Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنۢ بَعۡدِ ٱلۡغَمِّ أَمَنَةٗ نُّعَاسٗا يَغۡشَىٰ طَآئِفَةٗ مِّنكُمۡۖ وَطَآئِفَةٞ قَدۡ أَهَمَّتۡهُمۡ أَنفُسُهُمۡ يَظُنُّونَ بِٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ ظَنَّ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ مِن شَيۡءٖۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَمۡرَ كُلَّهُۥ لِلَّهِۗ يُخۡفُونَ فِيٓ أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبۡدُونَ لَكَۖ يَقُولُونَ لَوۡ كَانَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٞ مَّا قُتِلۡنَا هَٰهُنَاۗ قُل لَّوۡ كُنتُمۡ فِي بُيُوتِكُمۡ لَبَرَزَ ٱلَّذِينَ كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَتۡلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمۡۖ وَلِيَبۡتَلِيَ ٱللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمۡ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Pagkatapos nagpababa Siya sa inyo, matapos ng hapis, ng isang katiwasayan na isang antok na bumabalot sa isang pangkatin kabilang sa inyo samantalang may isang pangkatin naman na nagpabalisa nga sa kanila ang mga sarili nila, na nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: “May ukol kaya sa atin mula sa usapin na anuman?” Sabihin mo: “Tunay na ang pag-uutos sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh.” Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: “Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito.” Sabihin mo: “Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila.” [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ مِنكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ إِنَّمَا ٱسۡتَزَلَّهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِبَعۡضِ مَا كَسَبُواْۖ وَلَقَدۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Tunay na ang mga tumalikod kabilang sa inyo sa araw na nagkita-kita ang dalawang bukluran ay nagpatisod lamang sa kanila ang demonyo dahil sa ilan sa mga kinamit nila. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ إِذَا ضَرَبُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ كَانُواْ غُزّٗى لَّوۡ كَانُواْ عِندَنَا مَا مَاتُواْ وَمَا قُتِلُواْ لِيَجۡعَلَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ حَسۡرَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga tumangging sumampalataya at nagsabi sa mga kapatid nila nang naglakbay ang mga ito sa lupain o ang mga ito ay naging mga mandirigma: “Kung sakaling sila ay kapiling naming ay hindi sana sila namatay o napatay,” upang gawin ni Allāh iyon bilang panghihinayang sa mga puso nila. Si Allāh ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَئِن قُتِلۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوۡ مُتُّمۡ لَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَحۡمَةٌ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Talagang kung napatay kayo sa landas ni Allāh o namatay kayo, talagang may isang kapatawaran mula kay Allāh at isang awa na higit na mabuti kaysa sa iniipon ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara