Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah   Ayah:
وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلۡأَوَّلُونَ مِنَ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ وَٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُم بِإِحۡسَٰنٖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي تَحۡتَهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas[16] at mga tagaadya[17] at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
[16] mula sa Makkah papuntang Makkah alang-alang sa Islam
[17] na mga taga-Madīnah na nag-adya at tumulo sa mga tagalikas mula sa Makkah
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِمَّنۡ حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مُنَٰفِقُونَۖ وَمِنۡ أَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ مَرَدُواْ عَلَى ٱلنِّفَاقِ لَا تَعۡلَمُهُمۡۖ نَحۡنُ نَعۡلَمُهُمۡۚ سَنُعَذِّبُهُم مَّرَّتَيۡنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٖ
Kabilang sa nasa paligid ninyo kabilang sa mga Arabeng disyerto ay mga mapagpaimbabaw at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah. Namihasa sila sa pagpapaimbabaw. Hindi ka nakaaalam sa kanila; Kami ay nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin Namin sila nang dalawang ulit [sa Mundo at Kabilang-buhay], pagkatapos itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan [sa Impiyerno].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَءَاخَرُونَ ٱعۡتَرَفُواْ بِذُنُوبِهِمۡ خَلَطُواْ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَءَاخَرَ سَيِّئًا عَسَى ٱللَّهُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
May mga ibang umamin sa mga pagkakasala nila. Naghalo sila sa isang gawang maayos ng iba pang masagwa. Marahil si Allāh ay tatanggap ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
خُذۡ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡ صَدَقَةٗ تُطَهِّرُهُمۡ وَتُزَكِّيهِم بِهَا وَصَلِّ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّ صَلَوٰتَكَ سَكَنٞ لَّهُمۡۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito at manalangin ka ng basbas sa kanila; tunay na ang panalangin mo ng basbas ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. [magdadalisay | magbubusilak]
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَأۡخُذُ ٱلصَّدَقَٰتِ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya at kumukuha sa mga kawanggawa, at na si Allāh ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob, ang Maawain?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقُلِ ٱعۡمَلُواْ فَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: “Gumawa kayo sapagkat makakikita si Allāh sa gawa ninyo, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya. Ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَءَاخَرُونَ مُرۡجَوۡنَ لِأَمۡرِ ٱللَّهِ إِمَّا يُعَذِّبُهُمۡ وَإِمَّا يَتُوبُ عَلَيۡهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
May mga ibang inaantala para sa atas ni Allāh, na maaaring magpaparusa Siya sa kanila at maaaring tatanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara