Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah   Ayah:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ جَٰهِدِ ٱلۡكُفَّارَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱغۡلُظۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
O Propeta, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ مَا قَالُواْ وَلَقَدۡ قَالُواْ كَلِمَةَ ٱلۡكُفۡرِ وَكَفَرُواْ بَعۡدَ إِسۡلَٰمِهِمۡ وَهَمُّواْ بِمَا لَمۡ يَنَالُواْۚ وَمَا نَقَمُوٓاْ إِلَّآ أَنۡ أَغۡنَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ مِن فَضۡلِهِۦۚ فَإِن يَتُوبُواْ يَكُ خَيۡرٗا لَّهُمۡۖ وَإِن يَتَوَلَّوۡاْ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ عَذَابًا أَلِيمٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَا لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Nanunumpa sila kay Allāh na hindi sila nagsabi [ng panlalapastangan] samantalang talaga ngang nagsabi sila ng salita ng kawalang-pananampalataya. Tumanggi silang sumampalataya matapos ng pagyakap nila sa Islām at nagbalak sila ng hindi nila natamo [na pagpaslang sa Propeta]. Wala silang ipinaghinanakit maliban na nagpayaman sa kanila si Allāh at ang Sugo Niya mula sa kabutihang-loob Niya. Kaya kung magbabalik-loob sila, ito ay magiging mabuti para sa kanila; at kung tatalikod sila, pagdurusahin sila ni Allāh ng isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Walang ukol sa kanila sa lupa na anumang katangkilik ni mapag-adya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَمِنۡهُم مَّنۡ عَٰهَدَ ٱللَّهَ لَئِنۡ ءَاتَىٰنَا مِن فَضۡلِهِۦ لَنَصَّدَّقَنَّ وَلَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Mayroon sa kanila na nakipagkasunduan kay Allāh, [na nagsabi:] “Talagang kung nagbigay Siya sa amin mula sa kabutihang-loob Niya ay talagang magkakawanggawa nga kami at talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga maayos.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُم مِّن فَضۡلِهِۦ بَخِلُواْ بِهِۦ وَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ
Ngunit noong nagbigay Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ay nagmaramot sila nito at tumalikod sila habang sila ay mga umaayaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَعۡقَبَهُمۡ نِفَاقٗا فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ يَلۡقَوۡنَهُۥ بِمَآ أَخۡلَفُواْ ٱللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ
Kaya nagparesulta Siya sa kanila ng pagpapaimbabaw sa mga puso nila hanggang sa araw na makikipagkita sila sa Kanya dahil sumira sila kay Allāh sa ipinangako nila sa Kanya at dahil sila noon ay nagsisinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa lihim nila at sarilinang pag-uusap nila at na si Allāh Palaalam sa mga nakalingid?
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ يَلۡمِزُونَ ٱلۡمُطَّوِّعِينَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ فِي ٱلصَّدَقَٰتِ وَٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهۡدَهُمۡ فَيَسۡخَرُونَ مِنۡهُمۡ سَخِرَ ٱللَّهُ مِنۡهُمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Ang mga tumutuligsa sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga kawanggawa at mga walang natatagpuan maliban sa pinagpunyagian ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, manunuya si Allāh sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara