Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Muddaththir   Ayah:

Al-Muddaththir

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
O nagtatalukbong,[1]
[1] Nagtakip ang Propeta ng sarili dahil sa pagkatakot sa nakita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُمۡ فَأَنذِرۡ
bumangon ka saka magbabala ka.[2]
[2] sa mga tao laban sa pagdurusang idudulot ni Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Sa Panginoon mo ay dumakila ka.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Sa mga damit mo ay magdalisay ka.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Sa kasalaulaan[3] ay lumayo ka.
[3] Ibig sabihin: sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
Kaya kapag nagpatunog sa trumpeta,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَبَنِينَ شُهُودٗا
at mga anak na kapiling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaaalwan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Magpapabigat[4] Ako sa kanya ng isang pahirap.
[4] O Aatangan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Muddaththir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara