡبَيۡتِ مَنِ ٱسۡتَطَاعَ إِلَيۡهِ سَبِيلٗاۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Dito ay may mga tandang malinaw [gaya ng] Pinagtayuan ni Abraham. Ang sinumang pumasok dito ay magiging matiwasay. Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh samantalang si Allāh ay Saksi sa anumang ginagawa ninyo?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ تَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَأَنتُمۡ شُهَدَآءُۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, bakit kayo sumasagabal sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya, na naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan, samantalang kayo ay mga saksi. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَرُدُّوكُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ كَٰفِرِينَ
O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa isang pangkat kabilang sa mga binigyan ng kasulatan ay magsasauli sila sa inyo, matapos ng pagsampalataya ninyo, sa pagiging mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara