Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
فَٱسۡتَجَابَ لَهُمۡ رَبُّهُمۡ أَنِّي لَآ أُضِيعُ عَمَلَ عَٰمِلٖ مِّنكُم مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰۖ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۖ فَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ وَأُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأُوذُواْ فِي سَبِيلِي وَقَٰتَلُواْ وَقُتِلُواْ لَأُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ ثَوَابٗا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلثَّوَابِ
Kaya tumugon sa kanila ang Panginoon nila: “Tunay na Ako ay hindi magsasayang ng gawa ng isang gumagawa kabilang sa inyo, na isang lalaki o isang babae. Ang isa’t isa sa inyo ay bahagi ng isa’t isa. Kaya ang mga lumikas, pinalisan mula sa mga tahanan nila, sinaktan sa landas Ko, nakipaglaban, at pinatay ay talagang magtatakip-sala nga Ako sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang magpapapasok nga Ako sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog,” bilang gantimpala mula sa ganang kay Allāh. Si Allāh, taglay Niya ang kagandahan ng gantimpala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَا يَغُرَّنَّكَ تَقَلُّبُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Huwag ngang lilinlang sa iyo ang pagpapagala-gala ng mga tumangging sumampalataya sa bayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَتَٰعٞ قَلِيلٞ ثُمَّ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Isang natatamasang kakaunti, pagkatapos ang kanlungan nila ay Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا نُزُلٗا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۗ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّلۡأَبۡرَارِ
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito bilang tuluyan mula sa ganang kay Allāh. Ang anumang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti para sa mga mabuting-loob.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَمَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِمۡ خَٰشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشۡتَرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Tunay na mayroon sa mga May Kasulatan na talagang sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo at sa pinababa sa kanila, na mga taimtim kay Allāh. Hindi sila bumibili kapalit ng mga talata ni Allāh ng isang kaunting panumbas. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱصۡبِرُواْ وَصَابِرُواْ وَرَابِطُواْ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya, magtiis kayo, manaig kayo sa pagtitiis, mamalagi kayo, at mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara