Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah   Ayah:
كَيۡفَ يَكُونُ لِلۡمُشۡرِكِينَ عَهۡدٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ رَسُولِهِۦٓ إِلَّا ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۖ فَمَا ٱسۡتَقَٰمُواْ لَكُمۡ فَٱسۡتَقِيمُواْ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Papaanong magkakaroon ang mga tagapagtambal ng isang kasunduan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa mga nakipagkasunduan kayo sa tabi ng Masjid na Pinakababanal? Kaya hanggat nanatili sila [sa kasunduan] sa inyo ay manatili kayo [sa kasunduan] sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَيۡفَ وَإِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ لَا يَرۡقُبُواْ فِيكُمۡ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ يُرۡضُونَكُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَتَأۡبَىٰ قُلُوبُهُمۡ وَأَكۡثَرُهُمۡ فَٰسِقُونَ
Papaanong [magkakaroon ng isang kasunduan] samantalang kung mangingibabaw sila [na mga kaaway ninyo] sa inyo ay hindi sila magpapakundangan sa inyo sa pagkakamag-anak ni sa usapan? Nagpapalugod sila sa inyo sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi ang mga puso nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga suwail.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱشۡتَرَوۡاْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلٗا فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ipinagpalit nila ang mga talata ni Allāh sa isang kaunting halaga kaya sumagabal sila sa landas Niya. Tunay na sila ay kay sagwa ang dating ginagawa!
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَا يَرۡقُبُونَ فِي مُؤۡمِنٍ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُعۡتَدُونَ
Hindi sila nagpapakundangan sa isang mananampalataya sa pagkakamag-anak ni sa usapan. Ang mga iyon ay ang mga tagalabag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِۗ وَنُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُم مِّنۢ بَعۡدِ عَهۡدِهِمۡ وَطَعَنُواْ فِي دِينِكُمۡ فَقَٰتِلُوٓاْ أَئِمَّةَ ٱلۡكُفۡرِ إِنَّهُمۡ لَآ أَيۡمَٰنَ لَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَنتَهُونَ
Kung lumabag sila sa mga sinumpaan nila matapos na ng kasunduan sa kanila at tumuligsa sila sa relihiyon ninyo, makipaglaban kayo sa mga tagapanguna ng kawalang-pananampalataya – tunay na sila ay walang mga sinumpaang ukol sa kanila – nang sa gayon sila ay titigil [sa kawalang-pananampalataya].
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَا تُقَٰتِلُونَ قَوۡمٗا نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ وَهَمُّواْ بِإِخۡرَاجِ ٱلرَّسُولِ وَهُم بَدَءُوكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٍۚ أَتَخۡشَوۡنَهُمۡۚ فَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَوۡهُ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Hindi ba kayo nakikipaglaban sa mga taong lumabag sa mga sinumpaan nila at nagbalak ng pagpapalisan sa Sugo samantalang sila ay nagpasimula [sa pakikipag-away] sa inyo sa unang pagkakataon? Natatakot ba kayo sa kanila gayong si Allāh ay higit na karapat-dapat na katakutan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya?
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara