د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

د معناګانو ژباړه سورت: المدثر   آیت:

Al-Muddaththir

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
O nagtatalukbong,[689]
[689] Nagtakip ang Propeta ng sarili dahil sa pagkatakot sa nakita.
عربي تفسیرونه:
قُمۡ فَأَنذِرۡ
bumangon ka saka magbabala ka.[690]
[690] sa mga tao laban sa pagdurusang idudulot ni Allāh.
عربي تفسیرونه:
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Sa Panginoon mo ay dumakila ka.
عربي تفسیرونه:
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Sa mga damit mo ay magdalisay ka.
عربي تفسیرونه:
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Sa kasalaulaan[691] ay lumayo ka.
[691] Ibig sabihin: sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
عربي تفسیرونه:
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.
عربي تفسیرونه:
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.
عربي تفسیرونه:
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
Kaya kapag nagpatunog sa trumpeta,
عربي تفسیرونه:
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,
عربي تفسیرونه:
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.
عربي تفسیرونه:
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.
عربي تفسیرونه:
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak
عربي تفسیرونه:
وَبَنِينَ شُهُودٗا
at mga anak na kapiling.
عربي تفسیرونه:
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaaalwan.
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.
عربي تفسیرونه:
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
عربي تفسیرونه:
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Magpapabigat[692] Ako sa kanya ng isang pahirap.
[692] O Aatangan.
عربي تفسیرونه:
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.
عربي تفسیرونه:
فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Kaya panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Pagkatapos panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ نَظَرَ
Pagkatapos nagmasid siya.
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
Pagkatapos nagkunut-noo siya at sumimangot siya.
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
Pagkatapos tumalikod siya [sa pananampalataya] at nagmalaki siya.
عربي تفسیرونه:
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
Kaya nagsabi siya: “Walang iba [ang Qur’ān na] ito ay kundi isang panggagaway na ipinapasa-pasa.
عربي تفسیرونه:
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Walang iba ito ay kundi sabi ng tao.”
عربي تفسیرونه:
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.
عربي تفسیرونه:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?
عربي تفسیرونه:
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.
عربي تفسیرونه:
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Isang tagapagtupok ng mga balat,
عربي تفسیرونه:
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
sa ibabaw nito ay may labingsiyam [na anghel].[693]
[693] na mga tanod ng Impiyerno
عربي تفسیرونه:
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Hindi Kami naglagay[694] ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: “Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.
[694] O gumawa.
عربي تفسیرونه:
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,[695]
[695] Ang lahat ng mga panunumpa sa mga bagay na nasaad sa Qur’an ay panunumpa ni Allāh.
عربي تفسیرونه:
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,
عربي تفسیرونه:
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;
عربي تفسیرونه:
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa mga pinakamalaki
عربي تفسیرونه:
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
bilang pagbabala para sa mga tao,
عربي تفسیرونه:
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na mauna o maantala.
عربي تفسیرونه:
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,
عربي تفسیرونه:
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
maliban sa mga kasamahan ng kanan,
عربي تفسیرونه:
فِي جَنَّٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
na sa mga Hardin ay magtatanungan sila
عربي تفسیرونه:
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
tungkol sa mga salarin:
عربي تفسیرونه:
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
“Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?”
عربي تفسیرونه:
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Magsasabi ang mga ito: “Hindi kami dati kabilang sa mga nagdarasal,
عربي تفسیرونه:
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
hindi kami dati nagpapakain sa dukha,
عربي تفسیرونه:
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
kami dati ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],
عربي تفسیرونه:
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagtutumbas,
عربي تفسیرونه:
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
hanggang sa pumunta sa amin ang katiyakan [ng kamatayan].”
عربي تفسیرونه:
فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.
عربي تفسیرونه:
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?
عربي تفسیرونه:
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,
عربي تفسیرونه:
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
na tumakas mula sa isang leyon.
عربي تفسیرونه:
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.
عربي تفسیرونه:
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.
عربي تفسیرونه:
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.
عربي تفسیرونه:
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.
عربي تفسیرونه:
وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ
Hindi sila nag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag magkasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.
عربي تفسیرونه:
 
د معناګانو ژباړه سورت: المدثر
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

په فلیپیني ژبه (تاګالوګ) د قرآن کریم د معناګانو ژباړه، دا ژباړه د مرکز رواد الترجمة لخوا د دار الاسلام ویب پاڼې په همکارۍ شوې ده شوې.www.islamhouse.com

بندول