Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah   Ayah:
لَقَدِ ٱبۡتَغَوُاْ ٱلۡفِتۡنَةَ مِن قَبۡلُ وَقَلَّبُواْ لَكَ ٱلۡأُمُورَ حَتَّىٰ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَظَهَرَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَهُمۡ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghangad sila ng sigalot bago pa niyan. Bumulabog sila sa iyo sa mga usapin hanggang sa dumating ang katotohanan at lumitaw ang utos ni Allāh samantalang sila ay mga nasusuklam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ ٱئۡذَن لِّي وَلَا تَفۡتِنِّيٓۚ أَلَا فِي ٱلۡفِتۡنَةِ سَقَطُواْۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Mayroon sa kanila na nagsasabi: “Magpahintulot ka sa akin [na magpaiwan] at huwag kang sumubok sa akin.” Kaingat, sa pagsubok ay bumagsak sila. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن تُصِبۡكَ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡۖ وَإِن تُصِبۡكَ مُصِيبَةٞ يَقُولُواْ قَدۡ أَخَذۡنَآ أَمۡرَنَا مِن قَبۡلُ وَيَتَوَلَّواْ وَّهُمۡ فَرِحُونَ
Kung may tatama sa iyo na isang maganda ay magpapasama ng loob nila ito. Kung may tatama sa iyo na isang kapahamakan ay magsasabi sila: “Kumuha na kami ng nauukol sa amin bago pa niyan,” at tatalikod sila habang sila ay masaya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُل لَّن يُصِيبَنَآ إِلَّا مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَنَا هُوَ مَوۡلَىٰنَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Sabihin mo: “Walang tatama sa amin kundi ang itinakda ni Allāh para sa amin. Siya ay ang Tagatangkilik namin. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ هَلۡ تَرَبَّصُونَ بِنَآ إِلَّآ إِحۡدَى ٱلۡحُسۡنَيَيۡنِۖ وَنَحۡنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمۡ أَن يُصِيبَكُمُ ٱللَّهُ بِعَذَابٖ مِّنۡ عِندِهِۦٓ أَوۡ بِأَيۡدِينَاۖ فَتَرَبَّصُوٓاْ إِنَّا مَعَكُم مُّتَرَبِّصُونَ
Sabihin mo: “Nag-aabang kaya kayo sa amin maliban pa ng isa sa dalawang pinakamaganda[7] samantalang kami ay nag-aabang sa inyo na magpatama sa inyo si Allāh ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya o sa pamamagitan ng mga kamay namin. Kaya mag-abang kayo; tunay na kami ay kasama sa inyo na mga nag-aabang.”
[7] Ibig sabihin: ang pagwawagi at ang pagkamartir.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَنفِقُواْ طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا لَّن يُتَقَبَّلَ مِنكُمۡ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Sabihin mo: “Gumugol kayo nang kusang-loob o napipilitan; hindi ito tatanggapin mula sa inyo. Tunay na kayo ay laging mga taong suwail.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا مَنَعَهُمۡ أَن تُقۡبَلَ مِنۡهُمۡ نَفَقَٰتُهُمۡ إِلَّآ أَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَبِرَسُولِهِۦ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلصَّلَوٰةَ إِلَّا وَهُمۡ كُسَالَىٰ وَلَا يُنفِقُونَ إِلَّا وَهُمۡ كَٰرِهُونَ
Walang pumigil sa kanila na tanggapin mula sa kanila ang mga gugol nila kundi dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, hindi pumupunta sa dasal kundi habang sila ay mga tamad, at hindi gumugugol kundi habang sila ay mga nasusuklam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara